Chapter 22: Uninvited guest

7.1K 92 18
                                    

AUTHOR'S NOTE:

OMO! grabeeeee..... whaaaa... salamat po sa mga fan saka sa mga votes!

di ako makapaniwla!!! ang dami niyo na! haha O.A lng hahaha

lam kong madami pa kong bubunuuin pero salamat po talaga sa lahat ng mga nagbabsa!!!


COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

"EUEY! what happened?" hangos ng Daddy niya mula sa pintuan kasunod ito ng mommy niya na naka-roba rin katulad nito na mga halatang kakagising lang dahil parang inaantok pa ang mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang mapakagat-labi sa lakas siguro ng sigaw niya pati kapitbahay magigising.. Pagod pa man din ang mga ito galing sa trabaho.

Pero para namang nahimasmasan ang mga ito ng makita ang sugatang lalaking buhat-buhat ni Kai. Ito ang sumagot para sa kanya.

"It seems Lady Rina pick up a stray cat." grabe parang bale-wala lang yung bigat nung lalaki dito samantalang siya kanina para siyang posteng muntik na matumba.

"Oh my! what happened to him?" her mother worriedly ask she eyed the unconcious man. Maybe it's what they call maternal instict talking kahit na hindi nito kilala ang binata.

"Hindi ko po alam Mommy, nag-doorbell lang siya sa gate kanina tapos ayun dun ko siya nakita." she explained.

"Then we should take him to the hospital." her mother suggested.

"It can't be, Hon masyadong malakas ang ulan ipapatawag ko na lang ang family doctor natin and Euey." her father shot her a look. "Will talk about this later." then he went off to speak to the telephone.

Siguradong papagalitan siya mamaya ng Daddy niya at katakot-takot na explanation na naman ang mangyayari mamaya.

"We better put him in a room first." pukaw sa kanila ng Mommy niya at talagang kababakasan ng pag-aalala ang mukha nito bago nito kinuha ang master key at binuksan ang kwarto ng kapatid niya. Hindi minsan na ba niyang nasabing may nakakatanda siyang kapatid na nawawala? 'Yun ang kwarto nito madalas na sila ng Mommy niya ang naglilinis ng kwarto na 'yon tuwing may oras.

Sabi ng Daddy niya madalas na umaasa ang mama niyang babalik ang Kuya niya kaya palagi nitong nililinis ang kwarto nito kaya nga hindi rin niya mapigilang maawa masakit siguro para sa mommy niya na mawala ang panganay na anak nito kaya nga daw laking tuwa nito ng dumating siya sa buhay ng mga magulang niya. Madalas na lock ang kwarto dahil na rin sa kagustuhan ng Daddy niya ayaw na kasi nitong mabuhay pa ang Mommy niya sa nakaraan ng kapatid niya.

Kaya hindi niya mapigilang magtaka kung bakit sa lalaki ipapagamit ang kwarto, sabagay permanente na kasing kwarto ni Ave ang guest room nila,. At nakakahiya namang gisingin pa ang mga katulong nila para palitan ng bedsheet ang isa pa nilang guest room.

Then as she entered the room, Kai is Carefully laying the unconcious man in the bed as her mother is assisting them.

"Are you really sure hahayaan natin ang lalaking 'yan dito?" tanong nito mukhang hanggang ngayon ay hindi ito naniniwalang walang kakayahan ang lalaking saktan sila dahil nga sugatan ito.

"Kai." mahinahong wika ng Mommy niya. "Don't worry too much as long as wala pa siyang kakayahang saktan tayo kailangan natin siyang tulungan."

"Saka ano naman ang kayang gawin ng isang taong sugatan?" pagsang-ayon pa niya sa Mommy niya.

"Yeah as if he's a human." she frowned when she heard him muttered that bago niya nakitang sinapo nito ang noo. "You two are giving me a headache." sa pagkakataon na iyon pareho silang napangiti ng mommy niya. Pero syempre hindi pa rin niya maiwasang isipin ang ibinulong nito kanina. Ano kayang ibig sabihin 'non?

Nang dumating ang doktor na ipinatawag ng daddy niya ay hindi niya maiwasang mapakunot ng noo. Si Sir Rey kasi ang kasama nito imbes na ang family doktor nila.

He just say a simple 'Yoh' tapos pumasok na ano 'yun?? parang adik lang? Sila naman ay hindi na nito pinapasok pa sa loob. Ano kayang trip 'non?

An hour later ay lumabas na ito may stetoscope pang nakasabit sa leeg nito.

"He's alright mukhang malakas ang katawan niya at hindi madaling bumigay ang katawan niya. Maliban sa malaking sugat niya sa kabilang braso ay ayos na siya. Mukhang hayop yata ang umatake sa kanya kaya ganon ang nangyari sa kanya. Saan niyo ba siya nakita?" walang sumagot sa kanila kaya naman napabuntong-hininga na lang ito. "Okay then, aalis na ko just gave me a ring kung may unusual na nangyayari sa kanya." Aniya nito.

"I'll just walk him outside." sabi ni Kai. Kaya naman sinundan na lang nila ito ng tingin.

"SA tingin niyo ba hindi ko nahahalata ang mga nangyayari sa paligid?" sabi ni Rey nang masigurado nitong hindi sila maririnig ng mga ito.

"Ano ba nga ba sa tingin mo ang mga nangyayari?" nababagot niyang tanong rito.

He tsked. "Answer me with another question siguradong magkakaintindihan tayo niyan." humalukipkip ito minsan nakakalimutan na niya kung sino ba talaga ito. "Mukhang nagagaya ka na masyado sa mga taong nakakasalamuha mo." komento nito.

"Hindi ba dapat wala ka nang pakialam dun?" aniya sa totoo lang kaya lang naman niya ito hinatid sa labas dahil na rin sa sinabi nito sa kanya sa pamamagitan ng isip.

"Parang nakakalimutan mo yata na mas matanda ako sa'yo at higit na mas mataas ako kaysa sa'yo?" tinaasan siya nito ng kilay.

"Alam ko 'yon wag mo nang ipaalala."

"Ano bang nangyayari? Faust is here, Veil is in his conversion stage already at isang hybrid na sugatan sa bahay ng isang pamilya sa tingin mo ba magsasawalang-bahala na lang ako sa mga nangyayari?"

"Everything is being taken care of, nabigyan na kami ng mga instructions ni Veil sa mga gagawin namin."

"Then what do you do with THAT." Aniya nito tukoy sa hybrid na nasa kwarto ngayon.

"Ako nang bahala dito kaya wag na kayong mag-alala." aniya.

"Dapat lang, hindi natin pwedeng hayaang may mangyari hangga't hindi pa natatapos ang conversion ni Veil at siguraduhin mong ligtas si Euey dito." then he shot him a murderous look at nag-iba ang kulay ng mga mata nito. "Dahil ako mismo ang papatay sa'yo kung nagkataon."

Yumuko siya, ang hirap talaga kung ang isa sa mga pinakamatandang miyembro ng council ang kinakausap mo parang lahat ng banta nila ay totoo. "Oo wag kayong mag-alala ang kaligtasan ni Lady Rina ang palagi kong inuuna."

"Mabuti kung ganon. Mauuna na ko." pagkatapos ay sumakay na ito sa sasakyan nito at inihatid na lang niya ito ng tingin. Pero kung siya ang papapiliin mas di hamak na mas nakakatakot pa si Veil dito kapag nagalit.

whaaa.. pasensya na bgla na lng pumasok sa isip ko na bgyan din ng role dito si dr. Rey ewan bxta yun... kaya expect niyo na lng na bgla na lng siya susulpot sulpot hahaha.... den ayun parang mas lalo ko lng pinakokomplcate ang story na to kaya malamng na humaba pa to haizt (-_-) anyway from now on ita-try ko na pong mg update atleast twice a week para masaya haha banzai!

WRITTEN BY:MISS_REDANGEL

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon