Unang mafall talo

1 0 0
                                    

Nakakakaba.

Hindi maka isip ng mga tugma.

Nakakakilabot.

Nakakatakot.

Bakit nga ba ang kamay mo ay aking inabot?

Bakit?

Bakit ka nga ba nakilala?

Bakit nga ba ako'y pumayag pa?

Pumayag na ika'y makalaban.

Sa isang larong puso ang puhunan.

Bakit?

Bakit ako tumaya?

Bakit?

Bakit hinayaan ang sariling makalaro ka?

Pagkatapos kong pumayag, paulit-ulit kong inisip.

Bakit nga ba?

Siguro, para patunayang hindi ako katulad ng iba.

Siguro, para masabing kaya kong talunin ka.

Isang lalaking gago kung tawagin nila.

Ano nga bang mapapala?

Kung sa ating laro ay matalo kita?

Ano nga ba ang aking makukuha?

Pag pinigilan ang sariling mahalin ka.

Alam naman nating dalawa.

Na ang puso ko ay hindi kayang mahalin ka.

Dahil siguro, hawak na ito ng iba.

Ibang dudurog sa puso kong nag-iisa.

Tapos na ang ilang araw,

Simula nung pumayag ako.

Pumayag na maglaro ang puso.

Oo, hindi na ito bago.

Sabi nga ng bestfriend ko,

"Talo na sya dahil lalaki ang nahuhulog sayo"

Kasi yung babaeng mabilis mahulog ay hindi ako.

Kasi natatakot ako.

Natatakot na baka masaktan ka lang ng isang tulad ko.

Kaibigan.

Oo hanggang magkaibigan lang tayo.

Kasi umpisa palang,

Hindi ko na kayang mahalin ng isang katulad mo.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon