Dinampot ko ang huling libro mula sa box at inilagay ito sa book shelf. Finally, after 1 hour, natapos ko ding ayusin ang mga gamit ko. All is set. Pwede na akong magpahinga. Pinagpag ko ang mga kamay ko at namewang. Good thing that I don't have too much things. Kaya mabilis lang akong natapos.
Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa kama.
"Ah! This is freedom!" I shouted. I shouted at the top of my lungs because this time, wala ng magagalit. Wala ng sasaway sakin kung sumigaw man ako.
I've always wanted this, to live alone. Yung walang sasaway sayo. Yung tipo na pwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin. No boundaries and just absolute freedom.
Ine-enjoy ko pa ang kama ko ng biglang may nag doorbell.
"Ate may ta-" napahinto ako ng marealize kong wala na nga pala akong kasama sa bahay. Wala na akong ibang maasahan kundi ang sarili ko. So this is one of the disadvantages of living all by yourself. You got to work your ass out.
That's probably the food that I ordered. I know that I will be exhausted after fixing up my things and can't go outside to eat that's why I ordered. Ramdam ko ang pagod pagbangon ko.
Pero gutom rin ako. Dinampot ko ang wallet ko sa night stand at tsaka lumabas ng kwarto. Fuck. Nasa taas nga pala ako so I need to go downstairs to open the door. Tamad akong bumaba ng hagdan. Kung hindi lang ako masasaktan nagpagulong gulong nalang sana ako pababa.
"Andyan na!" Sigaw ko ng muling tumunog ang doorbell. Binuksan ko ang pinto and to my surprise, isang batang babae ang bumungad sa akin.
She's holding something.
"Hello po! Pinapabigay po to ng mama ko kasi bagong lipat daw po kayo." Then she extended her arm to give me the food container.
"Hi! Pakisabi sa mama mo thank you." Sagot ko sabay kuha nung inaabot niya. She just smiled at me. Tatalikod na sana siya para umalis but I stopped her.
"Wait lang. Dito ka lang ha. May kukunin lang ako sa loob." She gave me something and it will be very impolite kung wala akong ibibigay in return bilang pasasalamat.
I went inside to get something. Tsaka ko lang na realize na wla nga pala akong pagkain dahil kakalipat ko lang. I opened the fridge at nagbaka sakaling may makita. Lucky enough, meron nga. I saw chocolates. Oo nga pala bumili ako ng mga chocolates kahapon. Kinuha ko ito at dali daling lumabas. Nakatalikod siya sakin at para bang may kinakausap siya. May sinesenyas siya.
"Hi!" Nagulat siya sa biglang pag bati ko. I took a glimpse at the direction she was looking at to check kung sino ang kausap niya. Pero wala naman akong nakita.
"Take this." Sabay abot ko sakanya nung chocolate.
"Thank you po. Good night!" Before I could even bid a good night to her, nakatakbo na siya.
"Cute." The only thing I was able to get out of my mouth.
Isasara ko na sana yung pinto ng sakto nakita ko yung motor ng fastfood chain na inorderan ko ng pagkain na huminto sa harap ng bahay ko. I waited the delivery guy, and can't help but to feel my empty stomach. Nag wawala na ang mga bulate ko sa tyan.
"Good evening! I've got lasagna supreme with chicken and a regular Hawaiian pizza for Mr. Columbus Perez."
"That's me." I took the paper bag and the pizza then paid the bill. I thanked him and went inside with a big smile on my face. Food is life!
YOU ARE READING
Make Me Fall (ON HOLD)
Teen FictionHe's snob. He's quiet. He doesn't like a company. He prefer to be alone. For her, he's mysterious. You've got only one thing to make him feel your presence and that is...by making him fall for you.