Myrrh's POV
Everything is set.
Halos magkakasunod na dumating ang loverbirds sa condo ko.
We're waiting for Drei dahil bahagya daw itong na-traffic.
"Akala ko ba hindi na kayo mga pumasok ngayon sa opisina?" Jasia
She is looking at Yul na prenteng nakaupo lang sa single couch.
"Yes." Yul
"Bakit na-late pa si Nico?" Jasia
"Baka may mga inasikaso pa Jasia. Alam mo naman iyong bestfriend kong iyon, busy na tao." Yul
"Relax ka lang My Lady.. Parating na iyong si Nico." Wil
Napairap na lang si Jasia bago humilig sa balikat ng katabing si Wil.
"Buti na lang mas maaga tayo sa naging call time natin." Vin
"3 hours lang ba magiging biyahe natin, diba Myrrh?" Lyn
"Yes." Ako
"Pero mamimili pa tayo. Nasaan na daw ba si Nico?" Maddy
"Wait. Tawagan ko lang si Nico." Yul
"Wag na Yul. Nagda-drive iyon eh. Maaga pa naman, hindi naman tayo mata-traffic papunta doon. We'll get there on our target time." Ako
Inabala na lang nung anim ang pag-check sa mga dala nilang gamit.
After 10 minutes, narinig ko na ang buzzer.
"Si Nico na yata ito." Yul
Agad itong tumayo para buksan ang pinto.
At hindi nga kami nagkamali. Si Drei na nga ang dumating.Sinalubong ito ng nagtatanong na tingin nila Maddy at Jasia.
Bahagyang natigilan pa si Drei na parang nagtataka pa sa inasal nung dalawa.
"Why? Hindi ako late sa call time natin. You are just too excited." Drei
Ang sungit talaga ng lalaking ito.
Sabay na napalabi na lang sila Jasia at Maddy dahil may point naman talaga si Drei.
Natatawang inakbayan na lang nila Vin at Wil ang mga nobya.
"Let's go guys." Lyn
Nagkanya-kanya na kami ng kuha sa dala naming bag. Nauna na ring lumabas sina Wil, Jasia, Vin at Maddy.
"Ako na muna ang magda-drive, Nico." Yul
Walang imik na inihagis ni Drei ang susi kay Yul.
Bubuhatin ko na sana ang travelling bag ko ng walang imik na kinuha ito ni Drei bago deretso ng lumabas ng condo.
Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Takang napatingin naman sa amin sila Yul at Lyn bago sabay na napangiti.
"Ako na nga lang din magdadala ng bag mo Lyn. Nakakahiya naman sa pagka-gentleman ni Nico." Yul
Natatawa nitong binitbit ang bag na hawak ni Lyn. Tulad ko, ang naiwan na lang na hawak nito ay ang sling bag na naglalaman ng wallet at cellphone.
"Tara na nga besh." Naiiling na sabi na lang ni Lyn
Matapos kung mai-lock ang condo ay bahagya pa kaming natigilan ni Lyn dahil naghihintay pala sa tapat ng elevator sila Drei at Yul.
***
Nagsimula na kaming bumiyahe.
"Yes, finally after 4 years makakapag-bakasyon na ulit tayo together!" Maddy
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako na lang?
Ficción GeneralTo love and to be love. It has to be both ways.