CHAPTER ONE: "Bus Ride"

1.1K 17 2
                                    

        Hindi ko alam kung bakit napapanaginipan ko si Pyom-pyom ang mascot ng bakery shop kung saan ako minsang tumutulong kapag summer break at weekends. Nasa MRT station si Pyom-pyom at nagbibigay ng mga fliers ng bagong bukas na bakery shop malapit sa bahay namin. May ilang nagpa-picture at may ilan din namang bata ang lumapit at humawak sa kanya. Malaki ang ulo ni Pyom-pyom parang may hydrocephalus. Malaki ang mga mata nito at malapad ang ngiti. Hindi ko alam if bakit trip na trip sya ng mga bata dahil if ako ang tatanungin nakakatakot ang itsura nito parang killer sa horror movie.

         Biglang dumaan ang bus sa isang lubak nauntog tuloy ako sa balikat ng lalaki na katabi ko. Ouch! Umupo ako ng derecho at humingi ng paumanhin sa katabi ko. Once again I, Malaika Escalante, fell asleep on the bus and to make it more humiliating kanina pa pala ako nakasandal sa balikat ng katabi ko. Mabuti na lang at hindi ito nagreklamo tulad ng ibang biktima ko sa bus. Sinulyapan ko ang wrist watch ko it was already ten minutes passed seven in the morning. Late na naman ako. (ToT) “Madrigal High!” sigaw ng bus driver. Tumayo agad ako at nagmadaling bumaba ng bus.

“Kuya Manong Guard sige naman po papasukin nyo na ako.”

         Nagkamot lang ito ng ulo at umiling-iling. I gave him my sweetest smile ever. Hehe tiyak na papayag na ito. Di ko alam kung bakit sobrang strikto sa paaralan namin. Madaming bawal lalo na ang pagiging late. Isinasara nila ang main gate at exactly seven in the morning if late ka di ka na pwedeng pumasok.

“Alam mo naman Miss Lyka na kahit makapasok ka dito hindi ka pa din makakaligtas pagdating mo sa room.”

         Doon nagkakamali si Kuya Manong Guard. Si Professor Pyom-pyom kaya ang una kong klase today at hindi iyon nagtatawag for attendance. If makakalusot ako dito sa gate tiyak na lusot din ako sa classroom.

“Sige na please.” Sabay paawa look kay Manong Guard.

         Bumuntong-hininga ang guard and with that I know na lusot na ako. Binuksan nya ang isang maliit na gate at pinapasok ako. Dali-dali akong tumakbo papunta sa senior’s building at hindi nagpahalata sa ibang klase habang naglalakad ako sa hallway. Pagdating sa classroom ay sumilip ako sa may bintana. Perfect! Nakatalikod si Professor Pyom-pyom at nagsusulat sa black board hindi ako mapapansin nito kapag pumasok ako. Sa may back door ng classroom ako dumaan and I tiptoed towards my chair. Malapit na sana ako ng biglang tinawag ako ng Professor.

“Miss Escalante!”

 Lumingon ako sa may unahan at nakita ko ang Professor namin na galit na nakatingin sa akin. Parang umuusok pa yata ang ilong nito sagalit.

“Stand up straight!”

Sinunod ko ang utos nya. Nakatingin lahat sa akin sa classroom. Nakakahiya talaga.

“Akala mo siguro makakalusot ka ulit sa akin!” Mukhang bad mood si Prof Pyom ha. Bad timing talaga. Tsk!

“Sorry po Professor Pyom-pyo…” Napatakip ako sa bibig. Biglang nagtawanan ang lahat sa klase. Lalo yatang dumami ang usok na binubuga ng ilong ng professor ko. Patay! (Y_Y)

“Sorry po Professor Gomez.” Nakayukong sinabi ko. Nagtatawanan parin sa loob ng classroom.

“Stand outside the hallway Miss Escalante until the end of my class!” bulyaw nya sa akin. Sa sobrang inis nito ay naputol pa nito ang hawak nya na chalk.

         Dahan dahan akong lumabas ng classroom at pumunta sa may hallway. Nakakatakot kapag nakipagtalo pa ako kay Prof Pyom-pyom baka pakainin pa ako ng chalk pag nagkataon.

“Bwisit naman palpak!” I stomped my feet in frustration. Kasalanan ko ba if kamukha talaga nya ang mascot na si Pyom-pyom? Parehong malaki ang ulo nila at mata. Katakot din kapag ngumingiti si Professor Gomez parang mawawarak na ang gilid ng labi nya sa sobrang laki ng pag ngiti nya. Creepy talaga! Bigla kong napalingon sa may di kalayuan. May isang estudyante din na katulad ko na nakatayo sa labas ng hallway.

Cupid's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon