Myrrh's POV
(3 Days before the drunk night incident)
Excited akong bumaba ng kotse para pumunta sa condo unit ni Renzo, my first ever boyfriend, at masaya ako dahil 2 years na kami today.
Bitbit ko ang regalo ko sa kanya.
Inabala ko pa kahapon ang mga loka-loka kong kaibagan para tulungan akong humanap ng regalo.But to my dismay, sarado at walang tao sa unit nito.
Ang eng-eng ko lang. Di ko man lang naisip na tawagan at tanungin kong nasaan ito at siguraduhing nasa condo.
Nadala kasi ako ng excitement ko plus the fact na gusto ko talaga itong i-surprise.
I call my boyfriend.
But his phone just keep on ringing hanggang sa mag-out of reach ito.He must be busy. Pero nasaan naman kaya siya at this moment? Hindi ba niya naaalala kung anong meron sa araw na ito?
I have no choice but to leave.
Sabagay, this is not the first time na nakalimutan ni Renzo ang aming special occassion. I am used of him forgetting our monthsary. I understand that he is busy and pre-occupied at times. Just like me.
Bago ako sumakay ulit ng kotse ay tinawagan ko si Hazelyn Catallo a.k.a. Lyn. Ang pinaka-close ko sa tatlong lukaret kong girl-best-buddy.
"Hey Myrrh? So? Kumusta? Did your Renzo like the gift?" Lyn
"Uhm. I'm sure that he'll like it if he only see it now." Ako
"What do you mean? Anong nangyari?" Lyn
"Hindi kami nagkita. Failed ang surprise ko sana para sa kanya." Ako
"Nasaan daw siya Myrrh?"
Napakunot-noo ako dahil hindi si Hazelyn ang nagtanong.
It's Fherjasia Mandque a.k.a Jasia, one of the three lukaret."The three of us are togther. And you're on a loud speaker." Jasia
"Oh. Okay." Ako
"So? Anong balak mo ngayon? Hahanapin mo ba ang beloved Renzo mo?" tanong pa nung isa.
It's Madiezel Bernabe a.k.a. Maddy"Nope. Mukhang nakalimutan naman kasi niya kung anong meron today. Pupuntahan ko na lang kayo kung nasaan man kayo ngayon." Ako
"Nasa tambayan kami Myrrh." Lyn
"Copy that. See you then in a minute." Ako
"Take care." the three lukaret said in unison
"Yeah. Thanks." Ako
***
20 minutes later ay dumating na ako sa "Tambayan" naming magkakaibigan.
Actually, it's a restobar na may VIP lounge sa second floor at tanging business associates at close friends lang ng may-ari ang maaaring gumamit.
It's a very high class restobar.
In short- yung mga may 'K' lang ang makaka-afford.And I am not bragging na may 'K' kaming magkakaibigan kaya may slot kami sa VIP lounge. Well, it's somehow true.
Pero one of the biggest reason ay dahil close friend namin ang may-ari nito."Our martyr friend is here." Maddy
I roll my eyes.
Here they go again with the 'martyr' label.
Nagbeso-beso kami bago ako naupo sa tabi ni Lyn.
"Bakit nga pala kayo nandito? Wala ba kayong mga pasok sa trabaho?" Ako

BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
General FictionTo love and to be love. It has to be both ways.