Chapter 9

298 16 0
                                    

3rd Person POV

Agad na nagbihis at naghanda sina Kray pagkauwi nila galing school at ganon na din ang ginawa nila Zero.

"Tawagan nyo ko kapag may ibang mangyari mamaya ha?" Sabi ni Hera sa tatlo nitong kaibigan.

Napagdesisyunan nina Kray na si Hera at Dren ang magbabantay kay Allyson habang wala sila sa Unit, mahirap na daw dahil baka madaming nagmamatyag sa paligid nito.

"Mag iingat ka dito, tawagan mo ko kapag may ibang mangyari dito" Sabi ni Kray kay Hera bago sila umalis

Kumatok na din sa pintuan nila Kray sina Zero ng matapos na sila, nagpaalam na din sila sa dalawang maiiwan at agad na silang umalis.

"Dito nyo nalang ihinto yung sasakyan" Sabi ni Charli ng makarating na sila sa Hotel, malayo layo ang pinarkan ng sasakyan nila para hindi mahalata ang kanilang pagdating

"Bumaba na muna kayo" Utos ni Kray sa tatlong lalaki

"Bakit?" Tanong ni Zero at tinaasan sya ng kilay ni Kray

"Magbibihis kami" Sabi nito at agad namang bumaba ang tatlong binata at pumunta sa likod ng sasakyan

"Sayang!" Biglang sabi ni Xander ng makababa sila, bigla naman syang binatukan nung dalawa pa nyang kasama

"Manyakis ka talaga!" Sabi dito ni Zero at nagkamot ng ulo si Xander dahil sa pambabatok nung dalawa

Nagulat ang tatlo ng biglang sumulpot sa tabi nila si Kray na ngayon ay nakasuot ng magarbong damit habang si Charli naman ay nakasuot ng pang waiter at si Red na nakasuot din ng cocktail na dress.

Pagpasok nila sa loob ay magpapangap si Charli at Casper na mga waiter ito sa party, si Red at Xander naman na magpapangap na magkasintahan habang magbubukod naman sa kanila si Kray at Zero.

Nakapasok sila dahil sa pekeng invitation card na pinakita nila sa mga bantay, agad na silang naghiwa hiwalay ng landas para hanapin si Mr. Santiago

"I saw him. Kakapasok lang nito" Pabulong na banggit ni Red sa earpiece na nakakabit sa mga tenga nila

Agad na napalingon ang apat na nakahiwalay sa kanila, at sinimula na ding maglakad ni Charli palapit dito para offeran ito ng alak

"Wine sir" nakangiting banggit ni Charli kay Mr. Santiago, agad namang kumuha ng alak sa tray ito at naglakad na palayo si Charli

"Marami syang bantay" Bulong ni Charli sa earpiece

"Mag ingat kayo, bantayan nyo ang mga kilos nito habang ako naman sa mga kilos ni Mr. Santiago" Pabulong na sabi ni Kray

"1 cocktail juice" Order ni Kray sa baristas pagdating nito at agad na umupo, nilibot nya ang paningin nya sa paligid

"Here" Kinuha ni Kray yung Juice at ininom ito habang pasimpleng sinusundan ang mga kilos ng target nila

"Nagtext saken si Dren, lumabas daw si Allyson ng unit nya" Napatingin naman agad si Kray ng sabihin yon ni Zero, na nakakarating lang din sa tabi nya

"Saan daw papunta yon?" Tanong nito dito

"Di nya daw alam, kaya sinundan nalang nila" Sagot ni Zero dito at tumango tango lang ito

Kray POV

"Hi!" Sabay kaming napalingon ni Zero ng may magsalita sa likod ko, nakita ko ang isang lalaking nakangiting nakatingin saken. Ako ba sinasabihan nito?

"You caught my attention. By the way im--" Naputol yung sasabihin nya ng bigla nalang sumingit yung 'tong kasama ko.

"I'm her boyfriend" Nilingon ko agad si Zero ng sabihin nya yon, Gago ba 'to?

CriminalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon