Chapter 17

681 8 0
                                    

Patricia

As usual, late na naman akong nakapasok sa paaralan. Major subject ang una kong subject ngayon at nang makarating ako sa room namin, kakaiba na namang tingin ang ibinato ng mga kaklase ko. Ano pa nga bang bago? Pero mukhang kakaiba na naman ito ngayon. May bago 'atang chismis.

“Miss Berdenio, you are a graduating student. And do think sa palagi mong pagpasok na late sa paaralan ay hindi maka-apekto sa 'yo? For Pete's sake, ayosin mo ang buhay mo. Kung trip trip lang din naman pala ang pagpasok mo rito, mas maganda rin siguro kung gawan nalang kitang trip trip na grado. Kung gusto mong maka-graduate, umayos ka,” sermon ng guro namin.

Sa lahat ng naging guro ko rito, si Erick at siya lang 'ata ang hindi ako pinapahiya ng todo todo.

Aware naman ako na kasalanan ko. Hindi ko lang talaga maiwasang ma-late. Old habits don't die, ika nga. Pero maliban doon, matagal talaga akong magising dahil sa sobrang pagod at ayaw ko namang puwersahin ang katawan ko. Hindi ako puwedeng magkasakit kasi sino nalang ang mag-aalaga sa kapatid ko.

“Take your seat,” seryoso nitong utos.

Habang naglalakad, nararamdaman ko pa rin ang mga titig ng mga kaklase ko na nakasunod sa akin at mayamaya magbubulungan.

May issue na naman 'ata tungkol sa akin. Ano kaya 'yon? Nakakatawang isipin na parang may nalalaman sila tungkol sa akin na hindi ko nalalaman. Ganito na talaga siguro ako ka walang paki sa sarili.

Dalawang oras lang akong naka-upo doon habang nakikinig sa sinasabi ng guro. Hindi sa pagmamayabang pero alam ko na ang itinituro niya. Nagbigay din siya ng test, hindi rin sa pagmamayabang, ako lang ang naka-perfect. Ewan ko kung bakit reklamo ng reklamo ang mga kaklase ko na kesyo mahirap daw. Ang sabihin nila, chismis lang ang inaatupag nila. Psh.

Nang matapos ang klase, sinabi ni sir na maiwan daw muna ako. At nang makalabas na ang lahat, saka niya ako kina-usap.

“Sobrang sayang mo, iha,” pailing-iling nitong sabi.

Kumunot na naman ang noo ko.

“I mean, base sa nakikita ko, parang napakadali lang sa 'yo na ipasa lahat ng subjects mo. Walang ka effort effort. Kung hindi ka lang sana palaging late, I'm 100% sure, ikaw ang cum laude.”

Bumuntong hininga ito bago nagsalita ulit.

“Aware ako sa pinaggagawa ng kapwa ko guro sa iyo. Alam kung may maraming guro ang naiinis sa iyo. Alam mo ba kung bakit sila naiinis? Dahil kasi sa pagiging late mo at sa ugali mo. Maraming guro ang gusto kang ibaksak pero wala silang magagawa sa grades mo dahil kapag may exams, tests, activities, presentations, at kung anu-ano pa, nagagawa mo ito ng walang ka hirap-hirap.

Hindi kasi nila matanggap na ginaganun-ganun mo lang sila. I mean, aware ka naman siguro sa ipinapakita mong ugali sa amin. Kaya pilit ka nilang hinahanapan ng mali. Hindi pa naman huli ang lahat, iha. Puwede ka pang manghingi ng tawad at baka sakaling, magbago pa ang grades na ibinigay nila sa 'yo. Kasi ako ang nasasayangan sa iyo, e.”

Huminga ako ng malalim.

“Prof., kahit kailan, hindi ko hiniling o umasa na magiging cum laude ako. Kung ano ang maabot ko, sapat na sa akin iyon. Sapat na sa akin na maka-graduate ako. Siguro may rason rin kung bakit nagiging ganito ako. Baka may mas deserving pa talaga na magiging cum laude kaysa sa akin. Let's just accept it. Nangyari na ang nangyari.”

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon