Red POV
Pumasok ako sa kwarto ni Kray ng walang katok katok, nagpadeliver kasi si Hera ng Chicken. Naglilihi na naman yung babaeng yon Hahahaha
Sumilip ako at tinignan yung paligid, ang kalat talaga ng kwarto nito minsan napapaisip nalang ako kung babae ba talaga 'to?
"Kray?" Mahinang tawag ko sa kanya kasi natutulog na sya ngayon. Ayaw pa naman nyang ginigising sya
"I'm sorry..." Napatigil ako ng bigla itong magsalita, nakita kong may luhang lumabas mula sa mata nito at dumaloy sa pisngi nya.
Napaupo ako sa gilid ng kama nya atsaka hinawakan yung kamay nya. She really miss her mom. Kahit hindi nya sabihin samin ramdam naming nangungulila na sya sa nanay nya. Lahat naman kami nangungulila na pero si Kray madalas naming naririnig na umiiyak sa kwarto nya, minsan naman magugulat nalang kami na umiiyak nalang sya bigla.
Kahit gaano katapang si Kray basta pagdating sa magulang nya nanghihina sya, magiging maamong pusa sya pagdating sa mommy nya, handa nyang ibuwis yung buhay nya para sa mommy nya. Ganon nya kamahal yung mommy nya.
Binitawan ko na yung kamay nito at dahan dahang lumabas ng kwarto nya. Mas mabuti pang hayaan ko na lang syang matulog para kahit papano, kahit sa panaginip lang makasama nya yung magulang nya.
"Nasan na sya?" Tanong ni Charli
"Natutulog na. Hayaan nalang natin, tayo nalang kumain nyan" Sabi ko sa kanila kaya wala na din silang nagawa kundi ang tumango at kumain.
_______Hera POV
"Kray! Anong oras na?! Malelate na tayo!" Sigaw ko sa kanya mula dito sa labas ng kwarto. Napakabagal talaga gumising nito kaya nalelate kami at hindi namin naaabutan si Allyson lumabas.
"Eto na!" Sigaw nito atsaka lumabas ng kwartong magulo pa yung buhok.
"Let's go" Sabi nito at nagmadaling lumabas ng unit. Sinundan naman namin sya hanggang sa makarating na kami sa school.
Pumasok na kami sa room at saktong pagpasok din ng prof.
"Class! May magtatranfer sa klase nyo ngayon..." Panimula nito kaya lahat kami ay napatingin sa pinto
"Pumasok na kayo" utos nito at pumasok ang apat na lalaki.. Teka, sila yung---
"Anong ginagawa nyang lalaking yan dito?" Napatingin ako kay Kray ng bumulong ito
Saktong pagpasok din nila ay ang pagtilian ng mga babae dito sa klase namin. Ang OA nila di naman mga artista yan.
"Introduce yourselves" Utos nung prof kaya sabay sabay silang nag sitanguan.
"Hi my name is Zero, 19 yrs old"
"I'm Casper, 19"
"I'm Dren, 19"
"I'm Xander, 19" Isa isa nilang pakilala dito.
pinaupo na sila ng prof at saktong sa likod nalang namin ang bakante. Nakita ko pang nakangising nakatingin yung Zero kay Kray ng dumaan ito. Problema non?
"Pasuntok nga ko kahit isa" Bulong ni Kray kaya agad ko itong sinuntok sa braso nya. Madali akong kausap
"Aray!" Daing nito atsaka ako tinignan ng masama, nakibit balikat lang ako at tinuon ang atensyon sa discussion.
Ilang oras ang lumipas at launch break na namin kaya tumayo kami agad lalo na si Kray na alam kong kanina pang nagugutom.
Umorder kami ng pagkain at naupo sa may bakanteng lamesa at upuan.
BINABASA MO ANG
Criminals
AcciónFOUR criminal girls who will send them into a mission, along with the FOUR stranger men that will enter to their lives. How will they handle the mission together when they found out the TRUTH. "I would sacrifice my self in order to protect them."...