Israel“I hope by tomorrow you can submit your project. That's all. Class dismissed.”
Dali-daling nagsi-ayusan ng mga gamit ang iba kong kaklase at nag-uusap usap kong saan sila gagawa ng project. By pair kasi itong ibinigay ni sir Erick.
“Dude, sinong partner mo?” nakangising tanong ni Larry. I know, they already know who will be my partner. But they kept on asking and teasing me.
“The famous weird latecomer.” tipid kong sagot at bahagyang ngumiti.
“Hehehe! I wish you all the best, dude! By the way, Kelly malabs is my partner! I'm so lucky! Biro-in mo, sa daming lalaking naghabol sa kan'ya, sa akin pa siya napunta. Maybe it's our destiny!”
Natawa ako sa reaksiyon n'ya. What's with Kelly that I didn't see?
Tinapik ko lang siya sa balikat at nagpa-alam na mauna lang ako.
Hahanapin ko pa kasi si Patricia bigla kasing nawala sa classroom.
Kaninang umaga, late na naman siyang dumating. Basa ang kan'yang buhok at halatang kakabihis n'ya lang ng panibagong uniform. Binully na naman ata sa labas. Nadagdagan pa nang pinagalitan na naman siya ng Filipino teacher namin. At sinigaw-sigawan. As usual, pinagtawanan na naman siya ng mga kaklase ko.
Lakad at takbo ang ginawa ko para mahanap si Patricia. Hanggang nakasalubong ko si Jeyhu.
“Bro, did you see her?” I asked without mentioning her name kaya napakunot-noo siya.
“The famous weird latecomer.” dagdag ko at nag-iba naman ang timpla ng kan'yang mukha.
“Are you in love with her?”
Pabiro ko siyang nasapak at natawa nalang. Gano'n ba siya ka advance mag-isip?
“Sira-ulo. Hindi no! May project kasi kaming dapat gawin. So, ano? Nakita mo ba s'ya?”
“Yah. We're talking a while ago. In the locker.”
Weee? 'yan ang unang pumasok sa isip ko. Hindi nga? Tatanungin ko pa sana siya kung nagbibiro ba siya nang iniwan na niya ako.
I know my brother. He's not a liar. I just can't believe. Anong pinag-uusapan nila? I'm curious.
Dali-dali akong pumasok sa locker room pero wala naman akong natagpuang Patricia do'n.
Dismaya akong lumabas ng locker room. Pagod na din akong maglakad.
So, I decided na sa cafeteria nalang ako tutungo, gutom na din ako. Hindi pala ako nag-agahan kanina.
“Hindi mo dapat ginawa 'yun. You should not stress yourself, Ms. Berdenio.”
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang apilyedo n'ya. It's Mr. Erick who's talking to her.Nagtago ako sa gilid ng isang classroom para hindi makita. Naiintriga kasi ako kung anong pinag-uusapan nila.
“Come on, Mr. Villan. You already knew the situation.” malamig nitong saad.
“But---”
“Why do you care that much?”
Pareho silang nakatagilid sa akin kaya nakita ko kung ano ang mga reaksiyon nila.And Patricia was smirking!
“Oh, come on. Alam mo na---”
“Alam kong alam mo, na kung may mga taong may paki sa akin, wala akong paki sa kanila, Mr. Villan.” maanghang n'yang sabi at naglakad palayo kay sir. Papunta sa direksyon ko.
Mas lalo akong sumiksik sa pader para hindi n'ya makita.
Ngunit parang may animal instinct ata siya.
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko nang maramdamang nakatitig siya sa akin.
“I didn't mean to listen your conversation with him.”
Inunahan ko na siya. Tinitigan n'ya lamang ako gamit ang kan'yang walang reaksiyong mukha.“Uh. I'm really sorry.”
Nagsimula na akong maglakad palayo nang naalala kong may kailangan pala ako sa kaniya.“Sa bahay n'yo nalang.” malamig niyang sambit at naglakad palayo.
Bahagyan akong napanganga.
“W-ait, Patricia--- aish!” nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang ako pinansin.
Anong sa bahay namin? Doon ba kami gagawa ng project? Alam n'ya ba kung saan ang bahay namin?
Wait, Am I taking to myself again?
Urgh!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at tumungo sa cafeteria.
————
“Ya, where's mom and dad?” nakangiti kong tanong kay yaya Linda nang matagpuan ko siya sa stairs, pababa na.“Iho, nand'yan kana pala. Wala dito ang mga magulang mo. Nagmamadali ang mga iyong maka-alis. Nga pala, binilin nila sa akin na baka hindi daw sila maka-uwi ngayong linggo.”
“Bakit daw ho?” sanay naman akong wala sila dito. Palagi naman kasi silang busy eh.
“Iyan ang hindi ko alam, iho. O sige na't magbihis. Bumaba ka dito mamaya ha.”
“Bakit po?” kunot noo kong tanong.
“Aba'y malamang para kakain. Alangan namang magpapalipas ka ng gutom. Masama 'yon, iho. Baka mapagalitan ako ng mommy mo kapag nalaman nilang hinayaan ko nalang kayong hindi makakain.” ani yaya.
Natawa ako ng mahina sa pamimilosopo ni yaya at the same time, to her concern. It seems like she's our mother. How sweet of her.
“Yeap. Bababa ako mamaya, ya.”
“Good---”
“By the way, ipaghanda n'yo po ako ng extrang makain mamaya, ya. Salamat.” pasigaw kong tugon at patakbong pumunta sa itaas.
“Para saan naman 'yan, iho?” narinig kong tanong niya. Nilingon ko siya sabay ngiti.
“May bisita po ako mamaya.” sigaw ko pabalik at naglakad papunta sa kwarto.
“You guys are so loud.” bahagyan akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Jeyhu.
“Oy, bro. Nandito kana pala. I thought you were still in school.”
Nakabihis na ito ng pambahay at kinusot ang kan'yang mga mata. Parang kakagising niya lang.“Tsk.” tanging naisagot niya at nilagpasan ako. Papunta ata sa kusina.
I just shrugged. I used to his coldness.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa aking silid.
“Hey, babe!” masigla kong bati sa litratong nasa ibabaw ng study table ko.
“How's life?” natatawa kong kausap dito.
Hindi ko namalayang may namumuong luha na naman sa mga mata ko. Pagod akong pigilan ngayon. So, I just let them fell.
“Sana ayos ka lang diyan.”
Marahas kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at direktang tinitigan ang mga bituin sa kalangitan habang nag-iisip kong saan na kaya ang bubong namin.
Hindi, biro lang. Sa ceiling lang talaga ako nakatitig.
Hindi ko namamalayang unti-unti na pala akong nilamon ng antok. Wala akong nagawa kundi nagpalamon nalang din.
Nakakapagod ang araw na'to.
—————
To you, yes, to the one who's reading this, God loves you so much. God bless!
BINABASA MO ANG
Latecomer
Teen FictionPatricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang halaga. Dahil sa ugali niyang ito, mabibilang lang din sa kamay ang mga taong nanatili sa kaniya. Ngunit lahat ba talaga ng taong nanatili sa...