Tagpuan

2 0 0
                                    

Namamawis na mga kamay,

Dumating na ang araw na pinakahihintay.

Nahulog ka na sa akin ng walang kamalay malay.

Ako ay kinakabahan.

Sa aking paghakbang pababa ng sasakyan.

Nangangatog ang tuhod at hindi maintindihan.

Bakit ngayon pa?

Bakit ngayon pa nahulog kung kelan ako ay sumuko na.

Bakit ngayon pa?

Kung kelan ako ay lumisan na.

Bakit ngayon pa?

Kung kelan ayoko na.

Kung kelan napagod na akong hintayin ka.

Kung kelan tanggap ko na, na kaibigan lang kita.

Na hanggang magkaibigan nalang tayong dalawa.

Kaibigan bakit?

Bakit ngayon pa?

Kung kelan tapos na akong magpakatanga?

Kung kelan handa na akong kalimutan ang aking nadama.

Dati kong prinsesa?

Ako'y pinaglalaruan mo ba?

O sadyang wala lang magawa si tadhana,

At pinapahirapan tayong dalawa.

Sabi mo,

"Wala naman akong balak na mahalin ka"

Pero prinsesa,

Hindi naman pinaplano pag nahulog ka.

Prinsesa,

Pasensya ka na.

Patawarin mo ako kung akoy lumisan na.

Kasi hindi sapat ang sabihing mahal mo siya,

Hindi sapat na dahilan yung para saktan niyo akong dalawa.

Mahal mo siya?

Pero namiss mo ko?

Ano? Sabihin mo? Bakit ganito?

Bakit ganyan ang nararamdaman mo.

Bakit pagkatapos ng ilang linggo, babalikan mo ko.

Bumalik ka sakin.

Bumalik ka sa iyong kaibigan?

Bakit?

Nagsawa ka na ba sa kaniya?

Kaya sa piling ko'y bumalik ka?

Siguro, hindi sapat ang pagpapatawa niya.

Siguro, hindi sapat ang pagdamay niya.

Hindi sapat ang siya para palitan ang ating alaala.

Hindi sapat ang kaniyang ginawa para masabing nahigitan na niya.

Nahigitan ang binigay kong kasiyahan.

Nahigitan ang kalungkutang aking naibsan.

Hindi ba kaibigan?

Kasi kahit ilang beses mang umikot ang mundo.

Babalik ka parin sa tagpuan.

Tagpuang saksi sa lahat ng ginawa.

Tagpuang saksi sa lahat ng sakit.

Sa tagpuang iniwanan,

Ngunit iyong babalikan pagkatapos mong masaktan.

Ngunit wala nang nakaabang.

Pasensya ka na kaibigan.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon