Chapter 10 - Let's forget about it

5 0 0
                                        

Myrrh's POV

Hindi na kami gaanong nagpansinan ni Drei during the whole time of our barkada bonding.

Matapos nila akong kamustahin ay agad nang nag-open ng ibang topic si Lyn at Yul.
Mabuti na lang marami ring baong kwento ang mga lovebirds. Isama pa ang mga kalokohan ni Vin at Maddy na as usual ay muntik na namang magkainisan.

"Speaking of vacation guys, Myrrh, one time doon naman tayo sa ancsestral house ng grandfather mo. Ang unfair, si Lyn lang ang nakakaalam nun eh." Jasia

Medyo tipsy na ito same as Mady kaya bahagya ng madaldal at makulit.

"Right. Lyn told us na may farm kayo doon and may malapit na falls. Let's hang out there." Maddy

"One time pa lang naman ako nakakabisita doon. And it's been a long time." Lyn

"Okay. Mag set na lang tayo." Ako

Tuwang pumalakpak naman sila Jasia at Mady. Parang mga bata.

Good thing hindi naman umiinom ng sobra ang boyfriend ng mga ito na sila Wil at Vin.Magda-drive pa nga daw kasi.

Just like Yul and Drei na after nung unang salin ng red wine ay hindi na umulit.
Pinigilan pa nga ni Yul si Lyn kanina nung magsasalin pa sana ito ng pangalawang kopita.

Napangiti pa nga ako nung makita kong parang lihim na nagsisitahan pa ang mga ito kanina habang nakatingin sa bawat isa.

I found them cute.

Ako?
Well, hindi ko magawang ubusin ang red wine sa baso ko. Hindi ko pa gustong tumikim ulit ng alak.
Because the last time I did... pinagsisihan ko ang nangyari.

Isa pa, nakakaramdam na ako ng pagod at antok.

The result of my restless heart and mind.

"Let's do that vacation two weeks from now? Sa tingin ninyo?" Lyn

"Good idea! Friday afternoon para until Sunday night tayo dun?" Jasia

"Kayong bahala." Ako

"Okay. Great!" Maddy

"Good. Call." Vin

"Go lang." Yul

"Alright. It settled then." Will

Tumango-tango naman si Drei.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin.
At hindi ko na mapigilan ang paminsan-minsang paghikab.

"Aren't we going home? I know all of came us from our work today. Marami pa namang araw. It's already getting late. Magpahinga na tayong lahat." Drei

Lihim ko namang ipinagpasalamat ang sinabi nito.

"Sabagay, galing ka din sa maghapong meeting Pres." Yul

Tumawa lang si Drei.

He must also tired. Pero bakit sinundo pa niya ako sa condo?

"Sabagay, tipsy na rin itong mahal kong girlfriend." Vin

"I'm not." Maddy

"Iuuwi ko na rin itong si Jasia sa kanila, bago ko maiuwi sa bahay ko." Wil

"You're crazy my knight." Jasia

"Mahal mo naman." Will

"Naku, tara na nga. Bago pa magkabolahan dito." Lyn

Natawa naman si Yul.

Nagkanya-kanyang akay na sila Wil at Vin sa mga nobyang medyo tipsy na.

"Bye guys! Ingat kayo." Lyn

Pwede bang ako na lang?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon