Chapter 10

274 16 2
                                    

Charli POV

Pinabuhat na namin kay Zero si Kray dahil alam kong hindi yon papayag kapag nalaman nyang sa ospital namin sya dadalhin.

"San nyo ba ko dadalhin?!" May inis sa tono nyang tanong samin pero imbes na sagutin namin sya ay hindi namin ito pinansin at dire diretso lang sa pagmamaneho ng sasakyan si Zero hanggang sa makarating kami sa ospital.

"What?!" Singhal agad ni Kray ng makita nya kung saan kami huminto.

"Wag ka ng pasaway. Sila lang makakagamot sayo" Sabi ko dito at bumaba na kami, nagpupumiglas pa si Kray sa pagkakahawak sa kanya ni Zero pero agad ding sumuko.

Kray POV

"Doc! Diba ok na ko? Sabihin mo nga dyan sa mga kasama ko na kaya ko na" Sabi ko sa doktor pagkatapos nyang gamutin yung sugat na natamo ko kanina,

"Pwede na syang makauwi bukas ng umaga, sa ngayon kailangan nya ng pahinga dahil baka matanggal yung pagkakatahi namin sa sugat nya" Bumagsak naman yung mga braso ko ng hindi nakisama saken yung doktor.

"Narinig mo naman siguro yung doktor? Magpahinga ka na dyan, babantayan ka namin dito" Napairap naman ako ng sabihin yon saken ni Charli

"Wag kang mag alala, dito ako matutulog sa tabi mo. Tapikin mo lang ako kung anong gusto mo" Nakangiting sabi saken ni Zero kaya kumunot agad yung noo ko

"Kanina ka pang namumuro saken, lumayas ka sa tabi ko kaya ko naman sarili ko" Naiinis kong sabi dito at agad na nagtalukbong ng kumot, matutulog nalang ako.

Zero POV

"Bakit ba ang sungit ng kaibigan nyo saken?" Iritang tanong ko kina Charli ng talikuran kami ni Kray

"Ganyan talaga si Kray, ayaw sa mga lalaki" Natatawang sabi ni Red at inaya si Xander na bumili ng pagkain sa labas, naiwan naman kami nina Charli at Casper dito.

"Bakit nga ba ayaw nya sa mga lalaki? Matitino naman kami ah" Sabi ko kay Charli

"Pero yung ex nya hindi. Simula nung lokohin sya nung gagong yon, hirap nang magtiwala ulit si Kray sa mga lalaki." Sabi ni Charli habang nakatingin ito kay Kray na mahimbing na natutulog.

Niloko pa yung ganyang babae? Napaka gago nga nung lalaki, kung tutuusin swerte nung lalaki kay Kray. Ibang iba si Kray sa lahat ng babaeng nakakasalamuha ko.

"Ano bang ginawa nung ex nya para kamuhian nya kaming mga lalaki?" Tanong ko dito

"Nahuli nyang nakikipaghalikan sa ibang babae, kaya pala hindi sumipot yung ex nya sa aniversarry nila kasi busy makipaglandian sa club" Kwento saken ni Charli

"Alam mo bang ang layo layo ng ugali nya noon sa ngayon? Simula nung trahedyang naganap sa tatay nya hanggang sa lokohin sya ng ex nya, nagbago yung ugali ni Kray. Hindi na din kami nagulat kasi ngayon alam na naming mas matapang na yung kilala naming mahina noon" Dagdag nito kaya agad akong napatingin kay Kray.

Tahimik, anghel at mabait ang itsura ni Kray pagtulog at kabaliktaran nito kapag gising na ito.

"Wag ka nalang magbanggit sa kanya na may sinabe ako sayo tungkol sa past nya, ayaw nyang may ibang taong makakaalam sa buong pagkatao nya. So keep your mouth shut" Paalala saken ni Charli at pumunta sa tabi ni Casper para matulog.

Sa mga narinig ko kanina mas lalo tuloy akong naging mas interesado kay Kray.
______

Kray POV

Naalimpungatan naman ako ng makaramdam ako ng mabigat na bagay sa kamay ko, tinignan ko ito at agad na napabusangot yung mukha ko ng makitang dinadagaan ng ulo ni Zero yung kamay ko.

"Hoy" Tawag ko dito sabay kalabit sa kanya

"Hoy!" Medyo napalakas yung boses ko sa pangalawang tawag ko dito and this time nagising na sya.

"Hmm? May kailangan ka?" Tanong nito agad saken, napatingin ako sa paligid at tanging sya lang yung nandito. Nasan yung mga taong nagdala saken dito?

"Napasarap tulog mo sa kamay ko" Seryoso kong sabe dito at agad naman syang napakamot sa batok.

"Nasan sila?" Tanong ko dito, lumingon sya sa likod para tignan

"Di ko alam, nakatulog na ko eh. May gusto ka ba?" Tanong nito at umiling lang ako.

Hours passed at sa wakas nakalabas din ng ospital, we're heading back in our unit and as soon as i step out biglang kumulubot agad yung noo ko sa nakita ko. Zero? Teka--- Nasa kot--- How come?

Tinitigan ko ito ng mabuti and he was standing right there at mukhang may inaantay.

Nilingon ko yung mga kasama ko sa likod na kakababa lang din and to my surprise nakita ko si Zero at nakaakbay pa ito kay Casper. Sino 'tong lalaki dito.

"Bakit? May problema ba?" Tanong saken ni Charli ng makalapit ito

"Dalawang Zero ata yung nakikita ko ngayon" Sabi ko dito at nagtataka ako nitong tinignan.

"Cinco!" Napalingon ako kay Zero ng sumigaw ito sa di kalayuan at tumingin sa pinanggagalingan nito.

Nakita ko namang tumatakbo palapit dito yung lalaking nakita ko sa harap ng unit gate namin.

"Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko na sayong sa bahay ka lang" Sabi ni Zero dito. Magkakilala sila?

"Kuya, kagabi mo pa hindi sinasagot yung tawag ko. Nag aalala na si Mom sayo" Nabigla ako ng tawagin nung lalaki si Zero na kuya. So magkapatid sila? Kaya pala magkamukha.

"Nga pala, kapatid ko nga pala. Si Cinco" Pakilala ni Zero ng ibaling nya yung atensyon nya samin na kanina pang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Hello po" Nakangiting bati ng kapatid nito samin kaya ngumiti nalang din ako ng tipid.

Umakyat na kami sa unit room namin at isinama na muna ni Zero yung kapatid nya.

Pagbukas ko ng pintuan ay agad na tumambad saken sina Hera at Dren kasama si Allyson. Anong ginagawa nito dito?

Pumasok ako agad at taka silang tinitigan. Anong ibig sabihin nito?

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kina Hera. Tumayo ito at lumapit saken

"Sorry.. Alam na lahat ni Allyson" Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. What?

"Kaya pala ganon nalang kayo kung bumuntot saken. Kung hindi ko pa nahuli kagabe sina Hera na sunod ng sunod saken, hindi ko pa malalaman lahat." Sabi ni Allyson samin ng bigla itong tumayo.

Binulungan ko si Dren na papuntahin dito yung mga kaibigan nya, at ilang segundo lang din ay nandito na sila at sumama pa yung Cinco dito.

"Anong nangyayare?" Bungad ni Zero ng makapasok ito.

"Allyson knows everything" Sagot ko dito.








Sorry sa mahabang pagpapahinga ko dito sa wattpad. Marami lang nangyari kaya isinantabi ko muna ito :)

But anyway here's a UD for you guys~

Golden Child Y. as Cinco (Zero's Brother) 💕 nasa multimedia yung picture :)

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon