Kray POV
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng makarinig ako ng mga boses na nag uusap, dumilat ako at nakita na naman si Zero pati yung mga kasama nya.
"Bakit?" Tanong ko sa mga 'to, bakit nandito pa sila? Hindi ko naman sila mga kakilala.
"May naghahanap na lalake sayo sa labas" Sabi saken ni Zero at nakita ko si kalbo este si Craig na pumasok.
"Iwan nyo muna kami" Pakiusap ko kina Zero at lumabas naman sila, kaya tumingin ako kay Craig.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito
"Nililinis yung iniwan mong kalat" Sabi nito kaya napangisi ako, bilis nakarating kay Mona yung balita.
"Pinapasabi ni Mona kung maari lang na itigil mo na yung pagpatay ng tao" Pairap naman ako sa sinabi nya, edi ako naman yung mamamatay kung hindi ko gagawin.
"Alam ko. Pinipilit ko" Tipid kong sabi dito at may inabot itong folder
"One of the investors of ZNA Corp. At isa sa mga gustong kunin si Ms. allyson" Sabi nito saken
"Anong gagawin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala pang sinasabi si Mona since hindi pa ito kumikilos sa plano nya"
"So aantayin nyong kikilos sya tsaka kami/kayo susugod ganun? That's bullshit!" Inis kong sabi dito
"Watch your mouth young lady! Antayin nyo munang sabihan kayo ni Mona kung anong gagawin sa taong yan. Alam ni Mona yung ginagawa nya" Sabi nito kaya napangisi nalang ako. Marami namang talagang alam non, madalas palpak pa.
"Papasok na ko" Sabi ko dito atsaka ako lumabas, nagulat ako ng makitang nandito pa si Zero
"Nandito ka pa?!"
"Ah? Yeah?" Hindi siguradong sagot nito kaya napairap ako at tinalikuran sya. Anong trip nya at nag antay sya ng ganon katagal?
"Saglit nga!" Sigaw nya atsaka hinawakan yung wrist ko kaya nilingon ko ito at tinignan.
"Bakit ba?!" Iritang tanong ko dito
"Wala. Bakit ba ang sungit mo?!" Iritang tanong nya pabalik saken. Aba't! Bakit ko pa ba 'to kinakausap?
Hinablot ko yung kamay ko sa kanya atsaka sya iniwan don. Ang kulit nya!
Pagpasok ko sa room ay agad na natahimik yung buong paligid, umayos sa pagkakaupo yung iba habang nakatingin saken at yung iba naman ay nag bubulungan.
Lumapit ako kina Charli na ngayon ay nakaupo habang natutulog naman sa dulo si Hera.
"Anong problema nila?" Tanong ko kay Red
"Nagtatanong ka pa talaga" Sabi nito
"Ano nga?" Ulit ko dito
"Duh. Ang daming estudyanteng nakapanuod sainyo kanina ni Charli habang pinapatay yung dalawang tao kanina tas magtatanong ka kung anong problema nila? Ikaw ata ang may problema Kray" Sabi nito at natawa ng mahina kaya pabiro ko itong hinampas
"Nga pala, sino yung mga lalaking kasama nyo kanina?" Tanong nya saken at nakisama na din sa usapan si Charli
"Yung isa dun si Zero, yun yung lalaking nakasama ko nung nalock ako sa profile room. Yung mga kasama naman nya hindi ko kilala." Explain ko sa kanilang dalawa
"Close kayo?" Tanong ni Red
"Hindi ah. Ang daldal nga ng lalaking yon, hindi ko din alam kung bakit nag antay pa sila saken kanina sa infirmary" mukha naman silang nabigla sa sinabi ko
BINABASA MO ANG
Criminals
ActionFOUR criminal girls who will send them into a mission, along with the FOUR stranger men that will enter to their lives. How will they handle the mission together when they found out the TRUTH. "I would sacrifice my self in order to protect them."...