Epilogue

934 20 3
                                    

Naniniwala akong, lahat ng nangyayari ay may dahilan. Minsan, hindi ko man naiintindihan ang rason, pero naniniwala pa rin ako.

Importante ang tiwala para maging masaya ang isang tao. Kung wala kang tiwala, hindi ka magiging masaya.

“Salamat. Salamat kasi kahit sa kauting panahon na nakasama ko kayo, ipinaramdam niyo sa akin na minahal ninyo ako.

At salamat din sa sakit. Kung hindi dahil sa sakit, siguro  hindi ko marating ang narating ko ngayon.

Sobrang saya ko dahil kayo ang naging pamilya ko.

Noong nawala kayo, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Pero alam ninyo, natutuhan ko na kahit anong hirap ang pinagdaanan mo, sa kabila ng mga pagsubok, magpakatatag ka lang, patuloy lang maniwala na may gagabay sa iyo, na may tutulong sa iyo, at may magpupunas ng luha mo sa tuwing iiyak ka, at walang ibang gagawa nun kundi ang Panginoon lang. Na kahit iniwan ka na ng lahat, na kung sa tingin mo wala ng nagmamahal sa iyo, nandiyan pala ang Panginoon, handa kang tulungan, basta sasambitin mo lang ang Pangalan niya.

Nakilala ko ang Panginoon noong mga panahon na sobrang ubos ko na at wala na akong ibang matatakbuhan. Noong natagpuan ko siya, iniyak ko sa kaniya ang lahat ng hinananakit ko, ng poot ko, ng lungkot ko, at pagkatapos nun, sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Doon ko naramdaman na sobra niya akong mahal. Pagmamahal na walang kapantay.

Ma, pa, kumusta na kayo? Ako... Sa tulong Niya, nalagpasan ko ang mga pagsubok. At ito na ang anak ninyo ngayon, ganap na CPA na. Salamat sa lahat, ma, pa. Mahal na mahal kayo ng anak ninyo.

Patrick, sayang lang dahil hindi natin sabay na natupad ang mga pangarap natin. Salamat sa lahat, ha. Mahal din kita.

Miss na miss ko na kayong tatlo.

Habang buhay kayong may puwang sa puso ko.

Sige na, aalis na ako, ha. Dadalaw ulit ako sa inyo.”

Pagkatpos kong magpa-alam, sumakay ako sa aking kotse at pinuntahan ang nag-iisang tao na pinangakuhan kong siya ang una kong ngingitian pagkabalik ko rito.

Anim na taon na ang nakaraan. Sobrang daming nangayari na hindi ko inakalang mangyari.

Si Jeyhu ay boyfriend ko na ngayon. Sino nga bang mag-aakala na kaya pala palaging nagpapansin sa akin 'yon dahil crush pala ako.

Pagkatapos kong maka-graduate noon, pumunta ako sa Italy at hindi akalain na susundan niya ako roon at doon ako niligawan. Bad timing nga lang dahil sobra pa akong nasaktan noon. Pero hindi niya ako sinukuan, apat na taon niya akong hinintay, four long years. Akala ko susukuan na ako nun pero nakamali ako.

Ngayon, dalawang taon nang kami at going strong.

Ang daming nagtatanong kung bakit sa kabila ng sakit, nagtagumpay pa rin ako.

Kung tatanungin ako kung anong natutuhan ko sa buhay, iyon ay ang matutong magpatawad, makalimot, at matutong tumanggap.

Noong nanghingi ng tawad sina tita at tito, hindi man madali, pero napatawad ko sila. At kinalimutan ko na rin ang mga masamang bagay na ginawa nila sa akin. Pati na rin sina Zenela at Hex.

At unti-unti kong tinanggap ang mga nangyayari sa paligid ko. Tinanggap ko sa sarili ko na wala na sila mama, papa, at Patrick. Kasi iyon naman talaga ang dapat.

We need to accept that the only permanent thing in this world is change, so, in every changes, embrace it.

In order for us to become successful, we need to move on, we need to move forward. Hindi puwedeng makulong sa nakaraan.

Letting go is hard, but in order for us to become happy,

we need to let go.

—END—

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon