Hays

3 0 0
                                    

Mahal, naaalala mo pa ba?

Kung paanong ang ngiti sa aking mga labi ay hindi na mabura.

Nasabi ko ba?

Kung gaano ako kasaya kada gigising sa umaga.

Mahal, naalala mo pa ba?

Kung gaano ako kasaya nung nakilala kita.

Kung paano ako nagdalawang isip kung mamahalin ka ba.

Mahal, nahihirapan kasi akong magtiwala.

Pagkatapos kong magmahal at masaktan ng paulit-ulit,

Ang magtiwala ulit ay hindi ko magawa.

Mahal, oo mahal na nga kita.

Kasi kahit anong pigil ko,

Natalo ang utak ko sa puso kong tanga.

Pinili kong magtiwala ulit at mahalin ka.

Pinili kita kahit hindi ito maganda sa paningin ng iba.

Pinili kita, sa pag iisip na baka ikaw na nga.

Pinili kita kasi akala ko, tayo nang dalawa.

Pero pinili ko ding bumitaw sa pag aakalang kakapit ka.

Pinili kong tumakbo palayo sa pag aakalang susunod ka.

Pero nagmumukha lang pala akong tanga kasi sumuko ka.

Nagmumukha lang pala akong tanga kasi akala ko lalapit ka at pupunasan ang luha sa aking mga mata.

Pero mahal, bakit?

Bakit di mo ginawa?

Bakit napagod ka?

Bakit tumigil ka?

Bakit ang layo mo na?

Nakakatawa.

Ikaw pa talaga?

O ako na mas inunang indahin ang sakit na nadama.

Ikaw nga ba?

O ako?

Ako na walang ibang ginawa kundi mahalin ka.

Ako na walang ibang ginawa kundi magtiwala.

Wala, sa paulit ulit na pagkakataon.

Natalo nanaman ako.

Nadurog nanaman ang puso ko.

Bat ba kasi ang tanga ko?

Tangang mahalin ang maling tao.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon