Chapter 14

189 5 0
                                    

3rd Person POV

Nasa kalagitnaan na sila ng pag uusap ng may tumawag kay Kray, tinignan nya ito at agad ng sinagot ng makita na si mona ang tumatawag.

"Where the hell are you?!" Bungad ni Mona ng sagutin ni Kray, medyo nainis na sya dahil sa biglaang pagsigaw nito sa kabilang linya.

"Nandito sa bahay, Bakit ka ba sumisigaw?!" Inis na tanong nya dito

"Nawawala si Allyson! Binabantayan nyo ba talaga sya?!" Parang nanigas naman ang buong katawan ni Kray ng marinig nya yon.

"Hello kray? Kray? Kray!"

Naibagsak ng wala sa oras ni Kray yung phone nya at agad agad na pumunta ng kwarto para kumuha ng jacket.

Samantala nagtataka sina Charli sa kinikilos ni Kray kaya pinigilan nya ito bago pa makaalis.

"Kray!" Sigaw nito at parang nabuhusan ng tubig ng malamig si Kray at nabalik sa wisyo.

"I have to go" Sabi nito sa mga kasama nya kaya nagtaka si Charli at nagtanong

"Ha? San ka pupunta? Sino yung kausap mo?"

"Nawawala si Allyson" Sabi nito na ikinabigla ng lahat

"Kailangan ko ng umalis" Dagdag nito at akmang aalis na ng pigilan sya ni Hera

"San ka pupunta? May lead na ba sina Mona kung nasan si Ally ngayon?"

"Hindi ko alam. Ang importante makita ko agad si Allyson" Natataranta nyang sabi sa mga ito kaya medyo nainis si Charli sa mga kinikilos ngayon ni Kray

Palabas na ng pintuan si Kray ng pigilan ito ni Charli.

"Huminahon ka nga Kray! Hindi mo nga alam kung saan ka pupunta tas susugod ka ng mag isa?!" Humarap sa kanya si Kray na may mga luha sa mga mata nito

"I need to find her as soon as possible dahil kung hindi..."

"... Hindi ko na makikita yung mama ko"
_________

Charli POV

"I need to find her as soon as possible dahil kung hindi..."

"...Hindi ko na makikita yung mama ko"

Nabigla ako ng makita kong umiiyak si Kray at sinabe nya yung mga yon. Agad ko syang niyakap at pinatahan.

Ayaw ni Kray ng may nakakakita o makaalam ng kahinaan nya. She may seems strong on the outside but her heart is so fragile.

"Aalis tayo. Kasama mo kaming maghahanap kay Allyson" Sabi ko dito at kumalas sya sa pagkakayakap ko sakanya, pinunasan ko naman yung luha nya.

"Magbihis kayo! Aalis tayo!" Sigaw ko sa mga kasama ko, agad naman silang nagsikilos at bumalik na sina Casper sa Unit nila para magbihis.
________

Kray POV

Nasa byahe na kami patungo sa opisina ni Mona. Pagdating namin doon ay nagkakagulo yung mga tao, nakita kami ni Craig kaya agad nya kaming nilapitan.

"Kanina pa kayo inaantay ni Mona"

"Where is she? May lead na ba kung nasan si Allyson?" Serysong tanong ko dito habang naglalakad kami patungo sa office ni Mona

"Wala pa, hinahanap pa namin and we're doing our best para matrack kung nasan sya ngayon" Sabi nito habang busy sa pagkalikot sa tablet na hawak nya.

Tumigil kami sa pintuan ng opisina at bago pa ko makapasok ay may binilin ako kay Craig.

"Call timothy, he's one of my underlings noon pa. Makakatulong sya satin, at pakisabi na din na ipadala dito yung motor ko" Utos ko kay Craig, humarap naman ako sa mga kasama ko

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon