Kray POV
"Wag mong isipin na ginusto namin 'to." Sabe ko kay Allyson pagkatapos naming mag-usap usap lahat.
"So ano pala? Pera nga lang talaga ang habol nyo kaya tinanggap nyo yung offer ni Tita Mona" Nakataas kilay na sabe nito. Pera? Di namin kailangan ng pera. Meron kami non.
"Di namin kailangan non. Kalayaan ang kailangan namin" Sabe dito ni Charli at alam kong kanina pa nyang tinitimpi yung ugali ni Allyson.
"Ah hehehe sa tingin ko guys, mas maganda kung tapusin na natin 'to. May mga pasok pa tayo bukas" Singit ni Xander at tumango naman yung iba.
Nagpaalam na sila na babalik na sa unit nila, bumalik na din si Allyson samantalang kami naman ay napaupo nalang sa sofa at napatitig sa kisame.
"What are we going to do now?" Tanong samin ni Red
"Mas maganda na ding alam na nya lahat, di na tayo mahihirapan pang bantayan sya"
"Ano kayang mangyayari satin pagkatapos nitong misyon na 'to?" Napaisip naman ako agad sa tanong ni Hera
"I think i should go back to australia. I really miss my parents" Sagot ni Red dito
"Hmm? Bibisitahin ko nalang muna siguro yung mga lola ko sa Korea" Banggit samin ni Hera
"Gotta visit my mom in New Zealand" Sabe ni Charli samin, Napatingin naman agad sila saken
"What?" Takang tanong ko sa kanila
"Don't you have plans?" Tanong ni Red saken
"Alam nyo kung anong gagawin ko after this. Di ako titigil hangga't di nya ko tatanggapin ulit" Sabe ko sa kanila at agad na tumayo at pumasok sa kwarto ko.
Napahiga na lamang ako sa kama at bumuntong hininga. Why is it so hard? Di ko naman kasalanan yung lahat ng nangyaring aksidente noon, pero ako yung sinisisi nya.
'Dad? Help me please...'
_______Zero POV
"Kuya! Sino yung babaeng kasama nyo kahapon nina kuya Xander?" Tanong ni Cinco habang nag aayos ako para makapasok na.
"Sino dun?"
"Yung nakabangs" Natigil ako sa ginagawa ko at tinignan sya agad.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala naman, ang ganda kasi nya.." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko
"May boyfriend na yon" Sabe ko dito sabay talikod sa kanya
"Ha? Meron na? Sino?" Sunod sunod na tanong nito kaya napangisi ako. Wala pala ha
"Basta kasing gwapo ko" Sabe ko dito at humarap na ulit sa kanya dahil aalis na ko.
"Edi ang pangit non!" Sigaw nito saken habang palabas ako ng kwarto
"Hoy! Tandaan mo, magkamukha lang tayo!" Sigaw ko pabalik at naabutan ko sina Xander sa labas
"Ano na namang pinag aawayan nyo? Kagabe pa kayong nagbabangayan!" Inis na sabe saken ni Casper at nauna ng lumabas samin.
"Bakit ang init ng ulo non?" Tanong ko kay Dren at umiling lang sya, lumabas na kami at naabutan namin sina Kray na paalis na din.
"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya pero hindi ako pinansin nito at narinig kong palihim na tumawa si Xander na katabi ko kaya siniko ko ito at sinundan si Kray.
"Ngayong alam na ni allyson lahat, ano ng balak mo?" Tanong ko dito habang sinasabayan itong maglakad. Maglalakad nalang din kami papuntang school, sayang gasolina.
BINABASA MO ANG
Criminals
ActionFOUR criminal girls who will send them into a mission, along with the FOUR stranger men that will enter to their lives. How will they handle the mission together when they found out the TRUTH. "I would sacrifice my self in order to protect them."...