Myrrh's POV
Inabutan kami ni Lyn ng listahan ng mga bibilhin.
"Magbuddy-buddy na lang tayo. Then magkita-kita ulit tayo dito after makompleto lahat ng nasa listahan ninyo. Guys, please. Pakisunod ng brand na nasa list." Lyn
"Noted Miss Chef." Vin
Mabilis namang humiwalay sa amin sila Wil at Jasia na silang bahala sa mga snacks at goodies.
Sila Vin at Maddy naman ang assigned sa vegetables and fruits."Lyn tayo na lang-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis na umalalay si Yul sa pagitan namin ni Lyn.
"I'll go with Lyn. Nico at Myrrh, kayo ng dalawa ang magsama." Yul
Agad nitong inalalayan palayo sa amin si Lyn na nagulat man ay di na nakaimik pa.
"Let's go." Drei
Itinulak na nito ang cart na dala kaya naman napasunod na lang ako.
Dahil sila Lyn at Yul ang mamimili ng chicken, pork and seafoods, sa amin naman ni Drei natapat ang condiments and other neccessity.
At dahil nakasunod ako kay Drei, kitang kita ko ang paghinto nito at pagkunot ng noo matapos basahin ang listahang ibinigay ni Lyn.
Bahagya naman akong natawa.
Alam ko wala siyang idea sa pagmimili ng groceries. At ang lukaret na si Lyn, talagang sa amin pa ibinigay ang list of items na ito.
"Let's go- let's go ka pa dyan, di mo naman alam kong saan kukunin ang mga iyan. Akin na nga." Ako
Natatawa kong kinuha rito ang listahan.
Tinitigan naman ako ni Drei.
"What?" Ako
"Are you laughing at me?" Drei
"Hindi ah." Ako
Pinipigil kong huwag mapangiti.
"Yeah?"
"Hindi nga." umiling pa ako bago nagseryoso.
"Tsk." Pinisil nito ang ilong ko
"Drei!" Hinampas ko ang kamay nito but this time, ito naman ang tumawa.
"You're cute." Drei
"Tse! Tara na. Madami pa tayong bibilhin eh." Ako
"Lead the way, Canary. I'll follow you whereever you will go." Drei
Naramdaman ko agad ang pag-init ng aking pisngi kaya mabilis akong tumalikod dito.
Why? Bakit iba dating sa akin ng sinabi niya?
***
At ganun na nga ang nangyari, I lead the way dahil alam na alam ko na rin naman kung anong mga ipinabibili sa amin.Thanks to Lyn who taught me how to do groceries and such.
Tahimik naman si Drei na nakasunod habang tulak-tulak ang cart.
Paminsan-minsan ay nililingon ko ito kapag may iaabot ako o ipapaabot. While he sometimes check and read all the items that I get.
"Ang gwapo naman niya, girl." Girl1
Bahagya akong napatingin sa dalawang babae na nasa side ko na nakatingin sa gawi ni Drei na abala sa pag-scan ng cinnamon powder na pinapahanap ko.
Katabi ko ang mga ito na kumukuha din ng white and black chili powder.
Lihim akong napa-iling.
There's nothing new with that. Iyon ang epekto ni Drei sa mga babae.
"Oo nga girl. Lapitan natin? Let's ask for his name." Girl2
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
Ficción GeneralTo love and to be love. It has to be both ways.