Kaibigan ||

4 0 0
                                    

Naka upo sa ilalim ng punong mangga,
Nang may lumapit sakin at nangamusta.
Kasabay ng pagsambit ng mga salitang, "Si Ariel Abajo Jr., kilala mo ba?"

Napangiti ako at medyo natawa.
Ariel Abajo? Wala ata.
Ariel A.? Napaisip ako at pinagdugtong ang mga letra.
Ariela?
Ah! Oo si Ariela.

Si Arielang ngumingiti kahit nasasaktan na.
Si Arielang tatahimik nalang kesa may masaktang iba.
Si Arielang nagawan ko na ng apat na tula.
Si Ariela, oo siya na nga.

Siya yung estudyante kong mas magaling sakin.
Siya yung pinapalakpakan ng marami.
Siya yun.
Si Arielang nagmamahal sakin.

"Hindi mo naman kailangang pumili"
Pero sinasabi ng utak nya'y "Ako nalang kasi",
"Dun ka na kay tangkad mo",
Pero "Please, Magstay ka sakin" ang gustong sabihin.

Napangiti ako.
Layunin kong makagawa ng masayang tula para sa kaarawan mo.
Ngunit patawad kung bakit ganito.
Kung bakit hanggang magkaibigan lang tayo.

Wala pala talaga akong magandang nagawa para sayo.
Pero Ariela, una palang hanga na ako sayo.
San ba nanggagaling ang lakas mo?
Bat ganyan katibay yang puso mo?

Daig mo pa yung kulisap na lumapit sa ilaw.
Nagtataglay ng katapangan dito sa mundong ibabaw.
Yabag nang paa ay umaalingawngaw.
Ngingiti na parang yelong malapit na matunaw.

Mamahalin kita, kasi mahal kita.
Hindi dahil sa dahilang mahal mo ako at nasasaktan ka na.

Tapos natawa ako.
Bakit ba ganito ang mga sinasabi ko?
Bakit ba muli kong sinasaktan ang damdamin mo.
Asan na ang masayang tula na para sayo?
Nako nagkamali nanaman ako.

Maligayang kaarawan para sayo,
At sana pakatatandaan mo.
"I value friendship more than a relationship".

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon