COLUMBUS
I went straight to my bed buried my face to the soft pillows. My mind is clouded with so many questions as I tried to stop the memories from rushing through.
Why now? Now that I am planning start a new life. Why now? Now that I am trying to fix myself up. Bakit kailangan niya pang bumalik in the first place?
Hindi pa ba sapat yung ginawa niya dati? Bumalik ba siya para sa second round? Bakit? Putangina!
Tumihaya ako tinitigan ang kisame habang pinipilit isipin kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit siya nagpakita muli. Hindi pwedeng coincidence lang ang mga ito. Malabong mangyari yun. Na ano? Na nagkataon lang na iisa kami ng school na pinasukan? Na ano? Na siya yung nakakita sa akin sa loobg ng music room? Tangina! Imposible yun!
Sa pag dami ng iniisip ko ay siya ring pagsakit ng ulo ko. Kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko. Trying to calm each and every nerve of my body. Trying to cool down my blood that boiled a while ago. Pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa biglang pagvibrate ng phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa only to see at Sky's message. She's asking me to come over tonight for dinner. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang oras. Five thirty na!
Napabalikwas ako at dali-dali na dinampot ang gitara sa gilid. I forgot about the 4 pm practice with that woman. I'm one and a half hour late already. Fuck it! Kasalanan to nung babae kanina!
Patakbo kong tinungo ang park ng subdivision. Hoping that she's still there waiting for me. Agad ko siyang nakita na nakatayo habang may idinuduyan na bata sa swing. I sighed as a sign of relief.
"Hey. Sorry I'm late." I said in between pants. Ang layo ng tinakbo ko. Hinatak ko ang dulo ng damit ko at pinagpag ito para mahanginan ang katawan ko na basa ng pawis.
"We're even now." Matamlay niyang sagot At saka binitawan ang bakal pinakatali ng upuan.
"Ara, makipag laro ka muna sakanila. May gagawin lang kami." Utos niya sa bata na dinuduyan niya at agad ito umalist at tumakbo sa papunta sa ibang mga bata.
"I'm really sorry. I didn't mean to be late." Paumanhin ko ulit habang hinuhubaran ko ng case yung gitara ko. Hindi ko naman talaga sinasadya.
But when she said that we're even now, naguilty ako. Baka kasi iniisip niya sinadya ko iyon para makaganti ako sakanya dahil late din siya nung nakaraan. Pero hindi ganun. Wala akong plano na gumanti. Kasalanan kasi to nung babae eh!
"So again, sorry for being late. Hmmm what song are you gonna sing? Do you have one in your mind?" I asked as I strummed the string one by one trying to check whether they were in tune.
"Parang trip ko kantahin yung Tagpuan ni Moira. Alam mo ba yun?" I raised my eyebrows twice to answer her question. Tagpuan was a great song.
Good thing is that, I sang it once so I know the chords. Madali nalang to dahil alam ko naman na ang chords. Ang kailangan ko nalang gawin ay sabayan siya.
I was about to nod to cue her pero hindi na pala kailangan dahil nakapasok siya ng swabe.
Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakitTumayo ang mga balahibo ko sa leeg right after she hit the first word. Alam ko na agad na magaling siyang kumanta. Suddenly nakaramdam ako ng gana. I like playing guitar with someone who can sing pretty well. And no doubt, she's one of those people.
Bakit umalis ng walang sabi
Bakit di siya lumaban kahit konti
Bakit di maitama ang tadhanaAs she continued singing, I can't help but to admire her voice. So much feelings. Hindi ko ineexpect na ganito kaganda ang boses niya. Sabi niya marunong lang siyang kumanta. Di niya sinabi na that was an understatement.
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo, nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko."Nice voice." I commented when she finished the song. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
I fished my phone when I felt it vibrating inside my pocket. Naka flash ang pangalan ni kuya Cloud sa screen dahil tumatawag siya. Agad ko itong sinagot.
"Kuya." Bungad ko agad.
"Nasan ka? Papunta ako dyan sa bahay mo. Sky asked me to pick you up. Sa bahay ka daw mag dinner eh." Si ate talaga! Ano bang akala niya sa asawa niya? Driver?
"Nasa park ako kuya ng subdivision. Diretso ka nalang dito." Sagot ko sakanya.
Ako ang naawa para kay kuya Cloud. Kung utusan siya ni ate parang hindi niya to asawa. Tignan mo. Talagang pinasundo pa ako. I can go there by myself. She don't need to ask kuya to fetch me.
"Kuya Cloud mo?" Napatingin ako sakanya dahil sa bigla niyang tanong. Paano niya nalaman na si kuya Cloud yung kausap ko?
Pero mukhang maging siya ay nagulat din sa nasabi niya. Nanlaki ang mga mata niya at biglang napatakip ng bibig. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pano niya nalaman?
"How did you know?" I asked as I narrowed my eyes.
"Ara! Tara na!" Biglang sigaw niya. No. No one's going anywhere. Not until sabihin niya sakin kung paano niya nalaman ang tungkol kay kuya. At kung ano pa ang nalalaman niya.
Tatayo sana siya pero hinawakan ko ang pulsuhan niya at hinila muli paupo sa bench. I won't let her escape that easily. Too late to deny it now. Halata din naman sa naging reaction niya eh. Nadulas lang siya.
"Speak." Utos ko sakanya. Pero mabilis siyang umiling bilang sagot. Aba at talagang ayaw magsalita ng isang to ah!
"Come on. Pano mo nalaman? Are you stalking me?" I raised an eyebrow. There could be a possibility na ini-stalk ako ng babaeng to. Kasi wala naman akong pinagsabihan ng tungkol sa pamilya ko ah.
"Of course not!" Pagtanggi niya. Hinila niya ang kamay niya pero hinatak ko din iyon pabalik sa akin pero mukhang napalakas dahil pati siya ay natangay.
Napasandal ako sa patungan ng kamay ng bench sabang siya naman ay nakadikit na sa akin dahil napasubsob siya. Parehas nanlaki ang mga mata namin dahil sa posisyon namin ngayon.
Both or her hands were on my chest. Our faces were just inches away from each other. The pastel color of the cloud and the light from the sun which is about to set lit up her perfect small face. It was enough to make me see her hazel eyes, proud nose and small lips. Combine them all together and it will only give you one word.
Perfect.
****
Don't forget to vote and spread this story! Thank you!
YOU ARE READING
Make Me Fall (ON HOLD)
Teen FictionHe's snob. He's quiet. He doesn't like a company. He prefer to be alone. For her, he's mysterious. You've got only one thing to make him feel your presence and that is...by making him fall for you.