Chapter 6

844 13 0
                                    

Patricia


Nagpatuloy akong kumain habang tinitingnan pa rin ni Jeyhu. Nang mapagod 'ata siya kakatayo, umupo siya sa may sahig katapat sa akin.

“Are you ignoring my presence, witch?” tila naiinis nitong tanong.

“Am I?”

Is he here to ask that kind of question? Or he's here to give me 50 million? I wish he's here for the second choice.

“Why are you eating here? Do you know that this is my place?”

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at nagsimulang maglakad palabas dala ang pagkain at bag ko.

“Where are you going?”

Kunot noo ko siyang nilingon, “Leaving.”

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad palabas nang marinig ko ang kaniyang sigaw, “Hey!”

Tumigil ako at nilingon siya, ngunit wala naman itong sinasabi kaya tuluyan na akong bumaba.

“Witch.” he murmured but I heard it loud and clear.

Nang pababa na ako, nakasalubong ko si Israel. Dedeadmahin ko na sana ngunit bigla niya akong tinawag.

Sa isip ko, napataas ang aking kilay dahil sa tono ng pananalita niya. He's done with his cold-tune?

“Nakita mo ba si Jeyhu sa roof top?” nakangiti nitong tanong. Tinanguan ko lang siya at tuluyan ng bumababa.

Hindi na ako masyadong nabigla sa mga ikinikilos ng mga tao ngayon. That's people, madaling magbago.

Lumipas ang mga oras, natapos din ang klase na buhay pa ako. I should call my self a survivor. I survived from the toxic people.

Nang matapos ang huling subject, nagmadali na akong lumabas ng paaralan at sumakay ng taxi papunta sa tinatrabahuan kong coffee shop. Pagdating ko doon, nagbihis ako ng uniform at isinuot ang face mask.

Nang matapos, naglog-in ako at nagsimulang magserve.

“Here's your coffee ma'am, sir. Have a nice evening.”

Mag-alas diyes na ng gabi nang matapos ang duty ko. Nagbihis ulit ako at dumiretso sa hospital.

Naabutan ko si Patrick na kagagaling lamang sa cr.

I kissed his cheeks at diretsong humiga sa kama niya.

“Hey! Remove your shoes!” sigaw niya.

“I'm tired. Do it for me, please.” mahina kong sambit at unti-unti kong nararamdaman ang antok.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari, nagising nalang ako na may tumawag sa pangalan ko.

“I'm still sleepy.”

“Patricia, gising! Kumain ka muna.  Hoy! Gising sabi eh!”

Wala akong nagawa, bumangon ako sabay kusot ng mga mata. Pinipigilan kong mahiga ulit dahil sa matinding antok na nararamdaman ko.

“Anong oras na ba?” walang buhay kong tanong.

“One: thirty-five. Kumain ka muna. Huwag kang magreklamo. Tingnan mo nga ang katawan mo. Ang payat mo na. Mukhang ikaw pa ang may sakit sa ating dalawa,”  nakataas kilay niyang sabi sa akin. “Saka, hindi ka pa nagbibihis oh. Anong klaseng babae ka ba? Mabuti't nakatulog ka sa lagay na 'yan.”

Ang dami pa niyang sanabi, kesyo ginawa ko na raw'ng bahay ang room niya, bakit daw gabi na ako makarating.

Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang dumada ng dumada, nang maramdaman niyang tinitigan ko lang siya, tumigil ito at itinulak ako palabas ng silid.

Gusto pa mang humiga ng katawan ko, hindi ko magawa dahil paniguradong hindi naman ako titigilan ni Patrick.

Suot ang aking school uniform, naglakad ako sa pasilyo ng hospital at tinahak ang kanilang canteen. Wala na akong masyadong nakasalubong na taong palaboy-laboy, tanging mga nurse at doctor nalang.

Nang makarating ako sa kanilang canteen, umorder ako ng isang coffee at sandwich. Hindi ko gusto ang kanilang ibang paninda.

Nang matapos ko itong kainin, lumabas na ako ng canteen at bumalik sa room ni kuya. Hindi pa ako nakarating, biglang tumunog ang aking cellphone na naging sanhi sa aking pagtigil.

Mabagal akong naglakad habang inilagay malapit sa tainga ang aking cellphone. Hinintay kong maunang makapagsalita ang nasa kabilang linya.

“Hoy, bruha!” bungad nito sa akin. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang susunod niyang sasabihin.

“Uunahan na kita, hindi ako excited pumuntang Pilipinas bukas, huwag kang assuming.”

Napairap ako sa aking isip.

“Huwag na huwag mo akong maiparan diyan! Ang kapal talaga ng pagmumukha mong bruha ka.”

Kailan ko ba sinabing excited siyang pumunta rito sa Pilipinas? Kung hindi palang ako sanay sa ugali ng babaeng 'to, malamang matagal ko ng inisip na may sakit siya sa utak.

“Anong kailangan mo, Zenela?”

“Anong, anong kailangan ko? Ang kapal talaga ng mukha nito. Para malaman mo, wala na akong kailangan dahil sa pagkaka-alam ko, nasa akin na ang lahat.” mayabang nitong saad.

“Nasa iyo na ang lahat?” patanong kong ulit sa kaniyang sinabi.

“Paulit-ulit? Obvious naman, hindi ba?”

“Kahit ang taong mahal mo?”

Natawa ako ng mahina sa aking isipan dahil bigla nalang itong natahimik.

Gotcha!

“H-hoy! Wala namang personalan!”

Hindi ko na mapigilan ang mahinang tawa na kumawala sa aking bibig.

“See you tomorrow,” tugon ko nalang at kaagad na pinatay ang tawag.

Mabilis na ulit akong naglakad patungo sa silid ng aking kapatid.

Naabutan ko itong nakaharap sa TV pero halata namang ang layo ng iniisip. Ni hindi nga nito napansin ang pagdating ko.

I hate it seeing him like that. I hate seeing him suffering and I hate myself even more because I can't do anything for him– to make him smile again, to stop his suffering.

Sure, he smiled but I know deep in his heart, he's already crying in pain.

I miss how he smiled before. It's so genuine, unlike now, it's very dull.

And it's slowly killing me right now. I also become dull.

———

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon