Myrrh's POV
(2 Days before the drunk night incident)
Good thing, nagkita naman kami agad ni Renzo kinabukasan.
Ito mismo ang pumunta sa office ko para personal na mag-apology.
Naiwan daw nito sa office ang cellphone sa pagmamadali na pumunta sa site na nagkaroon daw ng kaunting aberya.
My boyfriend.
Renzo Herrera is a Head Engineer.
Naging ka-klase ito ni Irvin noon na naging isang way kaya kami nagkakilala.And because I am a very understanding girlfriend, hindi ko na ginawang big deal ang lahat.
After I gave him my gift, isang mamahaling relo na ikinatuwa nito ay niyaya ako nitong kumain na lang sa labas.
He said that he already set a reservation, right after the moment na naalala niya ang anniversary namin.
See? My boyfriend is just so busy.
"By the way, I have flowers for you.." Renzo
Inabot nito ang bouquet ng red roses na nasa back seat ng kotse nito.
"Thank you love." Ako
"You're always welcome love." Renzo
Akmang paandarin na nito ang kotse nang magring ang cellphone nito.
Nakita ko na bahagya itong natgilan at tila napapahiyang tumingi sa akin bago nito in-off ang cellphone.
"Bakit di mo sinagot?" Ako
"It's not that important." Renzo
"Sino ba iyong tumawag?" Ako
"Si.. Lorna." Renzo
"Bakit di mo sinagot? Baka importante ang itinawag ng secretary mo." Ako
"Hindi iyon. Alam naman niyang maaga akong umalis ngayon sa office. Baka nakalimutan lang." Renzo
"Okay." I nod and smile
"Let's just enjoy this day." Renzo
"Sure." Ako
Sa RASlicious restaurant kami pumunta.
Very memorable sa amin ang lugar na ito dahil dito kami first time nagdate as an official couple."I ordered the usual Love." Renzo
"Okay lang. I really love their carbonara. Ikaw? Baka may iba kang gusto sa menu nila?" Ako
"Pina-add ko na. Anyway, Happy Anniversary. Sorry kung late na." Renzo
I smile.
"I told you that it's okay. Ang mahalaga, magkasama tayo at naalala mo naman eh. Mas magtatampo ako kung talagang nakalimutan mo." Ako
"Sorry talaga love. Promise, babawi ako starting today." Renzo
"No need love. I understand na busy ka din naman sa work." Ako
"Thanks love. Iyan ang isa sa minahal ko sayo eh. Napaka-understanding mo. Maganda na, mabait pa. Napaka-swerte ko na naging girlfriend kita." Renzo
"Hmp. Enough na sa pambobola. Graduate na tayo sa stage na iyan." Ako
Nagkatawanan kami dahil doon.
"I love you." Renzo
"I love you too." Ako
Saktong pagkasabi ko nun ay nagring ulit ang cellphone ni Renzo.
Again, ni-reject lang nito ang call.
Pero mukhang makulit ang tumatawag dahil ilang ulit pa iyong nagring kahit nung magsisimula na kaming kumain.