Chapter 13

174 6 0
                                    

Kray POV

Isang linggo na ang nakakalipas ng huli kong nakita si Aeron at isang linggo na din akong hindi makausap ng maayos ng mga kasama ko sa bahay kahit sina Zero.

Sabado ngayon at walang klase, wala ding panibagong misyon na pinabalita saken sina Mona kaya chill chill lang muna ako ngayon. Mabuti na din yung ganito atleast i have time to myself kahit isang araw lang masulit ko ng walang iniisip na problema.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad na lumabas ng unit. Wala si Red dahil nakipag date kay xander, si Hera naman nasa kabilang unit kasama si Dren at nagpapatulong magluto, si Charli naman hindi ko alam kung saan pumunta pero nagpaalam ito na aalis saglit kasama si Casper kaya ako ang naiwan sa unit.

Hapon na din kaya hindi na gaanong mainit, hindi ako lumabas ng kwarto kanina dahil sobrang tirik ng araw. Nakapambahay lang ako ngayon, i wore a baggy tshirt, jagger pants and a pair of slipper. Lumabas ako ng hindi ko alam kung saan ako puounta at dadalhin ng mga paa ko, wallet at phone lang ang tangi kong dala ngayon.

Naisipan kong pumunta muna sa 7/11 para maghanap ng makakain ko since hindi ako kumain ng lunch kanina. Kumuha ako ng sandwich at chocolate drink at binayaran ko din sa counter. Naupo ako sa isa sa mga upuan doon at kumain ng tahimik, namiss ko ding kumain ng mag isa lang at hindi kasama sina Red.

After i ate lumabas ako at pumunta ng mall, ewan ko susulitin ko na yung araw na 'to baka bukas hindi ko na magawa. Nag ikot ikot ako sa mall at kahit may dala akong pera at cards ay wala akong nabiling mga damit, tingin tingin lang kahit na may magustuhan ako hindi ko nabili kahit sapatos na ang daming magaganda at bagong labas ay hindi ko nabili. Hindi sa nanghihinayang ako sa pera pero wala akong gana bumili.

It's past 6pm ng pumunta ako sa isang coffee shop dito, i ordered a piece of cake a iced coffee lattè. Pagkain nabibili ko ngayon pero damit hindi jusko.

Nakapwesto ako sa may salamin kung saan makikita lahat ng tao dumadaan sa shop na yun, syempre madaming tao dahil nasa loob lang naman sya ng mall.

Tahimik kong ninanamnam yung kapiraso ng cake at paghigop ng kape hanggang sa may makita akong isang pamilyar na lalaki. Muntik ko ng maibuga ng wala sa oras yung iniinom ko dahil sa nakita ko.

I saw Aeron standing outside of the shop with a phone on his ear while looking around the mall.

Binalik ko yung tingin ko sa lamesa at agad na inubos yung cake sabay kinuha ko yung hindi pa ubos na kape ko, lumabas ako ng shop at baka makita nya pa ko dun.

Nagmamadali akong lumabas ng mall when suddenly someone called my name, i turn around and saw Aeron.

Tinalikuran ko sya at lumabas ng mall, hindi ko na sya kilala simula nung mga araw na yun. He chose that pokpok over me eh so ano pang silbi para hindi ko sya kalimutan diba?

"Wait!" Napahinto ako ng hinawakan nya yung kamay ko, hinarap ko sya at hinigit pabalik yung kamay ko.

"What?" Walang ekspresyon kong tanong dito.

"I just wanted to ask you if you want some coffee and if we can talk for a bit?" Sabi nito kaya napangisi naman ako.

"I already have one" Sabi ko dito sabay pakita nung kape na dala ko

"Atska anong pang pag uusapan natin?" Tanong ko dito at nakita ko naman itong napayuko. Wow nasan na yung Aeron na kilala ko dati na ang taas taas ng tingin sa sarili?

"About U---" Naputol yung pagsasalita nya ng may humigit sa braso ko mula sa likuran ko.

"San ka ba galing? Kanina ka pa naming hinahanap" Sabi ni Zero at ako naman ay hindi nakapagsalita bakit? Ang awkward ng posisyon ko sa kanya, napasandal ako sa dibdib nya at yumuko sya ng bahagya para ilapit yung mukha nya sa mukha ko kaya naiilang ako sa mga tingin nya ngayon.

Umayos ako ng tayo then i cleared my throat to speak.

"Kumain lang ako sa mall" Sagot ko dito, napatingin naman sya kay Aeron na nasa harap parin namin hanggang ngayon.

"Sino ka?" Tanong nito dito at pinigilan kong tumawa dahil sa mukha nya ngayon. Bakit mukha syang bibe na naipit yung mukha?

"I should better go, Bye Kray!" Paalam nito at napairap nalang sa sinabe nya. Kung makapag paalam akala mo close kami.

"Sarap dukutin ng mata mo" Napatingin ako dito sa kasama ko at sumimangot

"Ba't nandito ka?" Tanong ko dito

"Hinahanap ka ni Hera, pagpasok nya sa unit nyo wala ka sa kwarto mo" Sabi nito at tumango tango sabay lakad.

"Sino yung lalaki na yun? Pangalawang beses ko na syang nakita ah"

"Wag mo ng alamin. Basta kaaway ko yun na gusto ko ng mawala sa mundo" Sabi ko dito at natawa naman ito kaya tumingin ako dito.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko dito

"Wala naman. Hindi ka na talagang nag abala mag ayos sa sarili mo papunta sa mall ah" Sabi nito.

"Uminom lang naman ako ng kape dun at gusto kong mapag isa muna pero bigla namang nagpakita yung lalaki na yun at sumulpot ka pa!" Sabi ko dito

"Bakit parang kasalanan ko pang nagulo yung tahimik mong araw ngayon" Sabi nito at napailing nalang ako. Sana naman sa mga susunod pang araw wala na akong maging problema gusto ko lang masulit yung isang araw na ako lang at walang ibang taong manggugulo.

"Namiss kitang kausap" Napatingin ako dito sa kasama ko ng sabihin nya yon.

"Hindi kita malapit lapitan nung mga nakaraang araw kasi wala ka sa mood at ayoko namang dumagdag pa sa problema mo" Dagdag nito

"Pasensya na kayo kung hindi ko kayo nakakausap ng maayos. Ayoko lang din kasing madamay kayo sa init ng ulo ko" Sabi ko dito, ngumiti ito atska ginulo yung buhok ko na ikinasimangot ko.

"Sorry" Sabi nito atsaka itinaas yu g dalawang kamay na para bang sumusuko na. Baliw.

Nakarating na kami sa unit namin at naabutan ko silang nandun lahat sa unit namin nila Charli kasama sina Casper na kumakain kaya nakisalo na kami.

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon