Kray POV
Nakarating na ko sa address na binigay saken nung tumawag kanina. Lumingon lingon ako sa paligid just to make sure na walang mga nakaabang na tao at lalong lalo na para makasiguro akong wala dito sina Charli at Zero ng malapitan.
Pumasok ako at agad na nakita si Allyson na nakaupong nakatungo ang ulo habang nakatali ang buong katawan sa poste.
Kinuha ko yung baril ko at marahan na lumapit sa tabi ni Allyson. Tinapik ko ito ng mahina upang hindi makagawa ng ingay.
I know anytime may lalabas na mga tao dito, hindi ako tanga para hindi malaman na isang trap lang 'tong ginawa nila.
"Hoy gumising ka" Mahinang sabi ko dito at nakita ko namang nagising ito at nanlaki yung mata nya ng makita ako. Magsasalita pa sana ito pero agad kong tinakpan yung bibig nya.
"Sssshhh! Im gonna get you out of here. May ginawa ba sila sayo? May masakit ba sayo?" Mahinahong tanong ko dito at nakita ko itong napaluha. Ahh shit. Bakit ba kahinaan kong makakita ng babaeng umiiyak?
"H-help m-m-me" Putol putol nitong bigkas. Kinuha ko yung kutsilyo sa binti ko at kinalagan ito sa pagkakatali. Nabigla ako ng yakapin nya ako pero hinayaan ko na din, sobrang natakot lang siguro 'to sa nangyari ngayon sakanya.
"Wow!" Kumalas ako sa pagkakayakap nya saken ng makarinig ako ng palapak galing sa kung saan. Madilim ang paligid at tanging sa pwesto lang ni Allyson ang may ilaw.
"Lumabas ka at magpakita ka saken! Tumupad ako sa usapan mo" Sigaw ko sa kawalan at maya maya pa ay may mga lumabas na limang lalaki.
I hid Allyson behind my back at kinasa yung baril na hawak ko.
"Kaya mo bang makatayo?" Tanong ko dito pero umiling lang ito
"Do you know how to use a gun?" Tanong ko ulit dito pero isang pag iling ulit ang isinagot nya. Binigay ko sakanya yung baril na hawak ko kahit hindi sya marunong gumamit nito.
"Stay here. Barilin mo yung mga taong lalapit sa tabi mo" Sabi ko dito at humugot ulit ako ng isa pang baril na dala ko.
Sabay sabay na sumugod yung lima at pinaulanan ko lang sila ng bala habang nanatili akong nasa harap ni Allyson. Dumami ng dumami ang mga lalaki at kasabay non ang pag ubos ng bala ko. Naitapon ko nalang ito at sabay na sinugod sila.
Sinuntok ko ng buong pwersa ang nasa harapan ko at mabilis na kinuha yung kahoy na hawak nya at ipinalo ko ito sa susugod saken na lalaki sa likuran ko.
Napaluhod ako ng may pumalo sa likuran ko at lumabas ang dugo galing sa bibig ko. Mabilis ko itong hinarap at pinalo sa ulo nya ang nahawakan kong bakal.
Napaubo pa ko dahil sa lakas ng pagkakapalo nito sa likod ko, hinigpitan ko yung pagkakahawak sa bakal atska itinusok ito sa mukha ng lalaking pumalo saken.
Narinig ko pang sumigaw si Allyson kaya agad ko itong tinignan at nakitang nakatingin ito saken habang brutal na pinapatay yung mga lalaki dito.
"Wag kang tumingin!" Sigaw ko dito at agad na binato ng kutsilyo yung lalaking nasa likod nito.
Napadaing ako ng mabaril ako sa tagiliran ko at nabitawan ko yung bakal na hawak ko at napaupo sa sahig. Kinapkapan ko yung mga lalaking nakabulagta na dito at kinuha yung baril na nakaipit.
Binaril ko yung lalaking nagsalita kanina at habang lumalapit ako dito at natamaan nya ko sa kabilang braso ko at ng magkaharap kami ay sya ding pag ubos ng bala nito kaya napangisi ako at binaril ito sa parehong binti nito.
Napaluhod ito sa ginawa ko kaya hinawakan ko yung buhok nya at kinaladkad palayo kay Allyson.
Binalibag ko dito sa pader atsaka tinutukan ng baril. Hinang hina na ito pero hindi ko parin pinapatay.
"Sinong nag utos sainyo?!" Sigaw na tanong ko dito habang pinipilit nyang makatayo.
"Sa tingin mo sasabihin ko sayo?" Sabi nito at nagawa pang tumawa sa kabila ng sitwasyon nya ngayon.
"Ah ganon?" Nilapitan ko ito atsaka hinawakan ang buhok at kinaladkad papunta sa pwesto ni Allyson.
Nagulat pa sya sa nakita nya ngayon pero isinantabi ko muna ito. Pinatabi ko sya ng bahagya atska doon itinali yung lalaking 'to.
"A-anong gina-ginawa mo s-sa-sakanya?" Mautal utal na tanong ni Allyson habang nakaupo parin.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sakanya nyan?" Sabi ko dito at binalik ko yung atensyon ko sa lalaking bihag ko ngayon
"Anong ginawa nyo sakanya?" Tanong ko dito
"Pinaligaya lang namin sya" Sabi nito at tumawa kaya agad na nag init bigla yung ulo ko atsaka itinusok yung kutsilyo sa binti nya na ikinadaing nya ngayon.
Tinignan ko yung sitwasyon ni Allyson at may nakita akong dugo banda sa baba nya. Fuck!
"Cover your eyes." Utos ko kay Allyson at hindi na din ito nagmatigas at agad na sinunod ang utos ko.
I stab him on the chest and slit it all the way down to his stomach. Lumuwa ang mga bituka nito ng dahil sa ginawa ko.
Inalalayan ko si Allyson palabas ng lugar na yon kahit na may mga tama ako ng baril i managed to bring her out safe.
Kinuha ko yung phone ko at agad na tinext sina Charli at Zero. Mamaya lang din ay nandito na sila at agad na napatakbo samin.
"Anong nangyare sayo?!" Gulat na pagkakatanong nilang dalawa saken pero hindi ko ito pinansin.
"Dalhin nyo sya sa ospital. Kaya ko ang sarili ko" Utos ko sakanila pero niisa sakanila ay walang kumilos
"Ano?! Allyson is bleeding! Buhatin mo sya Zero dahil hindi nya kayang makapaglakad at ikaw naman Charli ang magmaneho sa sasakyan ni Zero."
Wala na din silang nagawa kundi ang kumilos bago pa ko magalit sakanilang dalawa. Binuhat ni Zero si Allyson at inabot naman saken ni Charli yung susi ng dala nyang sasakyan
"Susunod ako sainyo" Sabi ko sakanila at tuluyan na silang umalis.
Dinial ko naman yung number ni mona
"Where are you kray?! Kamusta si Allyson?! Ligtas ba sya?!" Bungad na sigaw nito saken kaya nailayo ko ng bahagya yung phone ko.
"Magpapunta ka na ng mga tao dito sa address na pinakita ko kanina. Linisin nyo na yung kalat na iniwan ko"
Sabi ko dito at agad na binabaan ito. Wala na kong oras para makinig sa mga sigaw nya.
Napahinto ako ng kumirot yung tagiliran ko na may tama ng baril kaya agad kong hinubad yung jacket na suot ko at tinapal ko dito.
Pumunta na ko sa sasakyan ni Charli at mabilis na pinaandar ito palayo dito at sumunod sakanila.
______"Kray!" Sigaw ni Red ng makarating ako sa ospital.
"Anong nangyare sayo? Kray! Nauubusan ka na ng dugo!" Tarantang sabi nito ng makita yung sitwasyon ko ngayon
"Relax. Buhay pa ko, ipapagamot ko lang 'to. Babalik ako dito" Sabi ko sakanila at agad na pumunta sa emergency area para ipagamot yung mga natamo ko.
Naglalakad na ko papunta don ng may umalalay saken at nakita si Zero na biglang sumulpot sa gilid ko.
"Bakit hindi mo kami tinawagan ni Charli?" Tanong nito at napangisi nalang ako
"Hindi na kailangan. Mas mabuti na yung ako yung masaktan at magalusan kesa madamay pa kayo." Sabi ko dito
"Kray naririnig mo ba yung sarili?! Ayos lang sayo na makipag away sa alagad ni satanas kesa madamay kami?" Sabi nito na may inis sa tono nya.
"Mas pipiliin ko pang mamatay kesa madamay kayo lalo na sina Charli. I can't afford to lose them, ayokong pati sila mawala na din sa buhay ko." Sabi ko dito at tinanggal yung pagkakaakbay nya saken at tumungo sa mga nurse na nandon.
Nawalan na ko ng tatay, wala din sa tabi ko yung nanay ko at ayokong pati yung mga kaibigan ko mawala din saken. I'd rather die than losing them.
BINABASA MO ANG
Criminals
ActionFOUR criminal girls who will send them into a mission, along with the FOUR stranger men that will enter to their lives. How will they handle the mission together when they found out the TRUTH. "I would sacrifice my self in order to protect them."...