Chapter 12

737 8 0
                                    

Patricia


“How's your feeling?”

“Never been better.”

Mahina akong napatango sa sagot ng aking kapatid.

“Ikaw, kumusta?”

“Ganoon pa rin,”

Napabuntong hininga siya at tumabi sa akin sa kama.

“Hanggang kailan?” bigla niyang tanong na siyang kinakunot ng aking noo.

“Sinasabi mo?”

“Hanggang kailan ka magiging ganiyan?”

Saglit akong natahimik at humiga sa kama without answering his question.

“Puwede ka namang samaya e, ba't kailangan mo pang magdusa?”

Madali kong pinunasan ang luha na dumaloy galing sa aking mata.

“Alam kong nahihirapan ka na ngayon, pero hindi naman kita pinipressure e. Sana naman bigyan mo rin ang sarili mo ng panahon na maging masaya. Look at yourself, you look so wasted,” he announced.

“I know,” mahina kong sagot at bumangon ulit.

“Alam mo naman pala e, then go! Make yourself happy!”

Ewan ko ba, pero kumawala ang mahinang tawa sa bibig ko kasabay ng pagdaloy ng mga luha galing sa aking mga mata.

“Sana nga gano'n lang kadali 'yon.”

“What do you mean? Alam mo, Trish, being happy is a choice.”

“Tama...”

“Iyon nama–”

“Pero paano mo pipiliing maging masaya kung may mga bagay na humihila sa'yo upang maging malungkot? Tama ka noong sinabi mong, being happy is a choice, pero kasi ang hirap piliing maging masaya. Believe me, I tried being happy. But it ended up another teardrops again. Ang hirap kasing pilitin ang sarili mo na maging masaya lalo't alam mong wala ka ng rason para maging masaya.”

I saw tears running down on his cheeks.

“Wala ka ng rason? How about me? Hindi mo ba ako puwedeng maging rason para sumaya? You still have me, Trish!”

“Paano ako magkakaroon ng isang tulad mo kung mismong sarili mo, nawala na?”

Natahimik siya noong sinabi ko 'yon.

“Alam ko, Patrick na gusto mo ring maging masaya katulad ko pero katulad ko rin, hindi mo alam kung paano!” ani ko sabay punas ng mga luha. “Kaya huwag mo akong masabihan na mayroon pa akong isang katulad mo, dahil katulad ko, matagal mo na ring nawala ang sarili mo!”

Noong hindi siya umimik, nagpatuloy ako.

“Noong nawala sa atin sina mama, papa, at Erick, kasabay nun ay ang pagkaligaw nating dalawa. At noong nawala sina Hex at Zenela, tuluyan na tayong namatay. Noong nawala silang lahat, wala na akong maramdaman kahit ano. Emptiness is eating me! Ngayon, sabihin mo nga sa akin, paano nga ba maging masaya?”

“I– I'm so sorry, Trish,” aniya at pinunasan ang mga luha na patuloy pa ring dumadaloy. “I'm such a useless brother to you.”

Napailing ako at niyakap siya. Mas lalo pa itong napahagulgol.

“Sorry, sorry, sorry,” paulit-ulit niyang hingi ng tawad.

“Hindi mo kasalanan. Ang isipin mo ngayon ay ang magpagaling sa sakit mo dahil...” bago ko pa natapos sabihin ang karugtong, napahagulgol na rin ako. “Dahil hindi ko kakayanin kung pati ikaw... Kung pati ikaw mawawala sa akin. Hindi ko kakayanin. Mababaliw ako, Patrick. Kaya magpagaling ka.”

Bumitaw siya at hinalikan ako sa noo.

“I will...”

Napatango ako sa sagot niya at pinunasan ang aking mga luha.

“I will try.”

Parang may sinabi siya pero hindi ko masyadong narinig. Wala na akong paki-alam doon. Ang mahalaga ay magpagaling siya.

Matapos naming mag-usap, nagpahinga siya at lumabas naman ako ng hospital.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Mamayang alas sais, may trabaho naman ako.

Nakakapagod pero kailangan kumayod para sa pag-aaral at sa pagpapagamot ng kapatid ko. Aware ako na hindi sapat ang kinikita ko para pantustos sa lahat ng pangangailangan naming dalawa, at aware rin ako na palihim na nagpapadala ng pera si Erick.

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit na fu-frustrate ako e. Galit ako sa kaniya pero hindi ko matanggihan ang perang pinapadala niya. Kung hindi siya nagpapadala, saan na kaya kami pupulutin ni Patrick.

Napaatras ako nang may nabangga akong tao. Nang mag-angat ako ng tingin, isang mukha ng lalaki ang aking nasilayan.

“Stupid,” galit niyang sabi.

Tinitigan ko lang siya at iniisip kung saan ko ba siya nakita noon. Nang hindi ko maalala, nilagpasan ko nalang siya.

“Hey, witch! Where do you think you're going?” dinig kong sigaw nito. “You have to pay for stepping my shoe!”

Nilingon ko siya, “How much?”

“Ten thousand!”

“Okay,” sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

May narinig akong parang boses na nagagalit, kalaunay nasa harapan ko na siya.

“Sigurado kang may pambayad ka nito?”

Tinitigan ko lang siya hanngang sa magsalita siya ulit.

“Can't say anything? Because it's true, wala kang pera. You're just a plain boring girl, gold digger, drug seller, club dancer, in short, you're a witch!”

Was he trying to hurt my feelings?

Well, nice try.

Sinubukan ko ulit siyang lagpasan ngunit mabilis niyang hinawakan ang balikat ko.

Kung hindi lang ako pagod ngayon, binigwasan ko na 'to.

“Bakit ba wala kang reaksyon?” mahina pero buo ang kaniyang boses.

“Who are you?”

Ang kulit. Mas makulit pa ni Erick. Mabuti si Erick kilala ko sa pangalan pero ito?

Kumunot ang noo nito na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko.

“Seriously, witch?”

Sa totoo lang gutom ako, at nanununtok ako kapag gutom.

Naglakad ako palayo sa kaniya. Mas binilisan ko pa. Kapag ako pinigilan niya pa, makikita niya tala—

“What the heck?” sigaw niya habang sapu-sapo ang mukha.

Ilang segundo ko siyang tinitigan bago umalis ng tuluyan.

“You witch!” galit nitong sigaw.

Makulit e, sinabi ko ng gutom ako. Iyan ang makukuha niya.

Latecomer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon