Patricia
–
It's been two weeks. But it seems like lifetime. Bawat araw, hiniling ko na sana matapos na ito kaagad. Hindi na ako makapag hintay na mag-graduation.
Kakagaling ko lang galing trabaho, dumiretso kaagad ako sa hospital. Malapit ng mag-alas 11 nang makarating ako. Patay ang ilaw at bukas ang bintana, iyan ang nadatnan ko pagkabukas ko ng silid. Nakahiga na si Patrick sa kaniyang kama pero halatang hindi pa natutulog. Nakatulala lang ito. Walang reaksiyon itong tumingin sa akin.
“How's your feeling?”
“Never been better.”
Katulad ng palagi niyang sagot sa paulit-ulit kong tanong sa kaniya.
Umupo ako sa gilid niya.
“Kaunting tiis nalang. Malapit na kitang mailabas dito,” nakangiti kong sabi.
Umupo siya at resyosong nakatingin sa akin.
“Hindi mo naman 'to kailangang gawin sa akin.”
Napailing ko. “I have to. You're the only only person that matters.”
“Hindi ka ba napagod sa akin?”
Bigla akong natigilan at malalim na bumuntong hininga.
“Wanna know the truth?”
“So, napapagod ka na pala? Kung gano'n, iwan mo nalang ako. Pasensya ka na kung sobrang pabigat ko na sa 'yo, ha. Napakawala kong kwenta talaga kahit kailan.”
Umiwas ako ng tingin dahil muntik na namang tumulo ang aking luha.
“Oo, pagod na pagod na ako. Sobra. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito makakayanan. Minsan, pinapakiramdaman ko ang sarili, ngunit nabigo ako, hindi ko nagawang pakiramdaman ang sarili. Wala na akong naramdaman. Para na talaga akong patay. Palagi kong tinatanong, bakit sa atin pa ito nangyayari? Pero naisip ko, baka ibinigay 'to ng Panginoon sa atin dahil alam niyang kakayanin natin 'to.”
Tumingin ako sa mga mata niya. Lungkot ang nakikita ko roon.
“Oo, Patrick. Pagod na pagod na pagod na ako. To the point na gusto ko ng mamatay. Pero ang daya ko naman kung ganoon. Naisip ko na mali ang mag-isip ng ganoon. May mga taong gustong mabuhay ngunit hindi nagtagal, binawian din mg buhay, tapos ako, sasayangin ko lang? Sobrang mali. Hangga't hindi pa kunin ng Panginoon ang buhay ko, mabubuhay ako. Mabubuhay ako kasama ka.”
“Kung pagod ka na, bakit hindi mo ako iniwan?”
Bago pa ako makapagsalita, may mga luha ng tumulo.
“Kahit gaano ako kapagod, kapag nakikita kong humihinga ka pa, automatic, gumagaan ang pakiramdam ko. Bakit hindi kita sinukuan? Kasi ikaw ang nagsisilbing lakas ko. Kaya kung iiwan kita, paano na ako? Paano na ako mamuhay kung wala na akong lakas?”
“I... I don't know, but do I really deserve you?”
Imbis na sagutin siya, nginitian ko nalang siya.
“I'm lucky because you're my brother. Now, rest. Matulog ka na at tama na ang drama.”
—
Lumipas ang maraming araw at naging linggo ulit. Nagulat ako noong nagyaya si Patrick na lalabas daw kami.
Parang bigla siyang nagbago nitong mga nakaraang araw. Madalas na ang pagngiti niya at tumatawa na rin ito.
“Bilisan mo riyan, Trish. Tagal mo talaga kahit kailan.”
BINABASA MO ANG
Latecomer
Teen FictionPatricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang halaga. Dahil sa ugali niyang ito, mabibilang lang din sa kamay ang mga taong nanatili sa kaniya. Ngunit lahat ba talaga ng taong nanatili sa...