Pang Apat

2 0 0
                                    

Masaya ako.

Masaya ako.

Masaya ako!

MASAYA AKO!

Oo masaya ako, yan ang alam nyo.

Pero di nyo alam na tuwing gabi tumutulo ang luha ko.

Hindi nyo alam na sumasakit ang puso ko.

Sumasakit sa kadahilanang kailangan ko pang pumili sa inyo.

Pre?

Isa, dalawa, tatlo, apat.

Apat na tula.

Apat na tula na ang nagawa.

Para sabihing "Wag ako, iba nalang"

Para iyong malaman, na hindi ko pa kayang mahulog ng lubusan.

Kaibigan, akala ko ba iyong naintindihan?

Oo, naiintindihan mo naman pero hindi mo naman maiwasang masaktan.

Langhiyang nararamdaman.

Bat ba tayo pinapahirapan.

Kung hindi ka lang sana nahulog sa dalagang walang ibang ginawa kundi ikay saktan.

Edi sana, maayos ang ating usapan.

Masaya sana tayong nagkukwentuhan.

Hindi sana ganito ang nararamdaman.

Hindi sana tayo nasasaktan.

Hindi sana tayo nahihirapan.

Pre wala kang kasalanan.

Siguro nga ang unfair ko lang.

Na lagi nalang, gusto ko ako yung pakinggan.

Na hindi kita pinakinggan.

Na hindi kita minahal, aking kaibigan.

Hulog?

Naaalala ko pa nung umiyak ka sa aking harapan.

Hindi ko alam kung ako ba ang dahilan.

Hindi ko alam.

Hindi ko maintindihan.

Bakit ba sayo ko pa napag desisyonang mahulog nang tuluyan?

Bakit ikaw pa?

Bakit sa kapangalan nya pa?

Bakit kasi sayo ako masaya?

Hindi ko man aminin.

Pero yun ang nakikita ng iba.

Na hindi ka lang basta bastang pandesal.

Kasi isa kang ring tinapay, pero yung espesyal.

At kung ako ay mamimili man.

Gusto ko yung pang apat na pag pipilian.

Yun yung kayong dalawa nalang ang iwasan.

Masakit man.

Pero okay lang. Kahit ako nalang ang masaktan.

Kahit ako nalang.

Wag lang kayong mga importanteng nilalang.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon