Hiling

3 0 0
                                    

Mas madalas man akong lutang kesa matino.

Mas madalas man akong mukhang alien kesa tao.

Mas madalas man akong asal kanto.

Pero mahal, intindihin mo lang tong ugali ko.

Kasi ikaw, ikaw lang ang mamahalin ko.

Ikaw lang, kahit masaktan pa yung sampu.

Mahal, nagsimula tayo sa pangungulit ko.

Nagsimula tayo sa walang awat na pagsuyo.

Nagsimula tayo, na dun ka sa malayo.

Nagsimula akong maglakad papalapit sayo.

Na sa bawat paghakbang ko, hinihiling ko na sana di ka maglakad palayo.

Na sana diyan ka lang sa pwesto mo.

Na sana sa bawat paghakbang ko, mapalapit ako sayo.

Naging magkaibigan tayo.

Pero kada tanong ko "Ewan" ang sinasagot mo.

Oy pre, may pag-asa ba ako sayo?

Oy pre, sakin ka lang, sayo ako.

Pero tanging ngiti lang ang sa akin ay isinagot mo.

Akala ko noong una, katumbas ng mga ngiting yun ang mga katagang "Tanungin mo muna kung may paki ako sayo"

Pero dumating ang araw ng pag amin mo.

Napangiti ako,

Kasi bago pa man ako mangulit sayo,

Ako na ang tinitibok ng iyong puso.

Na bago pa man ako maglakad papalapit sayo,

Unti unti mo na palang inihakbang ang mga paa mo.

Mahal, ang pag-iisip ko kaya'y maiintindihan mo?

Kung ang larangan ng matematika ay sinukuan mo?

Kung parehas lang naman silang magulo.

Kung ang pilit na pag intindi ay ikakasira ng iyong ulo.

Mahal? Balikan natin ang ating mga alaala.

Yung dahan dahan mong hawakan ang aking kamay at tila ayaw nang bumitaw pa.

Yung pagtitig mo sa aking pagtulog at ngiti na umaabot hanggang mata.

Naaalala mo rin ba?

Yung mga simangot na pinalitan mo nang pagtawa.

Yung galit na bigla nalang nawala pag ika'y aking nakita.

Yung pag-uusap na walang sawa.

At yung pagtingin ng diretso sa mga mata mo na parang tayo lang dalawa.

At yung paghiling na sana hindi na to matapos pa.

Na sana hanggang dulo, tayo paring dalawa.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon