Chapter 25: Conversion

7K 99 13
                                    

A/N:

To my readers pasensya na medyo late na ko mg upload lately masyado talgang busy ee di ako makatiyempo T___T Anyway sa mga gusto pong i-dedicate ko ang mga susunod na chap just comment^^ ndi po ako nangangain ng tao kea feel free to approach kung ano po ung tingin niyo sa bawat chap lalo na po sa story ko. Pasensya na kung masyadong demanding talga po kasing puno ako ng insecurities sa katawan lalo pa at ito anfirst story kong talgang itinuloy ko hanggang huli kea parang ganito ang tono ko ngeun *sigh* anyway here's the new chap I hopre nagustuhan niyo talaga 'to.

COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

NAKANGITI lang si Ave habang nakatitig lang sa telepono na hawak niya. Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang ugali ni Rina talagang matigas pa rin ang ulo niya kahit kailan.

"Dapat hindi mo na siya tinawagan." Sabi ni Dr. Rey sa tabi niya. Isa rin ito sa pinakamatanda at pinakamalakas na Bampira na kilala niya at pinaka pinagkakatiwalaan ng pamilya niya lalo na ang ama niyang matagal na nito kaibigan. Kahit na ngayon ay hindi na ito masyadong aktibo sa pagiging council ay napakalakas pa rin ng impluwesiya nito sa mundo nila. Hindi nga lang niya inakalang dito pa sa Pilipinas ito namamalagi kaya wala na rin siyang nagawa para itago ang katotohanan sa pagkawala niya sa kaharian nila.

"May masama ba sa ginawa ko? Wala naman ah." Pagmamaang-maangan niya. kahit alam naman talaga niya ang sinasabi nito.

Tinitigan siya nito ng maigi habang nakaupo ito sa upuang nakatabi lang sa gilid ng kama niya. "Anytime your conversion stage will start, bakit mo pa siya tinawagan gayong alam mo naman ang pwedeng gawin niya?"

He can't help but sigh he just want her to see him, as a human, for the last time dahil alam niya sa sarili na malaking pagbabago ang mangyayari sa pagitan nila. Hindi na siya tao at muli na siyang babalik sa kung ano naman talaga siya at alam niyang hindi naman nito maaalala ang totoong siya ilang taon na rin ang nakakalipas. He just want her to see him as the best friend she knew since she was a kid dahil oras na magsimula ang lahat mamatay ang taong nakasanayan nito. Alam niya iyon sa sarili niya, pero masasabi rin niyang gusto talaga niyang makita muna ito bago niya muling pagdaanan ang sakit na akala niya hindi na ulit niya mararanasan.

"I know, don't worry sandali lang naman ang lahat."Ito ang kinaiinisan niya ang wala siyang magawa ngayong pang masyadong mahina ang katawan niya para gumawa ng kahit ano. Isa pa kahit noon pa man mahina na ang katawang tao niya kaya madalas siyang nagkakasakit hindi nito kayang itago ang lakas ng totoong siya kaya noon ay laging nagkakaganito siya. Nakahiga sa kama at hindi niya masyadong maigalaw ang buong katawan niya.

Pero alam niyang pagkatapos 'non mababalik na sa dati ang kapangyarihang taglay niya at ang pagkauhaw niya. ikinakatakot lang niya ay kung kakayanin kaya niyang pigilan ang sarili tuwing nasa paligid si Rina dahil hindi kagaya dati tao ito ngayon at siguradong magiging malaki ang epekto rito kung malalaman nito ang totoo.

"Your still stubborn as your father bagay talagang ikaw ang papalit sa kanya you really remind me of him in every sort of way."

"I know that kaya pwede bang hayaan mo muna ako sa gusto ko?"

"Sa tingin mo ba may magagawa pa ko?" he grinned knowing he wins. "Basta siguraduhin mo lang na sasabihan mo ako sa oras na makaramdam ka ng kahit ano." Bilin nito sa kanya.

"Rey, I have already pass this stage once kaya sa tingin mo ba hindi ko alam ang gagawin ko?"

"Veil, iba noon at ngayon, magkaibang magkaiba kaya wag kang magpakampante sigurado akong mas doble pa ang sakit na mararanasan mo sa pangalawang pagkakataon na 'to."aniya nito sa seryosong boses.

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon