Patricia
–
Kung inikala kong maayos na ang lahat, nagkakamali ako.
Nang lumabas na kami ng mall ni Patrick, saka naman namin nakita si Zenela.
Pareho kaming gulat kaya walang sinuman ang gumalaw. Pero noong nata-uhan si Patrick, siya ang unang nagsalita.
“Kailan ka pa bumalik dito, Zen?” gulat nitong tanong.
“None of your business,” mataray niyang sagot at inirapan ako.
“Pasensya na, pero, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang?”
“May pupuntahan pa ako.”
“Zen, kahit sandali lang,” paki-usap ng kapatid ko.
“Busy ako.”
“Zen, please? Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin, pangako.”
Ako ang naawa sa kapatid ko. Bakit ba kasi pilitin ang mga taong ayaw. Kung ayaw, eh di 'wag.
“Ano kasi 'yan? Na mamamatay ka na?”
Hindi ko na napigilan ang sarili, nasampal ko siya.
“The fvck? Ano bang problema mo? Ang kapal naman ng mukha mo. Ikaw na nga ang nagsinungaling, ikaw pa ang may ganang manampal. How dare you?”
“Zen–”
“What now, Patrick? Ipagtanggol mo ba itong sinungaling mong kapatid?”
“Zen, kasalanan ko...”
Walang sinuman ang nagsalita. Kunot noong tumingin sa Zenela kay Patrick.
“Patrick, let's go,” walang reaksiyon kong sabi at hilain na sana siya nang pigilan niya ako.
“No, Trish. Huwag mo na akong pigilan, tama na ang mga kasinungalingan. Hindi dapat sa 'yo napunta ang sisi,” seryoso niyang sabi at tumingin sa nalilitong Zenela.
“Zen, it's my fault. Pinilit ko lang si Tricia na magsinungaling. Ang totoo niyan, ako ang nagsabi na ilihim lang namin sa inyo na may sakit ako. Hindi ko kasi akalin na dadating sa punto na malalaman ninyo. Naging blanko ang isipan ko noon, hindi ko alam ang pinagsasabi ko. Namalayan ko nalang na kay Tricia ko na pala isinisisi ang lahat.”
Tulala pa rin si Zenela.
“Z-Zen, sorry. I'm really sorry. Ayaw ko lang talagang malaman ninyo ang kalagayan ko. Saka isa pa, hindi naman ganoon ka-grabe ang sakit ko–”
Hindi pa man natapos ni Patrick ang sinasabi, bigla na itong sinampal ni Zenela.
“That's for lying! Ang kakapal ng mukha ninyong dalawa! Magsama kayo!”
“Zen!”
Ang bilis ng pangyayari.
Tumakbo si Zenela papunta sa kabilang parte ng daan nang hindi man lang tumitingin sa kaniyang dinadaanan.
“Zen! May paparating na truck!”
Bago pa makalingon si Zenela, tinulak na siya ni Patrick.
Tinulak siya ng kapatid ko.
My brother saved her.
My Patrick fcking saved her!
Hindi ko na alam ang nangyari.
Nagkagulo ang mga tao.
Ang daming sumisigaw.
What the fck is happening?
BINABASA MO ANG
Latecomer
Teen FictionPatricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang halaga. Dahil sa ugali niyang ito, mabibilang lang din sa kamay ang mga taong nanatili sa kaniya. Ngunit lahat ba talaga ng taong nanatili sa...