L 2

2 0 0
                                    

Pamilyar na mata.

Pamilyar na tawa.

Halos maningkit na mga mata.

Ngunit imahinasyon ko lang pala

Hindi ka pala siya.

Kasi nagustuhan lang kita sa ideyang magkamukha kayong dalawa.

Ang unfair ko diba?

Ang pagtitig sayo ang sa akin ay nagpamangha.

Paano?

Paano mo napapaalala sa akin?

Lahat ng sakit?

Lahat ng ayaw kong maramdaman.

Lahat ng aking iniiwasan.

Ang tagpong nagpapaalala,

Na ang akala kong sapat ay hindi pa pala.

Kasi nagkagusto sya sa iba.

Sa pag aakalang busy lang sya.

Oo nga busy, busy sa iba.

Ibang mas importante,

Ibang mas worth it.

At siguro, ibang ibabalik ang kaniyang pag-ibig.

Nakakatawa.

Sabi ko "Okay lang, dun nalang ako sa kamukha"

Pero ang aking ikinabigla.

Wala ka ngang nililigawan.

Ngunit meron ka namang kasintahan.

Bakit?

Yan ang tanong karamihan.

Ngunit ang pagtulo ng luha ay hinayaan.

Siya at ikaw ay aking iniwasan.

Sinubukan kong pigilan.

Ngunit ang makita ka ng limang beses sa isang linggo?

Ayoko.

Ang hirap pigilan ang sariling tanungin.

Bakit ang galing niyong magloko?

Bakit ang galing mong magtago?

Bakit niyo ba ako ginaganito?

Nasasaktan na kasi ako.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon