Chapter 32: Kidnapped!

6K 88 8
                                        

A/N:

So here's the new chap and just like I promise this sembreak ay tatapusin ko na ang story na to anng maumpisahan ko na ang book 2 nito at ang MY Vampire duke you could Check it on my profile if you want anyhooo.....



Here's the chap!



ALL RIGHTS RESERVED 2012


KANINA pa palakad-lakad si Jerome sa loob ng kwarto niya habang inaantay ang oras na sinabi sa kanya ng mangkukulam na 'yon kanina. 'Ni hindi nga niya sukazt akalain kung saan siya nito dadalhin nang bigla na lang siya nitong hatakin kung saan.

He still remembered what they had talked about.

Dinala siya nito sa isang hindi mataong lugar at saka pinaaupo sa isa sa mga nakakalat na mga upuan at lamesa saka naman ito umupo.

"You know If I were you, dapat magingat ka sa tuwing nasa paligid mo lang si Veil." She cocked her head while staring at him. "And I'm telling you, you don't want to mess with him especially that he's awaken."

"Hindi ko kailangan ng kaibigan o kaaway sa mga panahong ito ang kailangan ko lang gawin ay ang mabuhay." Then he suddenly felt his head hurt. Saka lang niya narealize na pilit na pinapasok nito ang mga alaala niya.

'Get the hell out of my head!' he screamed at her na nginitian lang siya nito na parang wala man lang itong ginawa sa kanya kanina. He scowl at her. "If I were you hindi ka dapat basta-bastang pumapasok sa isang lugar na hindi mo gugustuhing makita." He said to her menacingly.

"Hindi mo ako kilala, Jerome kung impyerno lang ang pinaggalingan mo matagal na kong nakarating 'don." Anito parang 'ni hindi man lang ito natakot nang magiba nang kulay ang mga mata niya. She just shrugs. "Oh well, malalaman ko rin naman ang gusto kong malaman. Oo nga pala may pinapasabi sa'yo si Veil." Sandali itong natigilan at walang emosyong tumingin sa kanya. "They'll be waiting for you in the park at midnight." Pagkatapos ay tumayo na ito. "At sabihin m okay Veil siguraduhin niyang walang mangyayaring masama kay Rina kung hindi ako mismo ang papatay sa kanya." Saka ito umalis sa harap niya at hindi na niya alam kung saan na ito nagpunta. Buti na lang at nakita niya ang mga magulang niya at ditto ay sumabay na siya pauwi.

At ngayon heto siya inaantay ang tamang oras para makalabas na at alam niya sa sarili niyang hindi na siya muli pang babalik sa lugar na 'yon. Nang makita niyang iyon na ang tamang oras para umalis ay agad siyang lumabas sa kwarto niya at sa huling pagkakataon ay pinuntahan niya ang mga natutulog na magulang sa mga kwarto nito. Ang mga mapayapang mga anyo nito ang siyang lalong nagpatibay sa paninindigan niyang umalis na sa lugar na 'yon.

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon