Kwento ng Saksi

2 0 0
                                    

Naaalala ko pa kung paano nasaksihan ng aking mga mata,
Yung mga ngiti at pagtawa habang kayo ay magkasama.
Naaalala ko pa kung paano narinig ng aking tenga,
Ang pagbibigay nyo ng motibasyon sa isa't isa.

Ikaw ginoo? Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba kung paano nya pinigilang mawasak ng tuluyan ang puso mong nasasaktan?
Naaalala mo pa ba kung paano nya kwinento ang mga lihim ng kaniyang nakaraan?

Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahong marami siyang problema?
Naaalala mo pa ba kung paano mo hawakan ang mga kamay niya para kumalma?

Ginoo? Ginoo, naaalala mo pa ba?
Yung mga nabuo nyong alaala?
Yung mga alaalang kayo lang dalawa.
Minsa'y seryoso, kadalasa'y masaya.
Pero bakit parang ngayon ay hindi na kayo magkasama?

Bakit nga ba?

Akala ko nung una kayo na ang magkakatuluyan,
Akala ko nung una may pag-asang kayo'y magiging magkasintahan.
Akala ko, pero mas pinahalagahan nyo yung pagkakaibigan na ngayo'y nawala na nang tuluyan.

Ginoo, naalala mo pa ba ang mga binitiwang salita?
Noong mga panahong nababaliw syang parang bata?
Sabi mo nga, ikaw lang ang nakakaintindi sa kaniya.
Sino nang makakaunawa kung pati ikaw ay nawala?

Dito na nga ba magtatapos ang usapang kawalan?
Dito na ba malalaman kung sinong mas papahalagahan, kung kasintahan ba o mga kaibigan?

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon