Seventeen: The Late Ellie

88 8 2
                                    


Hi! Sorry for the long wait.
Enjoy reading!

COLUMBUS

"Will you please wear something more appropriate?!" Napapikit ako sa matinis na boses ni ate pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng bahay ko.

Seriously? Okay naman 'tong suot ko ah. I don't find anything wrong with a hoodie and jeans. Besides, hindi naman formal event ang pupuntahan namin.

"Okay na 'to. Saglit lang naman tayo dun eh. Tsaka bakit ba ikaw ang nandito?" Maktol ko. Ang alam ko talaga eh si kuya Cloud ang susundo sa akin.

She crossed her arms and shook her head.

"Ako na ang pipili ng susuotin mo. Sumunod ka. Bilis!" Agad niyang tinahak ang hagdan paakyat sa second floor ng bahay.

Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga at tamad na sumunod sakanya paakyat. There's no use of arguing with her. Alam ko naman na hindi rin ako mananalo.

When I entered my room, she was standing in front of my cabinet and scanning my clothes.

Isa-isa niyang nilapag ang mga damit ko sa ibabaw ng kama. Tapos binalingan niya na ako ng tingin. "Choose from these clothes. I'll wait you downstairs." Utos niya sabay kindat sa akin.

Napailing nalang ako.

Wala naman akong problema sa mga napili ni ate Sky na damit. Pero hindi ko lang talaga trip pumorma ngayon. I feel like wearing hoodie instead of these polos laid down in my bed.

But knowing ate, she won't take no for an answer.

"Much better! Tara na at naghihintay ang kuya Cloud mo sa venue." Agad siyang tumayo habang pababa ako ng hagdan.

Nauna siyang lumabas. Pero bago ako tuluyang makalabas ay nahagip ng paningin ko ang kulay itim kong baseball cap. I took it with me.

"Ate, daan tayo SB. Gusto ko ng kape." Wala pa kasi akong almusal. Medyo late na kasi akong nagising dahil late na rin akong nakatulog kagabi.

It's killing me that I can't get her off of my head. Napupuyat ako dahil sakanya. The fact the I kept thinking of Elle, I know that I am under her spell.

After thirty minutes ay dumating na kami sa venue. Hindi pa man ako lumalabas ay parang ayaw ko na talagang lumabas ng sasakyan. Sobrang daming tao sa labas! Some of them were queuing up already and some were crowding up.

Tangina.

Ito ang kalaban ko eh. Yung sobrang dami na tao! I should have not agreed with kuya Cloud's idea. Or sana pala hindi nalang namin sinabay sa event na 'to.

"Tara na." Yaya na ate. Natauhan ako dahil doon. Nakalabas na siya at inaantay nalang ako na lumabas.

Huminga ako nang malalim at ibinuga ang hangin. Sinuot ko ang dala akong sumbrero bago ako lumabas ng kotse. Pero biglang nagtinginan yung mga tao sa amin.

"Wait, 'di ba si Sky 'yan? Yung model!"

Oh shit!

Paanong hindi kami pagtitinginan eh model nga pala itong kasama ko. Not just an ordinary model, but a well-known one!

"You should have worn something to cover your face! Alam mong madaming tao sa pupuntahan mo eh." I hissed.

"Sorry naman! Nawala sa isip ko eh. Ang sungit mo talaga!" She started walking toward the main entrance of the building. Umiiling akong na sinundan siya. Pero mas binaba ko pa ang sumbrero ko.

Make Me Fall (ON HOLD)Where stories live. Discover now