Kray POV
"Mauna na kayong umuwi. May pupuntahan lang ako" Sabi ko kina Charli habang nililigpit yung gamit ko
"Ha? Wait, where are you going?" Tanong ni Red pero hindi ko ito sinagot at naglakad pero bago pa ko makalayo aa kanila ay hinarap ko si Zero at hinawakan ang wrist nya.
"At ikaw. Sumama ka saken" Sabi ko dito sabay hila sa kanya palayo sa kanila. Bigla akong napahinto ng may maalala ako atsaka sya hinarap
"May dala kang sasakyan?" Tanong ko sa kanya at nanliit naman yung mata nya
"Meron bakit?" Tanong nito saken
"Good. Let's go" Sabi ko dito at hihilain na sana sya ng pigilan nya ko
"Teka nga, san mo ba ko dadalhin? Wait---" Nakita ko itong nagtakip sa buong katawan nya. Anong iniisip nito? Dadalhin ko sya sa motel? Yuck.
"Stop. Pupunta tayo kay Mona" Iritang sabi ko dito at napabuntong hininga naman sya. Duh di ko sya type
"Let's go" Sabi nito at ako naman ang hinila nya papunta sa parking lot.
Tahimik ang buong byahe namin pero nung malapit na sa opisina ni Mona nagsimula ng magtanong ng magtanong yung kasama ko dito.
"Nandito na tayo" Sabi nito kaya bumaba na ko at naglakad na ko papasok
"Craig! Nasan si Mona?" Tanong ko kay Craig ng makita ito
"Nasa opisina nya. Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nito pero hindi ko sya pinansin at dire diretsong pumasok sa office ni Mona.
"We need to talk." Bungad ko agad dito ng makapasok ako, binaba naman nya yung phone nya at hinarap ako
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito saken kaya lumapit ako sa lamesa nya para harapin sya
"What the fuck are you doing?! Sinong nagsabi sayong ipagsabi mo sa ibang tao yung buong pangalan ko?"
"Watch your mouth young lady! Sarili ko mismo ang nagsabi sa kanila. Now you know na may tutulong sa misyon nyo"
"Wala kang karapatang ipagkalat o ipagsabi sa ibang tao yung buong pangalan ko."
"Bakit? Tutal kilala ka naman sa buong pilipinas bilang isang mamamatay tao diba? Natatakot ka ba?" Sabi nya kaya bigla kong sinuntok yung lamesa nya ngayon kaya napatayo sya sa kinauupuan nya.
"Binabalaan kita. Kung may ibang masamang mangyari sa nanay ko, I WILL KILL YOU." Madiing sabi ko dito. Nakatitig lang ito saken ngayon at hindi nagsasalita
"Tatapusin ko agad 'tong misyon na 'to, papatay ako ng tao kung kinakailangan. Matapos lang 'to agad" Dagdag ko dito at hindi ko na sya hinantay pang magsalita at lumabas ako.
Paglabas ko ay nakita kong nakikinig si Zero mula sa pintuan kaya kumunot bigla yung noo ko, tumayo ito ng maayos at ngumiti saken kaya napairap nalang ako at naglakad palabas.
Nasa byahe na kami pauwi at ihahatid nya na daw ako sa unit namin kaya hinayaan ko nalang sya. Wala ako sa mood ngayon ng dahil kay Mona.
"Ayos ka lang?" Rinig kong tanong nito saken
"Shut up.." Bored kong sagot dito at hindi na sya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa condominium.
"Thanks" Sabi ko dito at bumaba na ng sasakyan.
__________Maaga akong nagising at lumabas ng kwarto, naabutan ko naman don si Charli na nagluluto ng almusal
"Good Morning" Bati nito kaya tumango lang ako at nagtimpla ng kape
BINABASA MO ANG
Criminals
ActionFOUR criminal girls who will send them into a mission, along with the FOUR stranger men that will enter to their lives. How will they handle the mission together when they found out the TRUTH. "I would sacrifice my self in order to protect them."...