Myrrh's POV
Nagmamadali akong lumabas ng aking opisina makatapos kong matanggap ang text ni Jasia kung anong oras kami magkikita-kita sa tambayan.
Hindi pa naman ako mahuhuli, pero gusto ko munang umuwi sa convo para kahit paano ay makapagpahinga at makapag-isip.
Naapektuhan ang mood ko sa trabaho simula ng umalis sila Lyn, Yul at Drei dito.
Until now, hindi ko parin mapigilang hindi kabahan sa isiping makakaharap ko ulit si Drei.
And to think na gusto nitong magkausap kami.
Lord.. Sorry na po. Alam ko naging baliw po ako that night. Inaamin ko po naging kasalanan ko.. Pero, pwede po ba wala na munang ganitong torture?
Inumpog-umpog ko pa ang ulo ko sa manibela bago nagsimulang magdrive.
***
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa condo.Dahil 7pm pa naman ang usapan at 5pm pa lang ngayon ay nagpasya akong maidlip na muna habang nakababad sa bathtub.
May ilang minuto na akong nakapikit nang marinig ko ang doorbell.
Alam kong malaki ang posibilidad na hindi si Renzo ito.
I knew him too well.
Dahil ipinagtabuyan ko ito kanina, hindi muna ako nito lalapitan.
Ganun kami kapag nagkakatampuhan.I wear my bathrobe and put a towel on my wet hair. Dahil bahagyang nagmamadali ako may ilang hiblang hindi ko na naisama.
"Who's-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko from the moment I saw who's standing in front of my door.
At kitang-kita ko ang mabilis na pagdaan ng iba't ibang emosyon sa mata nito matapos nitong tingnan ang kabuuang ayos ko.
Gulat.. Pagkamangha.. at Iritasyon.
"D-Drei." Nauutal kong tawag sa atensyon nito.
Kitang-kita ko kung paano ito napatiim-bagang bago bahagya akong itinulak papasok at may kalakasan nitong isinarado ang pinto.
Hinila ako nito hanggang sa may salas at parang inis na hinarap.
"Really Canary? You're welcoming your visitor with that look and clothes?" Drei
"O-of course not! Ngayon lang naman nangyari ito. Besides, parang nagmamadali ka kasi sa pagpindot ng buzzer eh."
Bahagya akong napaatras ng akmang lalapit ito. But he stop for an instance.
"Kahit pa! Nagbihis ka man lang sana. Paano kung hindi ako iyong dumating? What if it's some random guy? Tapos biglang may gawing masama sayo?"
"I've told you.. ngayon lang naman nangyari ito."
"I don't care. Dapat nag-iingat ka!"
Mapakla akong ngumiti.
"Sorry. Careless nga yata ako.."
And I know na-gets ni Drei ang hidden message ng sinabi ko dahil agad nawala ang inis sa mukha nito at napalitan ng pag-aalala.
"Canary I didn't mean to-"
"It's okay Drei. Tanggap ko na." Ako
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin until I heard him sigh.
"Go to your room and change for a decent clothes." Drei
Bahagya naman akong pinamulahanan ng nukha after I realized na hindi pa nga pala maayos ang hitsura ko.
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
General FictionTo love and to be love. It has to be both ways.