Erick
–
Minsan, sa buhay, may mawawala at may mananatili at wala tayong magagawa kundi tanggapin ang naging desisyon ng tadhana.
Kakatapos lang ilibing ni Patrick at nagsi-uwian na ang mga tao, pero nandoon pa rin si Trisha sa harapan ng puntod ng kaniyang kapatid. Katulad ng dati, wala na naman itong reaksiyon. Natatakot ako dahil simula nang mawala si Patrick, hindi ko pa siya nakitang umiyak.
Alam kong gusto na niyang magwala, sumigaw, at umiyak, pero pinipigilan niya lang. At doon ako mas lalong natatakot. Ayaw kong nagkakaganito siya. Mas gugustuhin ko pang makita siyang umiyak nang sa ganoo'y mailabas niya ang sakit na sobrang tagal na niyang kinikimkim.
Ayaw ko siyang makitang nagkakaganito. Ako ang naawa sa kaniya.
“Wala ng tao.”
Walang reaksiyon niya akong nilingon.
“Puwede ka ng umiyak,” pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. “Huwag mo ng pigilan. Maawa ka naman sa sarili mo.”
Tinalikuran niya lang ako. Hindi niya ako sinagot pero nakita ko ang pasimple niyang pagpunas sa kaniyang luha.
“You can always cry, Trish. Alam kong sobrang bigat na ng kalooban mo ngayon. Sige na, ilabas mo lang 'yan. Magwala ka, sumigaw ka, sampalin mo ako, gawin mo lahat ng gusto mo. Nandito lang ako, hindi kita iiwan.”
Napangiti ako nang lumakas ang hikbi niya hanggang humagulgol na ito.
“Sige lang, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin.”
Lumingon siya sa akin at mapait akong nginitian.
“A-ang daya... Ang daya talaga,” aniya at mapaklang tumawa.
“Sobrang pagod na akong masaktan. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko. Iniwan na nila akong lahat.”
Bawat salita na lumabas sa kaniyang bibig ay punong-puno ng lungkot, ng sakit, ng hinanakit.
“Ang daya. Iniwan na nila ako,” parang pagod na pagod niyang sabi at napa-upo sa damuhan.
“Ang daya ninyo! Hindi ba kayo naawa sa akin? Bakit ninyo ako iniwan? Wala ba akong kwentang anak? Wala ba akong kwentang kapatid? Bakit kayo umalis?”
“Alam niyo ba kung gaano kasakit ang maiwan mag-isa? Ha?! Alam niyo ba? Sobrang sakit!”
“Ikaw Patrick! Alam mo naman kung gaano kasakit ang maiwan, hindi ba? Pero bakit mo ako iniwan? Ikaw nalang ang mayroon ako, pero iniwan mo pa rin ako.”
“Ang daya niyo talaga.”
Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod siya.
Habang tinitingnan ko ang aking pinsan, hindi ko maiwasang masaktan ulit. Sobra-sobra na ang pinagdaanan niya. Kung puwede lang sa akin na ang ibang sakit na nararamdaman niya.
—
Lumipas ang mga oras, ang mga araw, hindi ko na ulit nakitang umiyak si Patricia. Pero kapag marinig niyang pinag-usapan ang pagkamatay ni Patrick, bigla itong magwala.
Nagulat kaming lahat nang pumasok pa rin siya sa paaralan, 'yon nga lang, mas naging malala ang pagiging cold niya. Ni hindi pa namin narinig na magsalita.
Pinilit ko siyang sa bahay nalang nila ako tutuloy para may makasama siya pero umiling lang ito at iniwan ako.
May mga pagkakataon na sinusubukan ko siyang kausapin pero nanatili itong walang imik at bigla nalang akong iiwan.
Wala akong ibang tulong na naibigay sa kaniya kundi ang pera. Malaki ang pasasalamat ko dahil kahit papano, tinanggap niya iyon. At balita ko, binigyan din siya ng pera ng dati nilang doctor. Inalok siya na sa kanila nalang titira pero tumanggi si Trisha.
Hanngang dumating ang araw na pinakahihintay ng marami, ang graduation day.
Nagsimula na ang ceremonya pero hindi pa rin dumating si Trisha.
Isa-isa ng tinawag ang mga naka-graduate hanggang,
“Berdenio, Patricia Agustin.”
Akala ko wala na talaga pero may biglang umakyat sa stage.
Si Trisha. Paakyat pa lang siya, makikita na ang lungkot sa mga mata niya. Wala mang reaksiyon ang kaniyang mukha pero ang mga mata niya, sobrang daming tinatagong sakit.
Nang makababa siya, dumiretso ito palabas.
Akala ko ako lang ang nakatingin sa kaniya pero mukhang kaming lahat pala. Natigil pa ang pagtawag sa mga pangalan dahil nakasunod din ang kanilang tingin sa palabas na si Patricia.
Lungkot at awa, iyan ang makikita sa mga mata nila habang sinusundan ng tingin ang pinsan ko.
Nang matapos ang ceremonya, kaagad din akong umalis at pumunta sa bahay nila. Ngunit laking gulat ko nang walang sumasagot sa doorbell.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Where is Patricia?
Aalis na sana ako nang may nakita akong sobre na nasa ibaba ng gate nila.
I knew it.
Dahan-dahan ko itong pinulot at binuksan.
Litrato naming dalawa ang unang bumungad sa akin. Kinuha ito noong college pa lang ako. Sobrang saya pa namin dito, sobrang totoo pa ng ngiti niya.
Sunod kong tininganan ang bondpaper. May isinulat siya para sa akin.
Huminga ako ng malalim bago magsimulang basahin.
Erick,
Pasensya ka na sa lahat ng sakit at salamat sa lahat ng tulong at sakripesyo.
Aalis ako pero hindi abig sabihin nun nagpapaalam na ako.
Babalik ako at kapag dadating ang panahon na 'yon,
Ikaw ang unang ngingitian ko. Iyong totoong ngiti na.
:)
Patricia
Sobrang ikli lang ng mensahi pero ramdam na ramdam ko iyong emosyon niya habang sinusulat niya 'to.
Isang luha ang tumulo galing sa aking mata.
Napangiti ako.
Huwag kang mag-alala, Trish, maghihintay ako hanngang sa tuluyan ng maghilom ang puso mo.
—
BINABASA MO ANG
Latecomer
Teen FictionPatricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang halaga. Dahil sa ugali niyang ito, mabibilang lang din sa kamay ang mga taong nanatili sa kaniya. Ngunit lahat ba talaga ng taong nanatili sa...