Labstoring nauwi sa wala

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman,

Habang nakikinig sa mga kwento mong ako ang nilalaman.

Kung paano ka napangiti nang una akong nasilayan.

Kung paano ka tumingin kahit pangalan koy hindi mo alam.

Magkahawak ang kamay sa ilalim ng buwan.

Mga matang hindi matawaran ang kasiyahan.

Kunot noong inalala,

Saan nga ba tayo nagsimula?

Doon ba sa pagsabi mo ng mga salitang mahal kita?

O doon sa pagtatagpo ng kamay nating dalawa?

Hindi bat nakakatawa?

Dati ay tila hangin sa isa't-isa,

Ngunit dumating sa puntong magkasabay na maglakad sa tabi ng kalsada.

Mahal, naaalala mo pa ba?

Kung paano napunta ang "Hi ako nga pala" sa mga katagang "Cristel Mahal Kita"

Kung paanong tayong dalawa, ay naging espesyal para sa isa't-isa.

Kung paanong ang tinig mo ang sa akin ay nagpakalma.

Kung paanong ang ako, ay muling nabuo dahil sayo.

At kung paanong ang ikaw at ako ay nagkaroon ng tayo.

Naalala ko pa, nung unang beses na masilayan ang pamumula ng iyong mukha.

Nung unang beses na marinig ang mga kwentong nakakubli sa mga mata mong masaya.

Naaalala ko pa, nung unang beses na nagpalitan tayo ng problema.

Nung unang beses na hinagkan ka.

Naaalala ko pa, kung saan tayo nagsimula.

Nakilala kita sa tapat ng pintuan.

Nagpalitan ng pangalan at kamay ay nahawakan.

Kwentuhang walang katapusan.

At nauwi sa sandamakmak na kakornihan.

Naalala ko rin kung paanong ang mahigpit na hawak ko sayong mga kamay ay unti-unting lumuwang.

Kung paanong ang ngiti sayong mga labi ay nabura nang biglaan.

Mahal, naaalala mo pa ba?

Kung paano mo pinigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sayong mga mata.

Kung paano mo pinilit na ngumiti para maipakitang okay ka.

Kung paanong naglakad palayo habang nadudurog ka.

Naalala ko pa kung paano ako titigan ng mga nangungusap na mga mata.

Kung paano ko inayos ang mga salita sa pag-iisip na baka mabawasan nito lahat ng sakit na pwede mong madama.

Mahal, naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba nung tayo pang dalawa?

Naaalala mo pa ba ang mga masasayang alaala?

Naaalala mo pa ba kung paanong tayong dalawa ay kontento na sa isa't-isa.

Naaalala mo pa ba yung panahong ako pa ang dahilan ng iyong pagtawa?

Kasi mahal, Ako, tandang tanda ko pa.

Kung paano ko nalaman na manloloko ka pala.

Kung paano ko nalamang may iba na pala.

Kung paano tumulo ang aking mga luha.

Kung paano ako nadurog dahil sayong mga salita.

Kung paano napunta ang mga salitang "Boyfriend ko nga pala" sa mga katagang "Ha? Sino ba yan? Hindi ko yan kilala"

Sana nga masaya ka.

Sana may sense kahit papano ang mga panloloko mong ginawa.

Sana hindi mapunta ang lahat ng to sa wala.

Sana hindi na tayo muling magkita.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon