Myrrh's POV
Sabi nila, kapag may gusto kang kalimutan o ayaw maisip, deprive yourself from doing so. In short, make yourself busy.
Kaya naman talagang isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Late na ako umuuwi galing sa opisina at talagang advance na advance ang pagtapos ko sa mga designs ng clients ko. Kapag nasa condo naman ako ay nagkukulong lang ako sa study room to make some research and articles.
Minsan pa nga, nakakatulugan ko na lang ang ginagawa ko.Dalawang dinner date ng barkada na din ang pinili kong di puntahan for two reasons: Dahil busy-busihan ako at iniiwasan ko muna talagang makita o makaharap si Drei.
My phone ring.
Jasia is calling.
"Hello-"
"Hi there our very busy friend! Kamusta? Nagpapayaman ka pa din ba? Pwede ka na ba naming maistorbo?" Jasia
Ang hyper talaga nito. Parang hindi Vice President ng isang malaking company eh.
"Uhm. Okay lang. Bakit?"
"Good! So? You can make it later tonight? Sa tambayan ulit." Jasia
Sasagot sana ako ng marinig ko sa background ang boses ni Lyn at Mady.
I look at my wrist wacth. 4:30 lang ng hapon at Thursday ngayon, bakit ang aga naman yata nilang magkakasama?
"Nasaan kayo?" Ako
"Spa. You know, Maddy drag us here.." Jasia
Napangiti na lang ako.
"Hey Myyrh. Hindi na kita sinubukan yayain. Sabi kasi ni Lyn nagkukulong ka sa sarili mong mundo today." Maddy
Bahagya akong natawa.
Alam na alam talaga ng mga kaibigan ko kung kelan ako dapat guluhin lalo na kapag busy ako sa pagsusulat, in which they term 'sarili kong mundo'."Punta ka na later sa dinner meeting natin Myrrh." Lyn
Now I know I'm on a loud speaker.
"Dinner meeting?"
"Girl, you almost forgot na? Diba, magbabakasyon tayo sa ancestral house ninyo? This week na iyon. Need na nating pag-usapan." Maddy
"Oo nga pala." Ako
"Gahd Myrrh. Anong nangyayari sayo?" Jasia
"Sorry. Sigi, pupunta ako mamaya." Ako
"Great! See you later. Same time ah. Bye." Jasia
Pinutol na rin nito ang tawag as if na takot na bawiin ko ang sinabi ko.
***
Same time. Same place.
Bumuntong hininga ako bago lumabas ng kotse matapos kung tanawin ang entrance ng restobar ni Wil.
Nagtext sa akin si Lyn kanina na ako na nga lang daw ang wala. Hindi ko naman sinasadyang ma-late.
Hinanap ko pa kasi ang susi ng bago kong kotse na dapat ay gagamitin ko ngayon, only to found out na wala ito sa akin at naalalang iyon ang kotseng gamit ko nung 'gabing' iyon.
I sigh.
Kailangan ko talagang makausap at makaharap ulit si Drei.. Siya lang ang nakakaalam kung nasaan ang kotse ko.
As I enter our tambayan, sa akin natuon ang atensyon ng lahat.
"Finally! The Princess is here!" Mady
Pabiro ko itong inirapan bago nakangiting tumango sa lahat, pero mabilis kong iniwasan ang tingin ni Drei.
"Upo ka na girl." Jasia

BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
Fiction généraleTo love and to be love. It has to be both ways.