COLUMBUS
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. It's already five in the morning. The usual time I get off of my bed. Hindi ko alam kung bakit pero nakaugalian ko ng gumising ng maaga. Most of the time, five gising na ako kagaya ngayon.
Linggo ngayon, and I don't have any plans. Muli akong humiga ng marealize ko yun.
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako nakatulog. Tuluyan ng nawala ang antok sa sistema ko. Bumaba ako para magtimpla ng kape tapos umakyat ulit ako.
Sinalubong agad ako ng lamig pagbukas na oagbukas ko ng sliding door papunta sa veranda ng karto ko. I always love the silence. Yung tipong kuliglig lang ang maririnig mo. Napaka peaceful unlike pag may araw na. Napaka ingay na ng mundo.
Di ba nga ito ang yong gusto?
O ito'y lilisan na ako.
Mga alala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon.
Hindi ko alam kung bakit pero naisipan ko nalang biglang kumanta kasabay ng paggigitara. Hindi ko rin alam kung bakit ayan ang kinanta ko. Wala akong ideya.
But Ben & Ben's Kathang Isip is such a great song. Tagos sa buto yung lyrics lalo na't maganda din yung tono nung kanta. Lakas maka senti. I wonder what's the reason behind this song. How did they come up with such heartfelt song that seemed to be fit for everyone.
Pero kahit san man lumingon,
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta.
I stopped. This won't help. Isinandal ko ang gitara at humigop ng kape. Bakit ang bilis lumamig nito? Akala ko siya lang yung biglang lumamig. Yung kape din pala. Pero pinilit kong lunukin kahit hindi na masarap.
Parang nung pinilit kong tanggapin na ayaw na niya kahit hindi ko alam kung bakit.
Tangina.
Tumingala ako para tignan ang buwan at mga bituin. They seemed to be perfect. They looked amazing. But they are suffering. The stars burn every second and the moon shines only at the absence of sun.
Sa muling pagihip ng hangin, napag desisyunan ko ng pumasok ulit sa kwarto. Pero bago ako tuluyang makapasok, nahagip ng mga mata ko ang isang kwarto na may naka bukas na ilaw. May nakatayo doon pero biglang nawala nung tumingin ilulit ako.
I shrugged off my shoulders. Baka namalik-mata lang ako.
Wala pa akong gamit para bukas, kaya naman naisipan kong pumunta sa mall para bumili. Tomorrow, I will be facing new faces. I transferred. Good thing is that, halos lahat ng subject ko eh na credit kaya hindi ako magiging irregular student.
I booked a ride in grab papunta sa mall. Luckily, may isang malapit kaya naka sakay agad ako. Natawa ako ng mapansin ko agad ang isang pamilyar na libro na naka display sa isang stand sa loob ng book store.
"Nako bes, bilhin mo yan. Sobrang worth it. Ang ganda nung kwento. Magaling yung author."
"Di ako mahilig sa ganyan. Sayang lang pera ko pag binili ko yan. Ipangkakain ko nalang to no!"
I am not eavesdropping on their conversation. Sadyang malakas lang ang boses nilang dalawa. At naririnig din sila nung ibang tao sa book store.
Dumiretso na ako sa school supplies para bumili ng mga kailangan ko. From binder to folders, then sticky note. Huli kong kinuha ang Point 2 na G-tech pen. And I'm all set.
Uuwi na sana ako pagkatapos kong mamili ng school supplies ng maisipan ko na ring dumaan sa hypermarket. Wala akong pagkain sa bahay so might as well buy some stocks since nandito na rin naman ako.
"Libre mo ako nito bes." Naagaw nun ang atensyon ko. May isang babae na hawak hawak ang isang chichirya.
"Wala akong pera."
"Akala ko ba ipangbibili mo nalang ng pagkain yung pera mo imbes na yung libro kanina. Tapos ngayon wala kang pera!'
"Pagkain ko. Hindi pagkain mo." Sagot nung babae na hindi bumili ng libro tapos nag cross arm siya.
Why do they have to talk so loud? Hindi lang sila ang tao dito. At hindi sila ang may-ari nitong hypermarket. Sana aware man lang sila na pwedeng nakaka istorbo na sila sa ibang mamimili. I went to the cashier a little bit pissed because of those two loud-voiced women.
"Excuse me, pwedeng mag papicture?" napatigil ako sa paglalakad ng sabihin iyon ng babae sa gilid ko matapos akong kalabitin. I looked at her blankly.
"No." tipid kong sagot at iniwan siyang nanalalaki ang mga mata. Pero napatigil din ako sa pag lalakad ng may narinig akong kumento. Sobrang lakas pa ng pagkakasabi niya kaya naman rinig na rinig ko iyon.
"Akala mo gwapo. Ang ganda na nung babae siya pa yung tumanggi! Tsk!"
I turned around to look for the person who said that. I found her standing not far from the girl I just turned down. She's crossing her arms. Siya yung babaeng may kasama kanina na sobrang lakas ng boses kung magkwentuhan sila nung kaibigan niya dun sa book store pati na rin sa hyper market. No wonder kung bakit rinig na rinig ko yung kumento niya kahit medyo malayo na ako sakanila.
Nanlaki yung mata nung kasama niya ng lingunin ko sila.
"Gaga bes, gwapo naman talaga!" hindi ko alam kung bulong ba yon kasi sa tenga niya iyon sinabi nung kasama niya. Kung bulong man yon, well sana hindi nalang siya bumulong. There's no difference between her normal voice and her voice when she's whispering.
"You just heard it from your friend. Gwapo daw ako. Hindi ka naman siguro makikipagkaibigan sa sinungaling di ba? Unless kung sinungaling ka din. " I smirked and turned my back against them.
She got her jaw dropped.
YOU ARE READING
Make Me Fall (ON HOLD)
Teen FictionHe's snob. He's quiet. He doesn't like a company. He prefer to be alone. For her, he's mysterious. You've got only one thing to make him feel your presence and that is...by making him fall for you.