Chapter 15

694 9 0
                                    

Patricia

Kung ang pagpunta ko roon ang magiging sanhi upang 'di ko na tuluyang makita ang nag-iisang taong importante sa akin, sana 'di nalang ako nagmatigas na umalis ng hospital kanina. Sana 'di nalang ako nagpadala sa emosyon ko eh di sana nabantayan ko siya.

Pagbalik ko rito kanina, nabalitaan ko nalang na inatake na naman ng sakit si Patrick.

Napa-upo ako sa upuan sa labas ng silid ni Patrick. Kanina pa ako palakad-lakad at anumang oras, manginginig na naman ang buo kong katawan kaya naisipan kong pakalmahin ang sarili.

Napailing ako nang may mga negatibong bagay ang pilit pumasok sa aking isip. Walang mangyayaring masama sa kaniya. Hindi puwedeng may mangyaring masama sa kaniya. Hindi ko kakayanin.

Lamaban ka, Patrick. Lumaban ka.

Napatayo ako kaagad nang lumabas si Doctor Glenn.

“Kumusta ang kapatid ko, doc?” kinakabahan kong tanong.

Bahagyan siyang ngumiti bago nagsalita.

“Your brother is already stable now, Ms. Berdenio. But...” napabuntong hininga ito. Tila nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba sa akin.

“But what, doc?”

Karapatan ko ring malaman kung ano na ang kalagayan ng kapatid ko.

“Let's talk this inside my office,” sabi niya at naunang naglakad.

Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko sa sinabi niya. No, hindi puwedeng may mangyaring masama kay Patrick. For Pete's sake, siya nalang ang meron ako. Hindi puwede!

Kaagad ko siyang sinundan. Kailangan kong malaman kung ano na ang lagay ni Patrick.

Kilala namin si doctor Glenn. Noong buhay pa ang mga magulang namin, sa kaniya kami lumalapit kapag may isa sa amin ang magkasakit. Dating schoolmate kasi ito nila mommy kaya matagal na nila itong kilala. Noong isang beses na inatake si Patrick ng kaniyang sakit, dito ko siya dinala at dito ko rin ulit nakita si doctor Glenn.

“Maupo ka, iha.”

“Hindi na doc. Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang kapatid ko. Bakit kailangan pa na dito tayo mag-usap?”

Napabuntong hininga ulit ito.

“Alam mo naman ang sakit ng kapatid mo, di ba?”

Kaagad akong napatango. Bakit ang dami
pang tanong? Ang daming paligoy-ligoy.

Napailing ito.

“Your brother is getting worst” aniya na siyang mas lalong nagpakaba sa akin.

“Anong ibig mong sabihin, doc?”

“Depression is no joke, iha. Walang sinuman ang puwedeng makagamot nito kundi ang sarili nila mismo. I suggest, ilabas mo nalang si Patrick dito sa hospital. Because as I observed, mas lalo siyang nadedepress kapag nadito siya. At... At kanina lang, nagtanga na naman siyang patayin ang sarili niya.” napabuntong hininga ito. “You see, emptiness is slowly eating your brother and I, as a doctor can't give him medicines to kill that emptiness inside him. Mas mabuti sigurong iuwi mo nalang siya at nang makalanghap ng sariwang hangin baka sakaling mawala sa isip niya ang pagpapatiwakal. Or you two can go to vacation. No need to worry about the money, I can provide. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang mo. So treat this as my payback.”

Pagkatapos naming mag-usap ni doctor Glenn, kaagad kung pinuntahan si Patrick sa kaniyang silid.

Unang kong napansin ang benda sa kanang bahagi ng pulsuhan niya at wala akong nagawa upang pigilan ang mga luha ko.

Nang mapansin niya ako, kaagad itong tumagalid, patalikod sa akin.

Walang sakit ang kapatid ko, I mean, yes, may sakit siya pero 'di katulad ng iniisip ninyo noon.

Depresyon.

Ilang buhay na ba ang nasira nang dahil sa depresyon?

Noong nalaman kong nadedepress ang kapatid ko, kaagad ko siyang dinala sa hospital. Hindi para mawala ang depresyon kundi, para magamot ang mga sugat niya, physically.

Ano bang nagawa at ginagawa ng depresyon sa kapatid ko?

Matagal ng sinasaktan at sinusugatan ni Patrick ang sarili niya. Ilang beses na rin niyang sinubukang magpamakatay pero hindi ito nagtagumpay. Sabi ko noon na mas mabuti ng nasa hospital siya para may mga doctor at nurse ang nakatutok sa kaniya. Napapranoid ako. Ayukong pati si Patrick iiwan din ako. Sinasaktan niya ang sirili. Nawawala siya sa kontrol minsan. Hindi pa naghilom ang sugat niya, may panibago na naman siyang sugat na ntaatamo.

Pinunasan ko ang isang butil ng luha na dumadaloy sa aking pisngi.

He was supposed to be a fourth year college student katulad ko pero tumigil siya sa pag-aaral nang mawala ang mga magulang namin. Ako naman, sa kabila ng sakit, nagpatuloy ako at ito na nga. Isang buwan nalang gagraduate na ako. Sino nga bang mag-aakala na ang isang latecomer na katulad ko, malapit ng makagraduate. Kalokohan pero totoo nga. Malapit na talaga akong makagraduate. Kaunti nalang. Kaunting tiis nalang.

We're both eighteen ni Patrick. Turning nineteen next month. Wow.

Fresh pa rin sa utak ko ang nangyari two years ago. Malapit ng mag three years, pero ito pa rin ang buhay namin ni Patrick, mesirable.

“I'm sorry for being a weak brother, Trish,” mahina pero sapat na para marinig ko ang boses niya. Kasunod nito ay ang hikbi niya.

Kaagad akong tumabi sa kaniya at niyakap siya.

“Malakas ka, Patrick. Kaya mo 'yan. Kaunting tiis nalang, makakalabas ka na rito. Promise, kapag nakagraduate na ako, ilalabas na kita rito. Mamamasyal tayo. 'Yong tayong dalawa lang. Masayo 'yon, Patrick. Kaya, ikaw, maging malakas ka pa ha. Labanan mo ang emosyon mo. Habang hindi pa ako naka-graduate, pansamantala, dito ka muna. Si doctor Glenn ang mag-aasikaso sa 'yo, pero syempre, dadalaw naman ako rito lagi pagkatapos ng trabaho ko,” nakangiti kong sabi.

Umupo ito kaya umupo na rin ako. Seryoso itong tumingin sa akin pero may mga luha pa ring tumutulo sa mga mata niya.

“A-ang payat mo na, Trish. Nakikita kong napapagod ka na. Alam kong sobra ka ng naghihirap, p-pero bakit? Bakit hindi mo pa rin ako iniwan? Kasi sa totoo lang, sobrang wasted ko na. Wala ng direksiyon ang buhay ko. Wala ng kuwenta ang buhay ko. Imbis na ako ang magiging malakas sa ating dalawa, ako pa ang sobrang hina. Samantalang ikaw, ang lakas lakas mo. Puwede mo naman akong iwan, pero bakit pinili mo pa ring magdusa kasama ako? Bakit hindi mo nalang ako iniwan?”

Ngumiti ako.

“Kasi ikaw nalang ang meron ako, e.”

Kasabay ng pagbigkas ko sa mga salitang 'yon ay ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko.

“Kahit gaano kahirap, titiisin ko para sa 'yo,  Patrick, para sa ating dalawa. Nadapa man tayo pero babangon ulit tayo. Ipakita natin sa buong mundo kaya natin. Kaya natin 'to,  Patrick. Babangon tayo at sabay nating ngingisihan ang buong mundo.”

Pagkatapos ko 'yong sabihin, niyakap niya ako at tuluyan ng napahagulgol.

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon