AUTHOR'S NOTE:
OOOOOOOOOOOokay.... maraming salamat po sa lahat ng mga ngbabasa sa My Boyfriend is a Vampire kaya namn sobarang inspire tuloy ako sa paggawa ng mga new chaps(whe?) and talagang tuwang-tuwa ako kay Ms Kristelle Castillo kasi po talagang binabasa niya yung story na to and it's so much appreciated *Nose bleed* thank you po talaga.....
and this story is dedicated to you! ^^
COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL
KANINA pa talaga naiilang si Rina sa mga tingin na ipinupukol sa kanila ng mga kapwa nila estudyante nang sabay silang lumabas ni Aveial sa Lexus LFA na pag-mamayari nito. 'Ni hindi nga niya alam na may ganoon palang kamahal na kotse ang binata habang nagtiya-tiyaga itong sumabay sa kanilang dalawa ni Reese na naglalakad lang papuntang eskwelahan. Oo alam niyang mayaman ang pamilya nito kahit noong mga bata pa sila pero 'ni minsan ay hindi nito ipinakita kung gaano ito kayaman sa ibang tao lalo na sa kanya.
Actually sanay na naman siyang palaging center of attraction lalo na tuwing kasama niya ang binata pero iba kasi ngayon dahil kung makaakto ito ngayon ay daig pa ang boyfriend niya. But in other terms masasabi naman talagang magiging boyfriend niya ito sa oras na dumating ang debut niya.
Kanina ay halos nabatukan na niya ito nang ipakita sa kanya ang kotse nito. Iyon lang daw kasi ang 'matino' nitong kotse alangan naman kasing gamitin nila ang nakatenggang L300 van na nasa pinakasulok na yata ng garahe nito kaya kay sa naman itirik sila 'non sa daan ay pumayag na rin siyang 'yun ang gamitin nila.
So as for now she still needs to endure the attetion she is receiving right now. Alam din naman niyang mamaya lang ay mawawala rin iyon sana....
Sa kasalukuyan ay ito ang umaalalay sa kanya habang papasok sa students entrance. Hindi pa siya gaanong sanay sa saklaya niya kaya naman kailangan pa siya nitong alalayan. Ito rin ang may dala ng bag niya kaya mas nagmukha tuloy itong alalay sa paningin niya but of, course sa kanya na lang 'yon.
Then she saw Reese running towards them and stopped perfectly infront of her. Nice
"Good morning, Euey!" then her gaze drop to her feet. "What happened? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Reese tinagalog mo lang 'yung isa pero pareho pa rin naman ang tanong mo." sabi ni Ave sa tabi niya.
"Shaddup I am not talking to you." asik dito ng kaibigan niya.
Tinawanan lang ito ni Aveial at nang-asar pa. "Feisty in th morning Reese? Hindi kaya tumanda ka niyan ng maaga?"
Sinamaan lang nito ng tingin ng kaibigan niya. It's really nice to see Ave back pero pakiramdam niya ay parang may nag-iba pa rin dito. Ang kaso nga lang ay hindi rin niya alam kung paano patitigilin ang dalawa sa pag-aasaran. Hanggang ngayon ay ang hilig talagang mag-asaran ng mga ito at 'ni minsan ay wala pa ring nagpapatalo sa dalawa.
Then marahas na tinabig nito ang binata sa tabi niya at ito ang siyang pumalit sa pwesto nito.
"Wow naman sa pagkakaalala ko ako ang tumutulong sa kanya kanina ahh." anito habang sumasabay pa rin sa paglalakad nila.
"Bakit ikaw ba ang kaklase niya?" napailing-iling na lang tuloy ang binata.
"Hoy! babae hindi mo sinasagot ang tanong ko." balik sa kanya ni Reese. Ang akala pa man din niya ay nakatakas na siya sa pagtatanong nito hindi pa pala. Hay....
Bumuntong-hininga na lang siya. "Something bad came up and I end up like this." iminuwestra niya ang saklay.
"Natapilok, tatanga-tanga kasi." singit ni Ave. Mukhang alam talaga nito ang gagawin niya sa oras na marinig niya ang sinabi nito dahil nasa tabi na ito ni Reese. Malamang kung nahablot niya ito it's either babatukan niya ito o mas maganda ganda ihahambalos na niya ang saklay dito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)
VampiroHindi naniniwala si Euey sa dark forces gaya ng vampire, demons, werewolves at witches. Until one day, narinig niya ang kuwento ng teacher nila tungkol sa dalawang bampira at sa hindi malamang dahilan, nakita niya ang sarili sa kuwentong iyon. Then...