Chapter 4

570 17 0
                                    

Kray POV

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad saken nung tatlo pagkapasok ko, hinagis ko sa kanila yung folder atsaka naupo sa sofa.

"Nalock ako sa profile room" Sabi ko sa kanila.

"Itago daw natin yan, at kailangan nating higpitan yung pagbabantay mamaya kay Ally dahil may mga civiliang pupunta mamaya sa school para kunin yan" Dagdag kong sabi

"So ano pang tinutunganga natin dito? Maligo ka na! Kayong dalawa naman magbihis na kayo ng makaalis na tayo" Utos samin ni Charli kaya kumilos na kami.

Wala sanang ibang mangyari mamaya dahil hangga't maaari pipigilan ko munang hindi makapatay.
_______

Charli POV

Napasilip ako sa ginagawa ni Kray at nakitang nakatitig ito sa picture ng mama nya. Hanggang ngayon naaawa parin ako kay Kray, dahil sa nangyayari samin ngayon kaya kami tinakwil ng mga magulang namin.

Kumapit ako sa braso ni Kray atsaka sya nginitian kahit sa simpleng bagay man lang mapagaan ko ang loob ni Kray.

"Alam kong may hihilingin ka. Ano yon?" Bored na tanong ni Kray pagkapasok namin sa school

"Wala.." Sagot ko dito at hindi nalang din sya sumagot.

Pumasok na kami sa room at naabutan namin si Allyson na nagbabasa ng libro, pumwesto na kami sa likod nya at inantay nalang namin na pumasok yubg prof.

"Good Morning Class! By the way, Ms. Wellington pinapatawag ka ng Dean ngayon" Sabi nung prof pagkapasok nito.

Nakita kong tumayo si Allyson at lumabas kaya nagkatinginan kami ni Kray. Shit!

"May i go out mam?" Paalam ko sa prof. At pinayagan naman ako nito kaya binulungan ko si kray na sumunod saken.

Nagmadali akong lumabas para habulin si Allyson, hindi maganda ang kutob ko dito. Nakita kong pumasok sa loob ng dean office si Allyson kaya pumwesto ako dito malayo layo sa opisina para magbantay.

"Where is she?" Nqpalingon ako at nakita si Kray na kakarating lang.

"She's inside, let just wait here" Sabi ko dito at tumango lang ito.

Maya maya pa ay lumabas si Allyson na may kasamang isang matangkad na lalake at isang babae. Nagkatinginan muna kami saglit ni Kray atsaka sila nilapitan.

"Allyson, kanina ka pa hinahanap ni Ma'am. Tara na, pinapasundo ka nya samin" Sabi ko kay Ally atsaka hinawakan yung wrist nya para hilahin pero pinigilan ito nung babae.

"Ha? Teka--- may kailangan pa daw akong puntahan na meeting kaya pinadala sila ni Dad." Sabi ni Ally kaya mas lalong lumakas yung kutob ko na kidnapping ang gagawin nitong dalawang 'to

"Atsaka teka nga, alam naman ni Ma'am na pupunta ako sa dean. So anong ginagawa nyo dito?" Dagdag na tanong nya samin.

"Makikiraan lang ho, malelate na po si Ms. Wellington" Sabi nung Lalaki pero hinarang sya ni Kray
__________

Kray POV

"Makikiraan lang ho, malelate na po si Ms. Wellington" Sabi nung lalaki at tangka nang aalis ng harangin ko ito.

"Sandali lang..."

"Sabi mo may pupuntahan ka daw na meeting?" Tanong ko kay Ally at nakita ko itong nagtatakang tumatango.

"Saan pala gaganapin yung meeting?" This time dun sa babae na ko nakatingin, tinanggal nito ang shade nya at nabigla ako ng makita yung pamilyar nyang mukha. Nagkita na ba kami dati?

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon