Chapter 12

291 9 1
                                    

3rd Person POV

Bago bumaba ang grupo nila Kray sa sasakyan ay naglagay muna sila ng earpiece para marinig nila ang bawat isa. Isa isa silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

Ingay, inuman at sayawan ang bumungad kina Kray. Pumwesto na sila sa table nila, at inabutan sila ng alak ng mga waiter na nag iikot ikot sa buong paligid ng Club.

"Seeing and entering into Club like this makes me remember my past" Sabi ni Kray sa isip nya ng libutin nya yung paligid.

Habang busy sila sa pag iinom, ay siniko naman ni Charli si Kray kaya tumingin ito dito at nakitang nakanguso ito sa kung saan. Tinignan nya ito at nakitang si Mr. Sanderson na kakapasok lang at may mga lalaking nakabantay dito.

Tumayo ang dalaga at hinubad ang jacket na pinahiram sa kanya ni Zero. Napatigil ang mga kasama nito at tumingala sa kanya.

"It's Showtime" Banggit sa kanila ni Kray sabay kindat sa mga ito. Naglakad papalayo sa kanila si Kray para malapit ang pakay nila.
_______

Zero POV

"Ano sa tingin nya yung ginagawa nya?!"

"Manahimik ka na nga muna Zero, alam ni Kray yung ginagawa nya" Sabat saken ni Hera. Alam kong kanina pa silang naiinis saken dito pero hindi ko kayang makitang umiikot yung kamay nung lalake sa katawan ni Kray!

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko at agad ako na tumayo, narinig ko pang tinatawag nila yung pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin

Pagkalapit ko kay Kray ay agad ko itong hinawakan sa kamay atsaka ito hinila palayo sa bastos na lalaking yon, pero agad akong napahinto ng hilain pabalik ni Kray yung pagkakahawak.

Tinignan ko sya pero blanko nya lang akong tinignan, nakita ko pang lumapit sa kanya yung Sanderson na yon at marahas syang hinila sa tabi nito.

"Who are you?" Tanong saken nung lalaki

"She's my girlfriend, tumabi ka at uuwi na kami" Nakita ko pa yung pagkagulat sa mukha ni Kray, pero pinasawalang bahala ko lang yon at kukunin ko na sana sya pero agad na tinabig nung lalaki yung kamay ko

"Girlfriend? Do you know him?" Tanong sakanya nito pero umaling lang sya.

Inasahan ko na yung pagtanggi nya dahil una sa lahat, alam kong plano nya na 'to dahil sa misyon na namin at pinaka huli, hindi naman kami.

"Sige na! Palabasin nyo na yang lalaking yan!" Sigaw nung Sanderson sa mga bouncer pero nagpumiglas ako at sinapak ito.

Kray POV

Ano bang ginagawa ni Zero dito?! Ang usapan ako lang ang lalapit dito sa target namin eh. Ipapahamak nya pa sarili nya!

Nakita ko namang nagpumiglas si Zero at sinimulang suntukin yung mga bouncer, nakita ko pang nagsilapit na yung iba pang mga kasama ko. Nalintikan na!

Sinimulan ko na ding suntukin yung mga lalaking nasa likod nitong ugok na nasa gilid ko na kanina pang hawak ng hawak sa bewang ko.

"Kray!!" Narinig kong sumigaw si Zero galing sa likuran ko at nakita ko namang pasugod na saken si Mr. Sanderson kaya inunahan ko na ito at sinuntok ng malakas sa mukha.

Tinapos na namin yung misyon namin dito kahit na gumamit ako ng dahas para mawala ng tuluyan yung lalaking yon.

Lumabas na kami at agad kong tinulak ng bahagya si Zero para sa ginawa nya kanina kaya nabulilyaso ng maaga yung plano namin.

"Bakit na naman?!" Inis na tanong nito saken

"Baliw ka ba?! Bakit ka sumusugod don kanina?!"

"Binabastos ka na nung lalaking yon eh!" Inis na sagot nya saken.

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon