Chapter 1: Euey

38.8K 470 54
                                    

Nous serons toujours ensemble, de toute éternité

BUSY si Euey sa pag-rereview ng test nila sa Physics kasama ang bestfriend niyang si Reese. Breaktime nila ng mga oras na 'yon at pareho silang nakasalampak sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa loob ng school grounds.

"Argh!" marahas na ibinaba ni Reese ang librong binabasa.

"Oh, nangyari sa'yo?" tanong niya kahit alam na naman niya ang sagot.

"Nagtanong ka pa! Alam mo namang kahit na anong aral ko sa tinamaan ng lintik na Physics na 'yan wala pa rin akong masasagot!" tungayaw nito at hindi na niya mapigilan ang tawa niya.

"Bakit sino bang hindi nakapag-aral dahil nakipag-date?" taas-kilay na tanong niya.

Bigla na lang nitong ginagap ang kamay niya. "Sige na, Euey alam ko namang mahal na mahal mo ako 'di ba? pakopyahin mo muna ako." nagpapungay pa ito ng mga mata. "Please..."

She just rolled her eyes irritably. "Mag.du.sa.ka. Ako pa ang ipapahamak mo samantalang alam mo naman kung gaano katinik si Ma'am Rosalie sa mga cheaters."

"Whaaa..." Sinabunutan nito ang may kaikliang buhok. "2012 na."

"2012 na po."

"Apocalypse."

"Movie 'yun."

"Armageddon."

"Just the same."

"It's freaking the end of the Earth, mamatay na tayong lahat!"

"Mag-isa ka." nang mapansin niyang pinagtitinginan na sila ng iba pang mga estudyante ay hinalungkat niya ang kanyang bag habang patuloy sa pag-momologue ang kaibigan niya. Nang makita niya ang hinahanap ay agad niya iyong sinalpak sa bibig ng kaibigan.

May sinabi ito pero dahil puno ang bibig kahit marahil ito ay hind naintindihan ang sinabi hanggang sa ito na mismo ang magtanggal ng tinapay sa bibig.

"'Langya, gusto mo lang talaga ako mawala sa mundong ibabaw 'no?"

'Uy.... Buti naman at alam mo." binalikan niya ang pagbabasa ng libro.

"Napakasama mo talagang kaibigan."

Muli niya itong binalingan."Masama pala eh, akin na 'yung sandwich ko." akmang niyang kukunin ang hawak nito na maagap nitong itinaas.

"Ikaw naman Euerina hindi ka na mabiro."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Alam mo Theresita, kung ayaw mong magkagulo tayo tantanan mo ang pangalan ko, 'yang pangalan mo ang pag-tripan mo."

Agad na nalukot ang mukha nito sa pagkakabanggit niya ng tunay nitong pangalan. Binalingan na lang nito ang sandwich na hawak, "Alam mo mabuti pa kayong mga pagkain." kinagatan nito ang sandwich. "Mas madali pang kausap, magkakalaman pa ang tiyan ko. Hindi katulad ng Physics na 'yon at ang best friend kong kontrabida." muli itong kumagat ng sandwich.

Napailing na lang siya sa kaibigan at hindi na pinatulan ang 'pakikipagusap' nito sa pobreng pagkain. Mas itinuon na lang niya ang pansin sa pag-rereview kung tutuusin naman kasi ay matalino naman talaga ito kung hindi lang talaga may sapak sa utak.

Magkaklase sila sa Blue Rose University simula noong junior high pa lang sila. Hindi katulad ng ibang school sa Pilipinas sinusunod ng school na iyon ang education ladder sa ibang bansa. May junior high at senior high palibhasa kasi ay british-spanish ang may-ari ng school na iyon. Pareho sila ni Reese mula sa prominenteng pamilya kaya nagawa nilang maka-afford sa ganoong klaseng eskwelahan

Naging magkaklase sila noong fifth grade nang mag-transfer ito sa kalagitnaan ng quarter at simula noon ay hindi na sila naghiwalay. Outgoing, funloving, matakaw at maingay ang kaibigan niyang kabaliktaran daw niya na seryoso at tahimik well sort of. Pero kahit na ganoon ay marami pa ring humahanga sa kanilang dalawa.

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon