Myrrh's POV
"Guys! C'mon! Set na iyong bonfire sa labas!"
Si Maddy iyon na sumilip pa sa pinto ng kusina pero iniwan na rin kami at nagmamadaling lumabas.
She's always the excited one in our group.
Kanina kasi pag-uwi namin galing sa falls ay napag-desisyunan na magkasiyahan at magbonfire na lang sa dinner.
Kaya naman nagpatulong kaming magpa-set ng bonfire malapit sa hardin ng villa kay Mang Pablo at sa isang anak nito.
Nag-iihaw na sa labas sila Vin, Wil at Drei.
Nasa labas na din sila Jasia at Maddy kanina pa.
"Let's go ladies?" Yul
Naging instant assistant talaga ito ni Lyn kaya kasama namin sa pagpe-prepare dito sa kusina.
Bitbit nito ang bucket ng ice na pinakuha ni Wil dahil nasa labas na din ang mga inumin ng mga ito.
Ako at si Lyn naman ang may dala ng iba pang kakainin.
"Sinasabi ko sayo Yul, dapat di ka masyadong malasing ah." Lyn
"Yes Chief." Yul
"Chief talaga?" Ako
"Yes. She's my commander in chief eh." Yul
Tumawa pa ito sabay pabirong kumindat kay Lyn.
"Tumigil ka nga dyan Simon." Lyn
"Chief naman.. Wala namang banggitan ng second name ko. Kinikilabutan ako eh." Yul
Pasimple akong natawa.
Yul really hate his second name.
Ito namang si Lyn, iyon ang itinatawag kapag naiinis dito.
Ang sweet nila no?
"I don't care. Mauna ka na nga sa labas. May babalikan ka pa sa kusina." Lyn
Naiwan pa kasi iyong isang tray ng iihawin namin.
Nakangusong sumunod na lang si Yul.
"Ang lakas mo talaga sa isang iyon." Ako
"Nah. Bumabawi lang iyon.." Lyn
"Bumabawi? Bakit? May kasalanan ba si Yul sayo?" Ako
Hindi umimik si Lyn pero nakita kung napabuntong-hininga ito.
Uhm. Okay. May hindi sinasabi sa akin itong bestfriend ko.
[Why? Ikaw din naman may hindi sinasabi sa kanya.]
And here goes that tiny voice again in my head.
Malapit na kami sa garden nang masalubong namin si Yul na pabalik na para kunin iyong naiwan pa namin sa kusina.
Hindi na ito pinansin ni Lyn.
Then sumalubong sa amin si Wil at Vin para kunin ang mga dala namin.
Sila Maddy at Jasia ay prente ng nakaupo sa nakalatag na picnic blanket.
While Drei is busy. Siya ang nag-iihaw pero saglit itong sumulyap nung dumating kami.
I sigh.
Hindi pa kami nag-uusap ulit after the incident sa may falls kanina.
Hindi ko kasi mapigilang di kabahan kapag nasa malapit lang siya. And I hate it. Dati naman, wala lang sa akin kung nasa tabi ko lang siya.
"Myrrh? Okay ka lang?" Lyn
"Ha?"
"You're spacing out. Tinatawag na tayo nila Maddy.." Lyn
"Sorry. May bigla lang kasi akong naalala. Tara na?" Ako
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
Ficción GeneralTo love and to be love. It has to be both ways.
