Chapter 16

679 8 0
                                    

Patricia

Time flew by so fast. Monday na naman. Panibagong araw na namang titiisin.

Sigh.

Nasa bahay na ako ngayon para magpalit ng damit at para kunin ang mga gamit ko. Sa hospital ako natulog kagabi. Well, gabi-gabi naman talaga akong natutulog doon. Uuwi lang dito para maligo, magbihis, at kumuha ng mga gamit.

Pagkatapos kong magbihis, kaagad akong lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga ulit ako. Late na naman ako.

“Good morning, Miss Berdenio,” bati ni Erick pagkabukas ko ng pinto.

Katulad ng inaasahan, nagsimula na silang magklase.

“Morning, sir,” walang reaksiyon kong bati at naglakad papunta sa upuan ko.

Nang maka-upo ako, bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa reaksiyon ni Erick. Tulala ito at bahagyang nakabukas ang bibig. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil ganun din ang reaksiyon ng iba kong kaklase.

What's wrong with greeting back?

“Ahm...” pagsasalita ni Erick nang matauhan siya.

“Okay, let's go back to what we have discussed class,” nakangiti nitong sabi. Palagi itong nakangiti pero iba ang ngiti niya ngayon, abot hanggang tainga.

“So, as what I've said blah blah blah.”

Hindi naman siya masyadong masaya. Nakangiti lang naman siya hanggang matapos ang klase niya.

Nang matapos siyang mag-discuss, nagsi-alisan na ang mga kaklase ko sa English para pumunta sa susunod nilang subject. Ako nalang ang naiwan at tamad na tamad na iniligpit ang mga gamit.

Nang palabas na ako, tinawag ako ni Erick kaya humarap ako.

“S-salamat, Trish,” nakangiti nitong sabi.

Kahit hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat, tinanguan ko nalang siya. Mas lalo naman itong napangiti.

Tuluyan na nga atang nasira ang ulo nun.

Sigh.

Nang matapos ang major subject ko, may labing limang minuto ako para magpahinga.

Kaagad akong umakyat ng rooftop para doon matulog. Hindi naman ako nagugutom saka, wala rin namang akong pera.

Nang makarating ako, kaagad akong nahiga sa usual kong higaan, kung saan, isang galaw ko lang, tigok ako.

Kailangan kong magtigom ng maraming enerheya ngayon. Mamayang alas sais, trabaho naman.

Mayamaya lang, nagising din ako. Limang minuto lang 'ata ako nakatulog. Masyadong mabilis. Pipikit na ulit sana ako para matulog nang maramdaman kong may mga matang nakatitig sa akin.

Bumangon ako at tiningnan kung sino ang nakatingin sa akin.

“Hey, witch.”

Tinitigan ko lang siya. Parang pamilyar ang mukha niya. Kahit anong alala ko, hindi ko talaga matandaan kung saan ko siya nakita.

“Where do you think you're doing?” tanong niya nang mapansing nagsimula na akong maglakad.

“Aalis?”

“At bakit? Iniiwasan mo ba ako?”

Kumunot ang noo ko. “Why would I?”

“Okay, fine. Hindi mo ako iniiwasan. J-just don't go.”

Walang gana ko siyang tiningnan.

“Bakit ba wala kang reaksyon?” tila inis na inis nitong tanong.

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon