Kaibigan

2 0 0
                                    

Pangalawang araw palang ng pasukan.
Nang tayo ay nagkatabi sa upuan.
Mga matang kumikislap sa ibang paraan.

Kaibigan, ngayon tayo ay nasaan?

Umalis ka at iniwan ako sa ating upuan.
Naghiwalay tayong parehas luhaan.
Ang pagsasama natin sa loob ng isang buwan.
Katumbas ang umaapaw na kasiyahan.

Paano? Paano ba tayo napunta dito?

Anong nangyari sa dating tayo?

Magkalayo.

Kaibigan sana ako'y patawarin mo.
Sana landas natin ay muling magtagpo.
Sana wag ka namang lumayo.
Kasi natatakot ako.

Natatakot sa mangyayari sa dating tayo.
Natatakot na ako ay iwan mo.
Natatakot na katulad nang iba, magsawa ka sa ugali ko.

Nakakatakot.

Kasabay ng pag-iisip ng mga tugma,
Tumutulo ang mga luha.
Kasabay ng pamumula ng mga mata,
Ang paglapit at pagsabi ng mga katagang "Wag kang mag-alala, mahal kita"

Kaibigan, dalawang buwan na pala.

Dalawang buwan palang pala ngunit sigurado ko na.
Kabilang ka sa mga tao na importanteng mahalaga.
Dalawang buwan para sa dalawang tao na sana,
Kahit maghiwalay man ay mananatiling konektado ang puso't isipan.

Kaibigan, ngayon ay iyong kaarawan.
At sana'y tanggapin mo ang inihahandog kong tugmaan.
Galing sa makatang di naman kagalingan,
Ngunit namana naman ang iyong kakyuutan.

Nanay, Ate, Sheena, ano pa nga ba?

Naubusan na ata ng mga katawagan,
Naubusan na rin ng mga tugmaan.
Ngunit ibubuhos sa isang bagsakan.
Maligayang kaarawan at Mahal na mahal kita aking kaibigan.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon