Chapter 3

596 15 0
                                    

Kray POV

Nagpaiwan muna ako saglit dito sa school dahil sa tinawagan ako ni Mona at hanapin yung profile info ni Allyson dito, pinauna ko na silang umuwi para may bantay sa unit si Ally.

Nagtago muna ako dito para hindi ako makita nung bantay ng school na nag iikot ngayon paligid, Wala akong dalang flashlight kaya phone ko lang gamit ko pero may inipit akong maliit ng kutsilyo dito saken. Just incase.

Nang mapansin ko ng wala na yung bantay ay sinimulan ko nang hanapin yung profile room at nakarating ako ng 3rd floor sa pag hahanap. Inisa isa ko yung mga room dito at sa wakas nahanap ko din.

Napabagsak nalang yung balikat ko ng makita yung napakaraming cabinet dito, Pinapahirapan talaga ako ni Mona. Inisa isa ko na ito at halos magkanda duling duling na ko dito sa dami ng papel.

Napalingon ako ng may marinig akong nagbukas ng pinto kaya tinutok ko dito yung ilaw ng phone ko at nakita ang isang lalaki na nakatayo, napansin ko may flashlight sa labas mukhang sa bantay ata kaya nagmadali akong lumapit sa lalaki at dahan dahang isinara yung pinto at marahas kong pinaupo yung lalaki atsaka tinakpan yung bibig nito.

Sumilip ako sa labas at nakahinga ng maluwag ng mapansin na wala na yung patron. Patron nalang tatawag ko dun tutal mukha namang patron na nagbabantay sa syudad yon Hahahahahaha

Tinignan ko yung lalaking nasa harap ko ngayon at tinanggal yung kamay ko sa bibig nya.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko dito

"Ako dapat ang nagtatanong nyan sayo. Anong ginagawa mo dito? Tska di pamilyar yung mukha mo dito sa school" Balik na tanong nya saken kaya napailing ako at bumalik sa ginagawa ko.

"Anong ginagawa mo jan?" Mahinang sigaw nya saken.

"None of your business" Patuloy lang ako sa paghahahanap at malapit na ko sa dulo ng cabinet ng makita ko yung profile ni Ally. Sa wakas!

Kinuha ko ito at umupo saglit para tignan, at tinawagan sandali si Mona.

'Nakuha ko na' Bungad ko dito

'Good. Itago nyo yan. May mga civilang tao na pupunta jan bukas para kunin yang profile ni Allyson kaya pinakuha ko na sainyo.'

'Ilang tao yon?'

'Hindi namin alam, Bantayan nyo ng mahigpit si Allyson bukas and... Be safe' Napangisi nalang ako sa huli nyang sinabi, Hindi ko alam kung para kanino yun kung para samin ba o para kay Ally?

Binaba ko na yung tawag at iniligpit na yung papel, tumayo na ko at aalis na sana ng magsalita yung lalaking kasama ko dito.

"San mo dadalhin yan? Hindi mo ba alam na bawal kunin yung mga papel dito sa profile room" Bakit ang daldal ng isang 'to?

"Shut your mouth. Bakit ang ingay mo?" Irita kong tanong dito atsaka pinihit yung door knob ng pinto.

Shit. Don't tell me...

Pinihit pihit ko pero ayaw bumukas, sinarado ba ng patron 'to? Ba't di ko napansin?

"Anong nangyari?" Tanong ulit nitong lalaki

"Naka lock" Banggit ko at ilang saglit pa ay naramdaman kong nandito na yung lalaki at pinilit ding buksan pero hindi talaga.

Napaupo nalang ako sa sahig at napabuntong hininga. Nakita ko ding napaupo nalang din yung kasama ko dito.

"Bago ka lang dito?" Napatingin ako dito ng magsalita ito, tumango ako sa tinanong nya. Nakikita pa naman namin yung mga mukha namin dito dahil sa ilaw ng buwan.

"I'm Zero" Pakilala nito at sandali ko itong tinignan, mukhang nag aantay ng isasagot ko

"Kray" Tipid na sabi ko at tumango lang ito.

"Now tell, anong gagawin mo jan sa kinuha mong papel?" Seryosong tanong nito, Hindi ba sya makakatulog kapag hindi ko sinabi?

"Itatago ko" Napakunot naman yung noo nito sa sinabi ko. Yun naman talaga yung gagawin ko, ano ba ineexpect nito? Kakainin ko?

"Are you serious? Nakatago naman dito sa room yan. Bakit kailangang itago mo pa?"

"Personal matter. Bakit ang dami mong tanong?" Irita kong tanong dito, sa dami dami na pwede kong makasama dito bakit itong madaldal na lalaki pa?

"Nothing. Ikaw palang kasi ang unang estudyante na malakas ang loob na kunin yung profile info. Dito" Sabi nito kaya tinanguan ko nalang ito.
______

Zero POV

Napailing nalang ako ng makita kong natutulog na yung babaeng nasa harap ko ngayon.

Lumapit ako dito at hinawakan yung ulo nya para ihiga sya ng maayos. Napatingin ako sa papel na kinuha nya dito, kinuha ko ito at tinignan ang loob.

"Allyson Wellington"

Napakunot yung noo ko ng makita yung pangalan, Magkakilala sila ni Ally? Don't get me wrong pero kilala sa school si Allyson dahil sa bukod sa anak ito ng ZNA Corp. Ay isa sya sa mga matalino dito sa school.

Sinarado ko na yung folder at binalik sa tabi nya, unti unting namumuo yung pagdududa ko dito sa babaeng 'to bukod sa bago palang sya dito, nakita ko din sya kanina na lumabas galing sa likod ng isang building dito kung saan doon nagtitipon tipon yung mga sigang lalaki dito sa school para mambugbog.
.........

Napagising ako dahil sa ingay, dinilat ko yung nga mata ko at nakita si Kray na gising na at kinakausap si Manong guard dito.

"Anong ginagawa nyo ditong dalawa?" Tanong ni Manong kaya tumayo ako.

"Nalock nyo ata kami dito manong, a-ano kasi may hinahanap lang kami" Pagpapalusot ko at tinignan si Kray na nakatingin lang saken kaya kinindatan ko ito at mabilis na kumunot yung noo nito. Hahahahaha

"Osya, umalis na kayo dito bago pa kayo maabutan ng ibang Prof. Dito" Sabi nito kaya lumabas na kami. Nag unat unat muna ako at nakita kong naglalakad na palayo si Kray kaya hinabol ko ito.

"Sandali, san ka pupunta?" Tanong ko dito

"Uuwi malamang, may pasok pa mamaya" Sagot nito kaya hinayaan ko nalang. Uuwi din ako para makapag linis at makapasok mamaya.

Nakarating ako sa bahay at naabutan ko yung kapatid ko na nag aalmusal.

"Bakit umaga ka ng umuwi?" Bungad nito, kumuha ako ng makakain sa ref at sinabayan sya sa pagkain.

"Nalock ako sa school"

"Sus. Dahilan mo, Gumimik na naman kayo nila Kuya Xander noh?"

"Hindi ah. Nalock nga ko, may kasama pa kong babae dun" Nakita ko namang nanlaki yung mata ng kapatid ko. Iba na naman nasa isip nito

"Anong ginawa mo sa kanya? Wala ka na talagang pinipiling lugar kuya!" Sigaw nito saken

"Wag mo nga kong sigawan, Hindi ko naman kilala yung babaeng yon, tsaka nagkataon lang na nasa iisa kaming room na napasukan" Nanliit naman yung mata nito na tiitignan ako

"Sigurado ka?"

"Oo" Sagot ko at tumango lang ito at pinagpatuloy yung pagkain.

Tumayo na ito at bago pa ito makapasok ay sumigaw muna ito saken.

"Kuya hiniram ko muna yung speaker mo!" Napatingin ako agad dito dahil sa sinabi nya

"Cinco!" Sigaw ko sa pangalan nya at nakita kong nagmadaling lumabas kaya hindi ko na nahabol.

Humanda ka saken mamaya.





Nyongan! :)

Bts Jungkook as Zero ❤️

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon